May Hinahanap Ka Baga?

Hinahanap mu baga ang Agenda ni Auroraknights99? Hindi mo ito makikita sa Batangbaler dahil hindi Batangbaler ang gumawa ng agenda. Nakita ku lamang ang blog na iyon sa paghahanap ko ng mga artikulo tungkol sa Baler at Aurora sa internet. Ini-link ko lamang ito kagaya ng madalas kung gawin kung ako ay may nakikitang kahit ano tungkol sa ating bayan. Hindi ku sana aalisin ang link o address ng blog na iyun kaya lamang baka ipagsabi mo na sa Batangbaler mo nakuha. Bahala ka na lang maghanap. Gamitin mo ang Google. Masyadu na tang sikat ang blog na iyun kahit mahigit isang linggo pa lamang. Bagamat pangarap ku ring sumikat ay ayaw ku namang angkinin ang karangalan na di naman sa akin at nararapat lang na ibigay sa totoong may karapatan. Iyan ay si Auroraknights99 na hindi ko kilala kung sino. Wala siyang kinalaman sa Batang Baler. Ang mga panulat niya ay hindi galing sa Batang Baler. May sarili siyang website o blogsite. Kaya siya ang dapat papurihan, parangalan, i-tsismis, pagalitan, bintanign, at mapa-FM. Hindi ako. Nag-iisip pa ako ng sarili kong paraan para sumikat.

At narito ka na rin lamang, alam mo ba:

1. Na ang Batangbaler ay malapit nang mag ika-limang taong kaarawan sa internet. Ito ay nagsimula noong October 4, 2001, noong wala pang internet sa Baler. Sa baging ko pinapadaan ang aking mga post kahit na mabagal ang bandwidth ng baging.

2. Ang Batang Baler ay hindi tungkol sa pulitika at hindi nakikialam sa pulitika. Ito ay karaniwang naglalaman ng mga larawan ng magagandang lugar sa Aurora; mga okasyon kagaya ng Aurora day (2001, 2002, 2003, 2004, 2005, 2006), Pista ng Baler (2001, 2002, 2003, 2004, 2005) at iba pang mga okasyon sa Baler at Aurora; Mga artikulo sa kasaysayan; Mga surfing events; mga balita at iba pa. Makikita mo rin dito ang listahan ng salitang Baler, mga larawan ng mga tiga Baler sa ibat-ibang panig ng mundo, at kung anu-anu pa.

3. Ang baler ay binibisita ng humigit kumulang na 700 hanggang 1,000 beses bawat araw. Sa loob ng isang buwan ay mahigit 10,000 ang bumibisita dito, at mahigit 100,000 bawat taon. Ang Batangbaler ay binisita na ng humigit kumulang na kalahating milyong beses simula noong 2001. Ang mga bumibisita dito ay mula sa lahat ng panig ng mundo – America, Canada, Australia, Japan, Hongkong, Middle East, Switzerland, Israel, China, atbp.

4. Ang Batangbaler ay nabubuhay sa donasyon ng mga tagapagtangkilik nito. Gumagastos ng mahigit 20,000 piso ang Batangbaler bawat taon at lahat na pambayad sa gastusin na ito ay mula sa donasyon ng mga nasisiyahan o tumatangkilik sa website o blog na ito.

5. Ang Batangbaler ay kabilang sa Top 100 ng Pinoytopblogs. Sa libo-libong blog ng mga Pinoy na nagkalat sa internet, ang Batangbaler ay nasa Top 100. (Ngayon ay nasa No. 60)

6. At sa tinagal-tagal na ng Batangbaler na naglalagay ng mga okasyon sa Aurora at Baler at sa ibat-ibang balita at programa ng gobyerno, ay iisang opisyal pa lamang ng gobyerno (nakalipas at kasalukuyan) ang lumapit sa akin at nagpasalamat o pumuri sa aking ginawa. Samantalang nang mag-link (magturo ng address) ako ng isang blog na “kritikal” sa kanilang ginagawa ay pinutakti aku ng kaliwat-kanan na pambibintang mula sa kanila. Talaga nga naman.
Maraming salamat nga pala sa pagbisita, kahit na naliligaw ka lamang.

Ang aking opisyal na pahayag tungkol sa Agenda controversy:

Bagamat akoy naniniwala na lahat ng tao ay may karapatang magpahayag ng opinyon, naniniwala rin ako na sinu mang magpahayag nito ay handang humarap at panindigan ang kanyang sinasabi. Wala akong nakikitang mali sa mga sinulat ni Auroraknights sa kanyang Agenda maliban sa mga personal na pasaring niya. Personal niya o nilang opinyon ang mga ito at karapatan nilang sabihin o isulat ang anumang gusto nila. Ang Batangbaler ay walang kinalaman sa Agenda. Matagal nang ginagawa sa BatangBaler ang maglink o maglagay ng mga internet sites na tungkol sa Baler at Aurora maging ito ay maganda o masama. Kung hindi ako nagkakamali, demokrasya pa naman tayo hanggang ngayon at walang masama sa aking ginawa.

Sa mga suki ng batangbaler: Pasensya na po sa kaunting pasakalye. Pagkatapos nito ay balik na tayo sa dating programa. Tuloy pa rin ang BB hanggat hindi masasa-alang-alang ang aking buhay, trabaho, pamilya at reputsyon. Kung sakaling mawala ang batangbaler ay alam na ninyo ang nangyari.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

19 thoughts on “May Hinahanap Ka Baga?”

  1. matagal na rin akung nasubaybay sa batangbaler, at ikinararangal ko at ipinagmamalaki ang batangbaler gaya ng marami lalung lalo na ang mga nasa ibang bansa. para sa akin ang batang baler ay medium upang maipakita/mapunan ang pagkasabik o pangungulila sa iyong bayang sinilangan lalung lalo na po sa mga kababayan nating nasa ibang bansa o nasa ibang bayan. simula po ng marealize ko ang katotohanang iyan, alam kong majority ng tagasubaybay ng bb ay makauwi na at gustung mayakap muli ang ganda ng aurora/baler (pasensya na po at de namn talaga aku makata), subalit dahil nga may bb ay kahit papaanu ay naiibsan ang mga pangungulilang iyun. alam kong unsolicited pa rin ang opinion ko pero dahil sa pagmamahal sa mga kababayan kaya pa rin nagana ang bb. napakahirap pong mag maintain ng isang website kaya ang isang webmaster ay ingat na ingat talaga sa kanyang ginagawa dahil ang lahat ay nakikita ng buung mundu

    marami po sa atin ay namumuhay upang ikarangal ng ating bayan o ng ating mga kaibigan. wala po naman akung nakikitang masama sa auroraknights blog dahil iyun po ay kanyang karapatan subalit may tama po talagang lugar upang ma adversite ng libre o pagapangin ng libre sa isang search engine ang isang blog o kahit anung pamamahayag

    hinde po ako tagapagtanggul ng webmaster o ng auroraknights, aku po ay isang taga aurorang nangungulila, nagmamahal at ikinararangal ang ating bayan

  2. Hi to All!

    I support BatangBaler’s zeal of promoting Baler as what it is. I commend the creator for his views and occasional “pasakalye” as he calls it. I totally agree with him that anyone who has the guts to talk about his view should stand behind it with his true name, otherwise it will just be an empty or malicious innuendo even if there is some semblance of truth in it.

    Kung sino ka man na gumawa ng Agenda, aminin mo na o tumahimik ka na lang! At sa mga “nagtatatalak” sa BatangBaler! Hehehe, bakit sa halagang P20,000 ay pwede na pa lang i-promote ang Baler internationally at isang taon na yun ha! Bigay na naman kayo o!

  3. Ganyan talaga ang nagagawa ng internet. totoo man o hindi, ang pasiya ay nasa bumabasa pa rin. kung mayruung ebidensya, ay bakit di ilabas? kung wala naman ay di ayus din laang. sikat na si auroraknights99 de baga?

  4. nakita ko ang link…..

    http://auroraknights99 (dot) blogspot (dot) com/

    grabe pala ang mga nangyayari sa Aurora, karamihan pa namang nabanggit kababayan, kababata at kamag-anak laang natin. sino pa kaya ang magmamalasakit sa mga taga Aurora? mananatili na laang tayong palaging pugit pagka kanito ang nangyayari.

    baka naman may mga mabuting balita. paki paskel naman para magmukhang balanse ang journalism. iyan ay kung may ibabalita kayong iba.

    kid, ingat laang baka delikado na riyan.

  5. Mula nang malaman ko ang website na to, I see to it to visit BB whenever I have the time. I even recommended your blogsite to my friends in the US. I am from Pantabangan, and I Know that there are people here who have relatives there in Baler, especially, the Angara’s and Molina’s to name a few.
    About Auroraknights99. Ako din ay naniniwala sa sinabi mo, na harapin nya ang mga paratang nya sa mga tao. Wag kang magtago. Kung may katutunahan ang mga sinabi mong kabulastugan, bakit hindi ka magsampa ng kaso. Nasa likuran mo ang bayan kung totoo lahat ang sinabi mo. At sa mga taong kagaya ng sinabi ni Agenda, baka may chance pa kayong magbago. Pero kailangan may kaparusahan din kung sakaling nagkamali kayo sa bayan.

  6. hindi rin naman natin masisisi ang karamihan na gumamit ng alyas dahil sa takbo ng panahon di lamang sa aurora kundi sa buong pilipinas.

    mayroon baga sa inyong pupuna kay jose rizal (dimasalang?) at kay taga-ilog (si jacinto na nga baga?). kung hindi sa mga ginawa nila, nasaan kaya tayo ngayong mga pilipino? baka mga kastilaloy pa tayo hanggang ngayon.

    may mga pagkakataon na ang “katapangan” ay walang kwenta kung hindi naman gagamitin ang talino ayon sa kasalukuyang kalakaran ng panahon.

  7. si PLARIDEL (marcelo del pilar) ay karagdagan pa nga pala.

    sa tingin ko 99% ng mg bloggers ay may pen name. basahin ninyo ang kay mlq3…karaniwang posters may pen name. huwag niyong sabihing ang mga nasagot kay mlq blog ay walang pinag-aralan, mga daeg-gan at takot-tan! having pen name is just an in thing in journalism and blogging, generally part of the game, to make it more interesting and exciting….NOT TO BE BORING

  8. akaw, ang liyab anu, parang http://www.brothersburger.com.ph (he, he, he) de po aku kasosyo diyan pero may opportunity po sa franchising hehehe. bilib aku talaga sa energy ni auroraknights99, kumbaga sa negosyo, sobrang bilis ng asenso, tubung lugaw. pero may mga short lived na negosyo din dahil sa bigla tayong nasarapan sa income, todo todo rin ang gastos natin hehehe, kaya de natin namamalayan, bangkarote agad. maghulaan na laang tayu kung sinu si auroraknights99. akaw, maigi pa siguru ay wag na pag usapan si auroraknights99, sobra sobrang libreng advertisement naman na ang natatanggap niya, naku curious tuluy ang ilan, ang lakas pa naman ng recall ng pangalan, de na kailangang magbugtung kalibugtung para mahulaan kung sinu iyan, u, ay magtaka ka naman kung bakit alam laang niya ang lahat.

  9. i will agree with you that having a pen name is an in thing, kaya lang kung gusto mong mag-expose ng mga bagay mali sa iyung paningin o sa iyung paniniwala, bakit kailangan mo pang magtago, dahil baka ipakidnap ka o ipatumba.

    if everything that you are saying is true, why fear??? sabi nga di baga, “THE TRUTH WILL SET US FREE”

  10. akaw kid magpasalamat ka sa kanila at dagdag “hits” iyun sa website mu. sabihin mo click din nila yung google links para pandagdag sa pambili ng kaputod ng inaanak ku.

  11. freedom of speech is one of the hallmarks of democracy. i am sure aurora still practices democratic form of government. journalists, including bloggers, radio and tv commentators, and all those in the mass media are the ears, eyes and tounges of democracy, as long as they follow the journalism code of ethics. we should not criticize them while they are doing their job but instead praise and encourage them in order to uphold the teaching of democracy.

    there are checks and balances in order for the government to function properly. agencies are there to prosecute corrupt officials. it is not the work of the journalist to bring these corrupt officials in courts. the journalists’ job is to open the eyes of the people in order to see the truth.

  12. sa mayayamang lugar, ang batidung mamamahayag, pinatatahimik ng kwarta

    pero sa mga de kaunlarang bayan gaya ng sa atin, iba ang nagpapatahimik sa isang maingay na mamamahayag, ay awan, kung anu iyun, siguradung de pera. madali laang pati nilang matuntun kung sinu iyun. gasinu laang namang i trace yung i.p., kahit sa internet cafe laang iyan, kahit gumamit pa ng alyas/pen name, tanu de pipiyok yung may ari ng internet cafe pag nalagay na alanganin ang buhay niya, akaw! maigi laang kung de tayu magkakakila sa aurora

    ang tutuu, marami sa ating mga mamamayan ang bukas ang mga mata sa mga nangyayari pero wala din laang magawa, de na usu ang nagpapabaril sa luneta.

    ang labanan ngay-un, magsumikap umasenso ang bagong henerasyon, matutung magbanat ng buto, uminom ng sabaw ng buko at iyan ay nakakatalino bukod sa nakakatanggal ng sakit sa bato. naniniwala akung ang taung nagsusumikap ay umaasenso basta’t positibo laang ang pananaw sa buhay, kahit saan naman may korupsyon at iyan at sakit na talaga ng lipunan, de na kailangan ng eye opener, alam na iyan ng taung bayan at hindi rin naman sedisyon ang sagot sa ganyang problema ng bayan

  13. that is why when arroyo and her minions say to relatives friends and journalists of salvage victims….we don’t know who did it, bring those cases to court to see the truth…

    in my view, they are just evading their responsilities. they know something rwong is going on, a lot of people know about it. it is the talk of the town, the media. they themselves should initiate the investigation as mandated by law. we have the DA, the provincial attorneys and so many gov’t agencies mandated to do these job. in the end….it is command responsiblity. it is the captain of the ship doctrine that operates. if not at least DELICADESA is more important in filipino culture, i hope it is still true these days.

  14. totoo nga yung kasabihan na “A little learning is a dangerous thing.”

    kung kulang-kulang sa impormasyon tapos ikakalat sa iba – yan ang pinagmumulan ng kaguluhan at away sa komunidad.

Leave a Reply