485

October 3rd, 2008


485 - Iyan ang bilang ng liku sa Baler-Bongabong road simula sa Kalanan hanggang Ditumabo. Iyan ay binilang ni Isaac Israel G. Sindac nuung 2001. Labing dalawang taong gulang siya noon. Baka gusto ninyong i-double check, kung kaya ninyu.

Nabasa ko ito sa isang lumang article sa inquirer. Isa ito sa mga kaunti pa lamang na Google search result sa “Baler Aurora” noong 2001. Ibinalik ng Google ang kanilang 2001 search index bilang pagdiriwang ng ika-10 taong anibersayo nito.

Baler Movie Pictures

September 29th, 2008


Mula sa Baler Movie thread ng pinoyexchange forums, ilang mga larawang kuha sa shooting ng sineng Baler. Ang mga larawan ay galing kay journeyman.

Picture by the journeyman

Si Anne Curtis ay gaganap bilang Feliza Reyes, isang tiga Baler na anak ng isang rebolusyonaryo at si Jericho Rosales naman ay gaganap na Celso Resurrecion, isang sundalong Spanish-Filipino na kasama sa mga magtatanggol sa simbahan ng Baler.

Picture by the journeyman

Mga tiga-Baler, nagbabakwet. Si Philip Salvador ay ang gaganap na tatay ni Anne Curtis.

Picture by the journeyman

Si Anne at Echo, nagde-date sa Labasin. Sa totoo, ito ay sa Tanay, Rizal at ang dagat ay ang Laguna de Bay.

Picture by the journeyman

Sila uli, nagbabadeyo papunta ng Castillo, para mag-e kibit sa munting gasang.

Pakaskasan Mamayang Gabi - September 27

September 27th, 2008

Wag kaligtaan mamayang gabi ang Pakaskasan Live sa Freedom. Ito ay tugtugan ng mga bandang galing Baler o may mga miyembrong tiga Baler. Ang mga bandang tutugtog ay Pentavia, Akaw First Project, Ina ni Basilio, Blue Island, Mitochondria, Sandlady, Ohm Sapien, Kwak Kwak, Tanukaobra, Inri, Bubblegoo, Mandala, Libris Arcana, Lpstk, Everyday a Struggle at Arkanum.

Maliban sa tugtugan at rakrakan, pagkakataon na rin ito ng mga tiga Aurora sa Maynila na magkita kita at makapag-puntung Baler.

Ang Freedom Bar ay matatagpuan sa 2nd Level, Anonas Commercial Complex, Anonas St. cor. Aurora Blvd. Quezon City.

Pasirit Baler

September 27th, 2008

Isa na namang video mula sa Provincial Tourism Office. Ngayun naman ay itinatampok ang mga surfers ng Baler, at siyempre ang mga world-class na surfing spots ng Aurora. Saksihan!

Bagong Blogs

September 25th, 2008

May natisud akung dalawang bagung blog tungkol sa Aurora. Parehong gawa ng isang nagngangalang Carmelian. Sana magtagal ito sila:

Aurora Province

Casiguran

Isa na namang Sk8ing video

September 22nd, 2008

Mula sa Tagabaler Sk8 Community. Ayuz!

Congrats!

September 19th, 2008

Pagbati sa mga bagong Electrical Engineers:

Louie Anthony Lombres
Mark Anthony Cruz
Jay Aris Montemayor

At sa bagong chemist na rakista:

Vera Madell Ilao

BFAR hunts dolphin killers in Aurora province

September 18th, 2008

Balita mula sa gmanews.tv:

The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) is now hunting down a gang behind the slaughtering of dolphins off Baler town in Aurora province, a radio report said Wednesday.

Radio dzRH reported that the remains of the dolphins were found off Reserva village in Baler town in Aurora. Only the heads, bones and tails were found.

Basahin ng kumpleto

P7-B port city being planned in Aurora

September 18th, 2008

Balita mula sa inquirer.net:

About 1,000 hectares of land in Aurora province, northeast of Manila, will soon become a P7-billion port city, says R2 Builders, the developer tapped for the port development project.

Basahin ng kumpleto

Update kay Okoy sa Indonesia

September 16th, 2008

Sa mga gustong malaman ang nangyayari sa pagdayu ni Rommel Rojo at ilan pang mga pinoy surfers sa Indonesia, may balita sa isang surfing competition na sinalihan nila, ang Oakley O ROKR Pro Indonesian Surfing Championship sa Kuta Beach, Bali noong August 16-17.

Ang ating kababayan na si Okoy ay ang kaisa-isang tiga labas ng bansa na nalampasan ang trial heats at nakasali sa Round 1. Kaya nga lang ay hindi na siya naka advance sa Round 2. Achievement ito para sa ating kababayan sa kanyang unang pagsabak sa international surfing competition sa labas ng bansa.

Nandito ang balita.

Gail Darwin Manalo from Ma. Aurora - 2008 Metallurgical Engineering Board Exam Topnotcher

September 12th, 2008

Medyo huli na ito pero bago pa rin.

Congratulations kay Gail Darwin Pranada Manalo mula sa Ma. Aurora sa pagiging No. 1 niya sa nakaraang Metallurgical Engineering Board Exam na ginanap nitong Agosto 2008. Si Darwin ay nagtapos sa university of the Philippines - Diliman. Siya ay produkto ng Mount Carmel High School - Maria Aurora. Isang standing ovation para kay Darwin!

Nandito ang balita mula sa Professional Regulation Commission website

Lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara

September 11th, 2008

Ang ibig sabihin ng PDAF ay Priority Development Assistance Fund. Mas kilala ito sa tawag na Pork Barrel. Ang mga congressman ay may 35 milyong pisong PDAF taun-taon. May bagong website ang House of Representatives kung saan makikita ang lista kung saan napunta ang pork barrels ng mga congressman.

I-click ito para tingnan ang lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara. Piliin lang ang pangalan niya tapos ay pindutin ang GO.

Bilang summary, ito ang lista mula sa website:
Education: 8,530,000.00
Financial Assistance: 9,700,000.00
Health: 3,150,000.00
Public Works: 13,620,000.00
Total: 35,000,000


Page 1 of 9112345»NextLast »