Announcements

The 4th Bays Inn Surfing Challenge
October 29 – 31
Bays Inn Resort and Restaurant
Sabang Beach, Baler, Aurora
(this is an unpaid advertisement)

AKAWSTIK JAM
a fundraising gig for the AKAW INVASION show
October 30, 2004
Tita Guding’s Restaurant
Sabang Beach, Baler, Aurora
8:00 PM
featuring acoustic sets by: Ginger (former Badfish), KwakKwak, Bhonog Fever and other bands
presented by: batangbaler

BATANGBALER EYEBALL 2
October 30, 2004
Tita Gudings (sabay ng AKAWSTIK JAM)

AKAW INVASION
Mayric’s Music Bar, España Road (in front of UST), Manila
featuring Baler bands: Orgasm Addicts, Bhonog Fever, Enslave, Ginger & Kwak Kwak. + guest band.
November 19, 2004
8:00 PM Entrance: 50 bucks

John Arcilla

Just a shoutout for my homie John Arcilla. Our kababayan played a role in Reymond Red’s Anino, 2000 Cannes Film Festival Golden Palm winner for short film. He played the anino in this 10 minute flick. The short was acquired by atomfilms a few years ago and it can be viewed online if you know how to look.

Here’s the trailer of the short film on youtube:

 

Kage's Blog

From Kage’s blog entry about Baler: “Baler, in the province of Aurora, is one of the more popular surf breaks in Luzon. It is an 8-hour bus ride or 5-hour private car drive from Manila and home to one of the most fun set of local surfers I have come across. They have a two fiestas each year — the Suman Festival in February and the Coco Sabutan Festival in August. Both are equally enjoyable to be at.”

Dito Po Sa Baler 2

Ni: Gng. Rosanna P. Querijero aka Tya Rosa

May mga balikbayan akong nakasama at walang ginawa kundi magturungko ng kanilang mga kamag-anak at kamag-aral. Sinamahan ko at nag-reunion silang magkakaklase. Wala silang ginawa kundi sulingatin at sariwain ang saya ng kabataan nila. Naliligo daw sila sa ilog na hubo’t hubad, wala raw malisya at pagkatapos ay nagdadagtuan (wala raw katapusang saya). Mga babae raw ang naghuhulog sa lusong ng mga lipak-lipak na kamoteng-kahoy at mga lalake ang mga tagabayu.

Sinariwa nila ang kanilang mga kinakain, ang tanghalian daw nila kadalasan ay kanin, pinigang niyog at saging, masaya na raw silang kumakain. Sabi nung isa, “Akkaw, kinekempel-kempel pa natin yung kanin tapus isasawsaw sa baguung sabay higup ng kinunut (inuhaw na isda na sasabawan ng mainit na tubig, wiwisikan ng asin at pipig-an ng kidya).

Ang hinahangaan ko sa kanila ay hindi sila nalulungkot sa pag-alala ng malungkot na gunitang ito. Ay anu kaya kung ganito ang ipakain sa mga kabataan ngay-un? Sabi ni Tessie, “Hinde na kakainin ng mga bata iyang ganyan, nasanay na sila sa masasarap, karne ng karne, sa mga anak ko lang hindi puwede ang walang ulam.”

Iba na ang mga bata sa kasalukuyan,nag iba rin baga ang taste bud? O talagang wala laang noon mapagpipilian? Sigaw nung isa kong kinapanayam, “Nuung araw ay mas malala yung ulam naming mga sapsap na gangga butones, matusuk-tusok na ang nguso, ay tuluy laang kumain!”

Pero isa ang nakita ko sa grupong ito, parang lahat sila ang nakatapos at may magagandang puwesto sa lipunan. Tingnan mo, pinagmamalaki nila ang kanilang karanasan, hindi iyon makaiyak sa kanila. Ay ang mga kabataan ngay-un may pagtitiis pa kaya sila? Pinapahalagahan pa kaya nila ang pagkaing iginayak ng kanilang mahal na nanay? O binubulyawan pa ang nanay o di kaya hindi na kakain, basta na lang papasok?

Dito po sa Baler, ang mga karanasan ng pangkat na iyan ay hindi nila ikinahihiya bagkus ay nagsilbing inspirasyon… dahilan din na maabot nila ang kanilang kalalagayan ngay-un sa lipunan.