Padyak Para sa Kalikasan

PAdyak! Para sa Kalikasan

PADYAK! PARA SA KALIKASAN

Ano ito: Ang Padyak! Para sa Kalikasan ay unang lakbay – bisekleta (bike tour) ng Lalawigan ng Aurora para sa kalikasan

Layunin:

1.Mapataas ang kamulatan hinggil sa kalalagayan ng inang kalikasan at pangangailangang sagipin ito
2. Makalikom ng 100 kalahok sa lakbay bisekleta
3.Maitaguyod ang bisekleta bilang isang paraan ng transportasyong makakalikasan

Petsa : Ika 29 ng Abril 2007

Simula at Katapusan ng Lakbay: Parke ng Baler

Bilis ng Lakbay : The takbo ay marahan at may bilis na 10 – 13 kph. Kontrolado ang bilis upang makalahok ang mas maraming tao maging ang mga bihirang magbisekleta, mga bata at matatanda.

Layo at tagal: Ang kabuuang layo ay di hihigit sa 50 km at may tagal na 4 – 5 oras.

Pahinga: May 3 pahinga ang ang lakbay upang makapag sama- samang muli ang grupo at di mawala ang mga kalahok. May 20 minuto pahinga sa kalagitnaan ng lakbay.

Support Truck and Team: May truck na sumusunod na pangkat ng siklesta na tutulong sa mga kalahok na di makakapagpatuloy na lakbay o magbibigay ng first aid sa mga masasakuna. Ang Phil Red Cross ang siyang mangunguna sa pagbibigay ng first aid.

Requirements:

1.Lahok ng kalahok ay kailangang lumagda sa isang waiver at registration form.
2.Lahat ng na kalahok ay kailangang gumamit ng helmet.
3.Mga batang may gulang 13 taon pababa ay kailangang may kasamang matanda.
4.Registration fee ay P50.00 at P100.00 kung may kasamang Tshirt.
5.Ang mga kalahok ay dapat dumalo sa Pre Tour Orientation sa ika 21 ng Abril

Mga Gantimpala: May gantimpala ang mga sumusunod :

1.pinakabata
2.pinakamatandang kalahok
3.team na may pinakamaraming kalahok
4.pinaka makakalikasan costume

Programa:
May maiksing programa sa katapusan ng lakbay sa Parke ng Baler na may sumusunod na nilalaman

*Layunin ng Lakbay
*Pagpapakilala sa mga kalahok
*Pagbibigay ng gantimpala
*Tugtugan para sa Kalikasan

Download Registration and Waiver Forms Here:

Microsoft Word Version
Adobe Acrobat PDF Version

(Right click on the links below and choose Save Target As… or Save File As…)

The organizers of this event is also looking for sponsors and donors. Email me at admin at batangbaler dot net or batangbaler at gmail dot com if you’re interested.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

5 thoughts on “Padyak Para sa Kalikasan”

  1. magandan ang layunin ng nag organisa nito,ngunit kung ang mga namumuno naman ng lalawigan ng aurora ay sabik na sabik sa kayamanan na makukuha dito sa ating inang kalikasan, sayang ang pagod at t’yaga nating mga mamamayan,hanggat maaari ‘wag na tayong humingi ng tulong sa mga namumuno sa ngayon dahil baka lamang ipamuka satin na sa kanila lang tayo umaasa kaya wala tayong dapat ipagmalaki,PWES!MALI SILA dahil unti unti ng nakikilala ang mga pagkatao nila at kanilang mga masasamang budhing mga alagad na kanilang ginagamit.Paano natin mapapangalagaan ang kalikasan ng aurora kung isa lang ang pwedeng makinabang nito?dapat matigil at mawala na dito sa lalawigan natin ang mga taong uhaw sa kapangyarihan o sa PERA!Hanggat walang Diyos sa mga puso at buhay ng mga yan,mananatiling maganda sa panglabas na anyo ang AURORA,ngunit ang nasa kaloblooban ng lalawigan natin ay unti unting nabubulok at unti unting nasisira dahil sa KABWAKAWAN sa kayamanan!itigil na ang mga walang ka kwenta kwentang gawain,panahon na upang ang lalawigan ng AURORA ang bigyan pansin!!!hindi ang sarili nating kapakanan!LUMABAN NG PATAS!!

  2. ang galing a! sa totoo lang, i really appreciate initiative such as like this. i do not have any penny to shell out, however, siguro, kahit moral support, pwedeng pwede na ibigay sa ating mga kababayan. ang focus natin ay kung paano tayo maging kabahagi sa mga ganitong gawain. kung gusto, GO, kung ayaw, wag na lang magsalita at baka magkahabaan pa. Hehehhehe.

    akaw, sarap kayang pumadyak tapos pagpapwisan ka sabay simoy ng malamig na hangin……….

  3. Ganda ng padyak pinoy..kasale ako, nagbike kami sa baler, dipaculao maria at san luis. Sana makita mga pic namin. Environmentalist din ako masarap kase magbike pagmalinis simoy ng hangin. Hindi sayang ang pagod kase malaki naman ang impact ng padyak sa kalikasan. Marami ang nakakita, marami ang nagbalewala pero kumukurot sa puso nila. SA susunod uli ha….

  4. Salamat sa mga sumuporta sa Padyak 2007, DZRN, BAtang BAler, PNRC, PTO, Parokya ng San Luis, MAria Aurora at Dipaculao, BATARIS, KALINGA, MCC, lahat ng bike shops na nagdonate ng prizes, lalo na ang mga bike associations ng Dipaculao, MAria Aurora at San LUis. MAraming sumali (250 + bikers), ibig sabihin marami pang kumakalinga sa kalikasan. Maki padyak tayong muli sa April 2008, para sa mas masiglang pagtataguyod ng inang kalikasan.

Leave a Reply