Akaw Invasion 2 Theme Music – Kapatid ni Amy 2007

Kapatid ni Amy
Kapatid ni Amy

Ang official theme song ng Akaw Invasion 2 ay ang kantang Kapatid ni Amy 2007.

Ang kantang ito na tungkol sa isang taga-Baler na walang problema sa buhay buhay ay mahigit sampung taon na simula ng ma-compose. Dating pinapatugtog ang “raw” recording nito sa programang Tunog Akaw ni DJ Eric sa DZJO FM nuong early nineties. Muling nagkabuhay ang kanta nang i-remake ng Bhonog Fever, isang banda sa Maynila na ang mga miyembro ay tiga Baler at San Luis. Regular na tumutugtog ang Bhonog Fever noon sa Freedom Bar sa Anonas at sa Music Museum sa Greenhills. Ngayon ay muling binuhay ang Kapatid ni Amy bilang anthem ng Akaw Invasion 2. Ang mga tumugtog ay nahihiya pang magpakilala. Manood na lang kayo sa September 8 para makita nyo sila.

Nandito ang kanta:

2007 Nursing Board Exam Result

Matapos ang halos tatlong buwan na paghihintay, lumabas na ang resulta ng 2007 Nursing Board Exam. From inquirer.net:

the passing rate for first-time takers, repeaters, and voluntary examinees is 48.18 percent or a total of 31,275 of the 64,909; for those who re-took the exam as per a decision of the Court of Appeals, 73.8 percent or a total of the 248 of the 336; and for those who re-took tests 3 and 5 as per a decision by the United States’ Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS), 68.9 percent of some 13,000.

Sigurado, may mga kababayan na naman tayong pumasa dito. Kaya hala, simulan ng maghanap at mag-comment ng congratulations para mailagay natin dito sa post na ito. Makikita sa inquirer.net ang results. A-C, D-K, L-Z .

Congratulations sa mga sumusunod:

Hazel V. Sindac
Maria Isabel Pascua
Ivy Rutaquio Buencamino
Raylene Clamonte Buenconsejo
Gilbert Baltazar Pajarillo
Ma. Isabel Lopez
Catherine Magos Bitong

San Luis Fiesta 2007 – Street Decor

San Luis Fiesta 2007

Ito na ang mga larawan ng mga “street decoration” sa fiesta ng San Luis.

Unang ginawa noong isang taon, ito ay paligsahan ng mga arko at palamuti sa kalsada gamit ang sabutan para umayon sa temang Sabutan Festival tuwing Fiesta ng San Luis. Bawat Barangay at mga grupo o opisina sa bayan ay may mga isinaling piyesa. Mahigit isang kilometro ang haba mula sa Poblacion hanggang sa may NIA papuntang Nonong. Napalagay na din ito sa Batangbaler nung isang taon pero ngayun ko lang ito sinadya para piktyuran. Magandang tingnan. Makatuwa, ramdam na ramdam ang piyesta. Parang gustu ku na tuluy maging Batang San Luis na lamang he he. Sabagay aku’y lahing San Luis naman at ang aking nanay ay tiga San Luis at si misis ay tiga San Luis din. Kung pagkukumparahin itu sa dekorasyon sa fiesta ng Baler ay wala akung masasabi. Wala naman akung pagkukumparahin. Ngayung araw pa lang yata sasabihin ang nanalung design.

Naging inspirasyon itung pakulong ito ng Sining Kalye nuung Aurora Day 2007. Nagkaroon din ng contest na ganito.

Pindutin ang slideshow sa ibaba para makita ang mas malalaking larawan.

BubbleShare: Share photosFind great Clip Art Images.

Bb. San Luis 2007

Bb. San Luis 2007

Congrats! kay Ms. Rdelyn Friginal De Leon, ang nanalong Bb. San Luis 2007. Si Rdelyn ay tiga Brgy. 1 Poblacion ng San Luis at kasalukuyang nag-aaral sa Systems Plus College sa Angeles, Pampanga. Samantala, ang Bb. Baler 2007 ay hinahanap pa rin namin.

Bb. San Luis 2007

Ito yung iba pang mga kandidata kasama si Mayor Annabelle Tangson (nasa gitna) at si Konsehal Pabillo, ang pangulo ng Pestejos. Salamat kay Ms. Abbie Rivera-Ormillo, ang Tourism Coordinator ng San Luis, sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa piyesta ng San Luis (August 22-25, 2007). Ang Bb. San Luis Chairman ay si G. Jerry G. Olivar.

Nandito ang mga iba pang larawan ng Bb. San Luis 2007:

BubbleShare: Share photosEasy Photo Sharing

Akaw Invasion 2 – How to Get There

Paanu de maligaw sa pagpunta sa Purple Haze Bar (“Where Rock and
Roll Lives”), paggaganapan ng Akaw Invasion 2 sa September 8, isang tugtugan ng mga bandang galing Aurora, at may mga miyembrong tiga-Aurora.Ang eksaktong address ng Purple Haze Bar ay No. 37 T. Morato Avenue, cor E. Rodriguez Ave, Quezon City. Ito ang mapa:


View Larger Map

Kung may Google Earth ka naman, i-download ang .kmz file na ito (right click > save target as..) , buksan ang Google Earth at i-open o i-run ang file.

Sa mga magko-commute, basahin ang mga direksyon:

Continue reading Akaw Invasion 2 – How to Get There

Baler Fiesta 2007

Baler Fiesta 2007

Mga larawan ng pagdiriwang ng Baler Fiesta 2007. Paumanhin at ito lamang ang aking mga kuhang piktyurs dahil aku’y naglakwatsa sa Maynila nuung kasagsagan ng pagdiriwang at dumating lamang ako nuung August 18. Sabagay, parang ganun din lamang sa mga nakaraang taun ang nangyari. Si Andrew E. nga pala ang main event kagabi sa plaza. Akaw! daming tau, apaw ang munisipyo. Hitik sa tau ang lahat na bubung at punu sa paligid. Di ku na sinubukang tan-awin si Anderw E. Nagpunta na lang kami sa Bistro Baler at nanuud (nakinig talaga) ng Blue Island.

Sa mga naghahanap kay Ms. Baler 2007 at sa iba pang kandidata nung parada, siya ay de naki-adaday. Ay awan kung bakit. Ang nakita ku lamang ay ang Bb. Baler, 1st Runner-up nanakisakay sa karosa ng Little Ms. Baler 2nd Runner-up.

BubbleShare: Share photosFind great Clip Art Images.

At sa mga mahilig sa nostalgia:

Baler Fiesta 2006 – parada, gabi ng kultura, sayawan sa kalsada, Bb. Baler 2006
Baler Fiesta 2005 – parada, lukso happy, Bb. Baler 2005, sayawan sa kalsada
Baler Fiesta 2004 – parada, Bb. Baler 2004, Lukso Happy
Baler Fiesta 2003 – parada, Bb. Baler 2003
Baler Fiesta 2002
Baler Fiesta 2001

Continue reading Baler Fiesta 2007

Army asked to allow food aid to Sierra Madre malaria victims

Mula sa inquirer.net. balita mula sa Dingalan, ni Delfin Mallari Jr.:

LUCENA CITY, Philippines -– A Catholic priest and advocate of the rights and protection of Agta natives in Sierra Madre has appealed to the military not to control the flow of food aid intended for malaria-stricken mountain settlers in Dingalan town, Aurora, 183 kilometers northeast of Manila.

Basahin ang kumpletong balita.