Baler Fiesta 2007

Baler Fiesta 2007

Mga larawan ng pagdiriwang ng Baler Fiesta 2007. Paumanhin at ito lamang ang aking mga kuhang piktyurs dahil aku’y naglakwatsa sa Maynila nuung kasagsagan ng pagdiriwang at dumating lamang ako nuung August 18. Sabagay, parang ganun din lamang sa mga nakaraang taun ang nangyari. Si Andrew E. nga pala ang main event kagabi sa plaza. Akaw! daming tau, apaw ang munisipyo. Hitik sa tau ang lahat na bubung at punu sa paligid. Di ku na sinubukang tan-awin si Anderw E. Nagpunta na lang kami sa Bistro Baler at nanuud (nakinig talaga) ng Blue Island.

Sa mga naghahanap kay Ms. Baler 2007 at sa iba pang kandidata nung parada, siya ay de naki-adaday. Ay awan kung bakit. Ang nakita ku lamang ay ang Bb. Baler, 1st Runner-up nanakisakay sa karosa ng Little Ms. Baler 2nd Runner-up.

BubbleShare: Share photosFind great Clip Art Images.

At sa mga mahilig sa nostalgia:

Baler Fiesta 2006 – parada, gabi ng kultura, sayawan sa kalsada, Bb. Baler 2006
Baler Fiesta 2005 – parada, lukso happy, Bb. Baler 2005, sayawan sa kalsada
Baler Fiesta 2004 – parada, Bb. Baler 2004, Lukso Happy
Baler Fiesta 2003 – parada, Bb. Baler 2003
Baler Fiesta 2002
Baler Fiesta 2001

Manuel L. Quezon

At wag kalilimutan, ang pista ng Baler na ipinagdiriwang bilang pag-alaala kay San Luis Obispo de Tolosa ay pagdiriwang din ng kapanganakan ng ating lolo na si Manuel L. Quezon. Ngayong taon ang kanyang ika 129 na bertdey. Matagal nang pista ng Baler ang August 19. Nagkataon lamang na pista ipinanganak si lolo Nonong. Swerte o tadhana, pero sigurado nakamenos sila nuun sa handa.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

50 thoughts on “Baler Fiesta 2007”

  1. Kumana ka na naman Aika. Anung gamut iyang ibig mung sabihin? Nabuhay nga tayu ng puro tapal ng dahon dito ng tangan-tangan sa pilay at damong Maria sa sikmura or pananakit ng tiyan at sa mga sakit sa balat na ang gamot mala-bayabas na dahon din. Iyung ga,ot na sinasabi mo….linawin mung mabuti?

  2. tama c aika! ai sigi ibigay mu sa mga pasyente ung damung mariya sa ospital, aywan ku lang! Nuun iyun iba na ngay-un makabago na.

  3. ok fiesta natin….walang ka gastos gastos ang bayan natin,ang mga banderitas galing sa basura! may nakasabit na milo,sachet ng vaseline at kung ano ano pa….simula sa congessman,gobernor at mayor taga baler tapos tinipid pa! ang concert ni andrew e gastos pa ng GLOBE!hay…buhay nga naman,kung wala pa ang globe bka nanguha na naman ng mga taga baba na walang kakwenta kwentang mga performer. Hwag tipirin ang bayan at lalawigan natin!ang pera dapat ibalik sa bayan hindi sa bulsa!

  4. kung may ikabubuti sa tau ang gamut na gamit ni Doc ay di gamitin. ganuun din naman iyung tangan-tangan ni botyok. basta mabuti ari laang maski paghaluin pa nga yung dalawa.

    magpadala kayu ng gamut sa mga pasyenteng nangangailangan habang inaapartahan nung tangan-tangan ang karamihan.

  5. ay tama ka nga.. basta makatutulung sa pasyente anu.
    Bat kaya de aku masaya nung pyesta ng Baler umuwi pa nmn aku para manuud. Nadisapoint tlga aku. Parang iba yuung fiesta ng mga nakalipas na taon kaysa ngay-un.tsk tsk tsk.

  6. Peru sige na nga Congrats! at naidaus ang pyesta ng maayus
    Sana alalahanin nlng ntn kung bakit ntn ipignagdiriwang itu.

  7. ^napakamut na pati aku..hehe..senti ka abay..ay masaya laang din at bihira na makapyesta. ang aga ku nagising para sa parada.. andaming beredem..tas iba na pati mga damit ng mga banda ngaun anu..may mga supertwins! tas wala laang mga ms. baler..

    itu lang pala ang comment ku, sana nga laang de na tayu nangunguha ng mga “artistang” taga cabanatuan at arehe..ay de naman sila ganun ka-ahead sa atin ay.. peace sa mga taga cab! (kahit mahal sila maningil sa tryke, hmp!)

  8. ok na din naman yu-ung fiesta…. salamat at pagbati ng CONGRATULATIONS sa mga nagpursigue…

    Tama ka jan sa obserbasyon mo katuga, marami ang nakapuna nuung banderitas na bassura, ay usu daw ta-ay ang recycle nagy-un kaya nagkagan-un gan-un… heheheh… at isa pa kaya napansin talaga ay dahil pag sa villa ka dumaan ay di mapapadaan ka sas San Luis ay makikita mu duun, AKAAAWWWWWWWWWWWWWWWWW…….. ang ganda kaya ng kanilang kalye, ginastusan at pinagpaguran ng todo ang nga arko at sabit, hindi basta lang isinabit… pinaghandaan eka nga… makikita din ninyu iyun dito sa batangbaler, at tanu makakaligtas iyunsa mga mata ng lente ng camera ni kidlat the great…

    Sa isang banda, in FERNES wed dem ay baka nga nagtitipid para sa bulsa, este sori bayan yata hehehehehe….

    Yun nga palang Ms Baler na taga Buhangin, ay nakita ko duun sa may tapat ng ospital nuung kasalukuyang nagpaparada, naka ok-kob sa van at nag-aabang ata sa karosa niya dahil akala ko ay nahuli, ay de naman pala, ang sabi ay di yata natapos dahil hindi nagkasundo duun sa karosa… ang ganda pa naman niya… sayang di na nakita, ako lang nakakita… heheheh

    Ay sinu baga ang gagawa nuun, ay de naman na munisipyu, ang alam ko ay kung sinu ang sasakay sila ang gagawa, gan-un naman na kahit nuun pa anu utuy…..

    Sige at mag tataluk – pa aku… sa may gabgab…

  9. magtiis tayo sa mga ikmu, dog-dogay, tangan-tangan, poyung at kung anu anu pa… at mahirap ang buhay… pagminalas malas ka pa at ikaw ay namatay, sa mahal ng serbisyo ng punerarya o kaya wala kang kahoy dahil bawal daw mamutol ng kahoy (DAW…! panis na kaka DAWDAW), ay ibabalot ka na din lang sa dahon ng ikmu o kaya ay yung alek-kek, balutan ng bunud at pisepis galing sa Digisit… haaayyy naku…

    May Magaling naman na ospital (DAW) jan sa may Suklayin mamatay ka din naman pag labas mu sa mahal ng SERBISYO NG NEGOSYANTENG OSPITAL NA IYAN at akala nila ay mayayaman at tumatai ng pera mag tau ditu…. pero may magaling na duktor jan at maayos mag-alaga ng pasyente peru yung iba,, bayad lang ang hinihintay, pweeee…..!!!!

    Ay mas gusto ko naman sa sa AMH may medeker pa, duun wala… ang kulang lang naman daw jan sa AMH ay yuung lambing laang ng mga pangunahing manggagawa, yun laang, kahit mamatayan ka ay maluwag mong tatanggapin na ito ay kaloob ni LORD….

    Yung tatalukin ko, tubo na hehehehe, inanod na pati/… ba bay…

  10. ai anu pa nga baga. walang kwenta nun piyesta. prang ordinayung araw laang de ku naramdaman na piyesta na pala nung araw na iun. mas masaya pa nung gabi sa bistro na makinig ng tutuung musika kesa duun kay gamol na namumulikat na yung paa’t binti ku katetengked at de na makita tas amuy tinapay pa. sana naman sa susunud na piyesta ayusin niu buhay niu dahil dun laang sumasaya ang mga tau ditu sa baler. wag naman nating gawing basura. un ms.baler pageant

  11. oo nga, un mga sinasabi ninyu, tutuu laang…umaasa pa naman akung kakaiba ang magaganap ngaun..siempre lahat ay naditu na..tas un pala?…. sumaya din aku kay andrew e..(in fernes, anu umang)..my Ms. Baler baga? ay baka sa aurora day na laang makikita…asos, ang ganda din nun banda na kinuha (anu?)are ha…un banderitas, iyun yun mga naipun dun sa mga basurahan na magaganda ang lagayan..(lalagyan, baka ma misinterpret niu aku ha)…

  12. BOTYOK sorry pero wala akong ibig sabihin sa comment ku kundi magbigay ng sufficient supplies ang local government sa ospital..kasi madaming mahihirap na may sakit ang hindi mabigyan ng kailangan bilang gamot dahil walang supply..

    peace..wag mo akong awayin..de kita inaanu po..

    ay tangan-tangan na nga laang ang gamitin sa ospital..

    makatuwa..may nasabi yata akong masama sa post ku na iyun..

    pasensiya na po..

  13. Hi ang saya ninyo kahit papano may fiesta pa kayo. Bakit kung ano ano ang pinupuna ng ating ibang kababayan eh mas masaya o masmaganda siguro kung nagtutulungan at nagkakaisa para sa Bayan. Dito nga sa amin trabaho ng trabaho para may pangbakasyon o panggastos sa kasiyahan. Hindi kayo dapat umasa na lang palagi sa mga nanunungkulan, kailangan kumilos kayo at magkaisa tungo sa inyong mga ambisyong maunlad na bayan. Gumising kayo mga kababayan kung kayo ay natutulog na mulat ang mga mata.

  14. mang ador, de naman po obrang basta na laang makiadaday na laang basta sa preparation ng pyesta at trabaho ng mga taga munisipyu iyun. kami po’y mga umuwi laang para sana makipyesta ay mga nadisappoint laang kami at ngau’y nagbibigay ng aming saloobin.

    mahirap pong pagkaisahan iyan dahil sila ang nakikialam ng planu para sa pyesta. kung iyan po ay tungkul sa kalinisan o pagsave sa kalikasan, dapat pong de umasa sa nanunungkulan.

    ditu rin po sa amin, trabaho nang trabaho para makauwi pag pyesta. at masaya lang po alalahanin ang pyestang baler na nakamulatan namin.

  15. medyu masalimuut ngang pag-sapan ang fiesta, de baga’t nuun pang panahun ng kopong-kopong ay pinag-aaralan na iyang fiesta sa elementary at high school social studies? de baga’t sa sa libro at ayon sa mga titser ay isa iyan sa mga dahilan kung bakit daw napakakupad ang pag-unlad ng Pinas? tanda ninyu ang mga hacienderos? ang mga kasama? ang mga taungbayan at oficiales na todo raw ang garbo para sa fiesta? at anu ang napapala pagkatapus? akaw ay isang araw laang ang fiesta kada taun, ay iyung aurora day. de bagat’ isang linggu taun-taon?

    sa ibang lugar . Metro Manila, may mga mini-fiesta bawa’t karsada nuun, lahat ng gastos galing sa NGO. at tanu magbigay ang local gov. maski isang kusing?at tanu kasama sa local govt. budget ang fiesta? lahat pakana laang ng mga tau, kung kaya nila at kung may sobra silang imoy, kung wala, adi walang maski anu, peru tuluy laang ang block rosary sa neighborhood.

    napag-uusapan po laang ang fiesta, masalimuut iyan, pananhun pa ni Legaspi pagkatapus maubus ang tribu ni Lapu-lapu.

    pasensiya na po laang, naalala ku laang ang civics aka social studies na turu ni Ma’am.

  16. laging sinasabi ng mga pinuno ng baler maging ng aurora,na makipagtulungan ang taong bayan,nakikipagtulungan na nga pero sila daming kababalaghang ginagawa kapag sila sila na laang ang naguusap,daaaaming magagandang plano at yung ibang mga taga baler naman na makarinig lang ng magagandang sinasabi,paniwala naman agad! kaya dapat maging bidyialante tayu!simula senador hanggang meyor pwera lang sa bise gobernador ay taga baler na!at anu…ang tagal ng pagunlad parin…ang daan sa bundok hanggang ngayun PANGIT parin…samantalang sa quezon province sementado na simula lucena hanggang sa kasuluksulukang barrio!sayang lang pagsuporta natin sa kanila kung walang nangyayari…

  17. hay naku mga taga baler…kung mag coment kau ay prang mggaling,,akaw,,,di sana kau na ang gumawa para sa piesta ninyo,,sabagay ang ganun talaga ang pieysta ninyo di baga…hay naku,,next tym,,,pag igihin u n lamang..,wadi lakki….

  18. kung taghirap at palaging kulang ang budget sa mga proyekto para sa ikauunlad ng bayan, ang magic word mga pake ay PRIORITY

    unahin ang mga higit na importanteng dapat pagkagastusan. kung sinu man ang may milyones at handang gumastos aydi pabayaan, kung wala aydi magtiis mamaluktut.

  19. Kung mabubuhay ninyo ang Bayanihan ay napakalaking magagawa para sa Bayan. O di kaya ay ang paghahanap ng mga taong magbubuluntaryo para sa ika uunlad ng bayan. Pagkatapos bigyan na lang ng kaunting pabuya ang mga iyon, ay di maligaya ang bawat isa. Tingnan ninyo ang San Luis maraming dekorasyon, sa palagay ko naman hindi ito lahat binayaran mayroon ding donasyon. Ang mga ganitong bagay ay hindi na dapat katungkulan ng mga namumuno, ang lokal na grupo ay pwedeng magplano at ipaalam o isumite sa may katungkulan kung ano ang mga plano para maaprubahan kung isasagawa o hindi.

  20. aika bakit pinatanggal mo ang comment mo? ok lng naman magcomment kahit ano diba? i believe we are still in a democratic country.. kung may kontra sa comment mo ano naman ngayon diba? ^_^

  21. ay sus!lahat laang ng gustong maging pulitiko/pulitika pera lang ang habol,de baga ninyu alam na ang PERA ay ugat ng KASAMAAN,kaya maraming nananalong pulitiko na ang ginagawa para manalo ay ang mag bayad ng boto.kaya itigil na ang eleksyon,lahat nalang presidente tutal lahat din ayaw magpatalo,lahat bida… 😛

  22. naniniwala aku na ang baler pagkatapus ng 10 taon ay ganun pa rin. bakasyunan lang ng mga galing abroad.
    ang pulitika ay ganun pa rin malamang.
    wag lang sana maubus ang mga puno para de mabura sa mapa.
    at sana ay may magawa ang mundo sa global warming para de mabura ang isla ng sabang.
    at siguradu na marami pa rin nagtatarabahu sa kapitolyo at dun umaasa.
    sana ay maayus na rin ang ospital.

    kayu isipin ninyu hala kung anu ang kahihinatnan ng baler?

  23. Ang ganda ng mga inyong salita para sa mga may katungkulan tungkol sa pera at kababalaghan. Kung ako siguro ang nandiyan papatunayan ko muna at kung may pagkakataon ilabas at ipatanggal ang mga taong ganyan. Kaya kailangan ninyo maghalal ng taong puro na lang salita at sakim sa pera.

  24. kung gusto ng pagbabago,umpisahan muna sa sarili at pamilya hindi sa bayan bago ang pinuno,kaya kung ang namumuno gusto ng pagbabago,umpisahan nya muna sa SARILI nya!!!

  25. oh yes katuga,totoo yan..umpisahan ang pagbabago sa sarili..

    God bless sa atin..

    MANUOD NALANG TAYO NG AKAW INVASION SA SEPTEMBER 8..MALAPIT NA!!!!!

    YEHEY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  26. AY! SINU N YANG NAG PITURE NG FIESTA NG BALER! WALA MAN LAANG MAGANDANG VIEW, MAS MAGANDA P UNG FIESTA NG SAN LUIS. IYUN ANG MAG PIPITURE MY PAGKAKASUNOD

  27. ayusin nman s susunod, ng pwedeng ipagyabang d2 s labas ng bansa. ganyan n baga kapangit ang baler. s dami nman ng magadang kunan ng pic jan pati magtitinda ng popcorn kunan hinde naman natin produkto iyun!

  28. Akaw si dako ay demanding. siya na lang nakitingin namintas pa. Isa lang ang kumuha ng picture ng fiesta sa san luis saka sa Baler, kaya pinuri mu siya saka pinintasan ng sabay. ay alin na ang tutuu. Sa susunud wag ka na lang bumisita ditu pag ganyan ka, wala ka namang binayaran naghanap ka pa.

    De lang talaga photogenic ang fiesta ng Baler ngayun.

  29. ^ uh uh uh.. ay ikaw ang magpicture dako kung gustu mu! sinu kang makapintas ay kung ayaw mu tingnan wag mu! de mu itu website kaya manahimik ka anu!

    kung de mu alam, ang website na itu ay hobby laang. kumbasa hobby-based band (adyo mali), sinisingit laang sa buhay ng isang regular ng empleyadu, para laang masaya. baka akala mu buwis mu o padala mu ang ginastos ditu..

    adye..isip mu ka!

  30. halika dako..ay sinu ang nagyayabang sa iyu ha? ay ngayon ka lang baga nakabisita sa BB. Ates nagko-comment de naman naiintindihan kung saan naggagaling yung comment hahaha. iisa laang yung kumuha ng baler at sanluis fiesta ay di pahiya ka anu hahaha. tsaka naiintindihan mu baga ang ibig sabihin ng blog? ay de ka laang dapat magalit kung popcorn ang piniktyuran ni abay ay di gumawa ka din na ibang picture at pagkatapos syempre saan mu naman ipopost at wala kang blog..ipasa mu na laang uli dito sa BB ay di ayus!

  31. Uh are! ay pasensiya na Aika. Nabigla laang aku dahil may phoebia na aku pag naririnig o nababasa kung ‘Supplier ng gamut’. Lam mu na iyun. De ku laang naintindihan ka-agad. Dapat sinabi mu agad gamut sa nila-lagnat o tina-tae. Wag yung gamut sa mga inu-ubo at nakupooo….maganda rin ang tama nung mga gamot sa ganuon(Inu-ubo). De aku nagagalit sa iyu. Akaw! aku pa. PEACE!

  32. iba talaga mag komento ang taga baler. iba ang dating pag nasusulat. iba rin ang dating pag binibigkas na. =)

    peace laang mga kabayan.

  33. antatapang nila anu. hehehe..nagbabait na aku ulit. nakakita na naman ng pulis. baka premonition. welcome kay dako! akaw ka kaya? baka naman anin lang din.. hahaha..joke lang abay. welcome!

  34. Sige na nga… makapagod na anuu… mag intay na la-ang tayu ulit ng isang taun… baka naman maganda na ulit…. ibaun n lang natin du-un sa may labasin para de makahinanakit… hehehehe

    basta mag tenk yu la-ang ako parati kay kidlat at alam natin parati mga pangyayari jan sa Baler… ang hirap kaya niyang ginagawa niya… wala la-ang iyan sweldo pero ka… updated…

    Tenkx kidlat… mabuhay ka………….!!!!!

  35. huy DAKO!

    AY ANU BAGA ANG MUANG MU SAS POTOGRAPIYA hA? AT MAKA PINTAS PINTAS KA! KUNG TIGA SAAN KA MANG LUPALUP NANG GALING WAG KANG PINTASERU HA? I-POST MU RITU KUNG IBIG MUNG MAGPA TURU NG TAMANG ASAL SA PAGTINGIN SA MGA BAGAY BAGAY AT TUTURUAN KATA. MAG POST KANA RIN NG MGA MABUBUTING NAGAWA MU NA SA MUNDU O KAHIT SA INYUNG BARYU LAANG. YUNG WALANG KAPINTASAN HA…………

  36. de naman po sa ganun po nagpapaliwanag lang po aku po. at nag aadvise lang po ako po sa mga taong pintaseru po . kasi po bad po siya po. ako po mabait. de po aku maalam magalit . may celebrasyon nga po akung aatenan sa sept. 8 ay , purple haze tomas morato po. balita ko po bawal mamintas duun.
    see yah…………

  37. hehehe gaykamay anu,bkit antapang ng mga taong nagcocoment ditu,kakabasa ku lng ngaun akaw di ku maiwasang mainips ng konti,bakit ganun kalakas mamintas ay taga baler din lng naman cya,…akaw talaga mga tsong masyadu n kaya tyung crab crab nyan????makaawa nman ung taga pag sa ayus ng pyesta ng baler,at sikat pala c katuga ditu…hehehe
    basta ayus lng magpuna at ayus dn lng magsabi ng totoo pro masmasama ang sobra…akaw wag naman sanang ganyan lagi at kawawa nman tayu….
    sobra talaga mga men,cguru my mdami dn namang nangyaring masayang bagay ay dibga??peace lng sana sa lahat,basta suportahan lng sana!ayus n yung punahin wag ng manlait!!:-* :-* :-*

    “ANG PAGBABAGO AY KATAMBAL NG PROGRESO”

  38. Aryo bakit mga ganyan kayo mga otoy at nene nag-aaway na kayo. Dinggin na lang ninyo sa kabilang tainga at ilabas sa kabila kung nakapagsalita sila ng masama kasi tayong mga taga Baler ay mapagpasensya. Sabi nga ni katuga ang pagbabago ay umpisa sa sarili. Siguro matutuwa ang mga pintasero kung pasasalamatan ninyo sila sa kanilang mga magagandang ugali.

  39. ay kilala ku laang si aereogramme! hahaha.. de laang iyan..ay ok laang mamintas siguraduhin laang na kaya mu at nakikita ng lahat na kaya mu..ay peru pag nakikiadaday ka laang ay tai..(excuse me!)..

    tingnan mu de na bumalik si dako..panu may mas dako na pogi daw!

    da manuud na lamang po kayu ng AKAW INVASION 2! marami kayung mapupulut na magagandang aral sa buhay!

  40. hello!i love you guys!
    nanuud ba kayu nung akaw invasion?it rocked the hell out of those who watchedespecially me..haha..sana may kasunod pa yun!keep the fire burning!

    ps.

    botyok, naiintindihan po kita..sorry!=)

    isnabera, thanks..=)

  41. akaw ay musta na lng sa mga klasmeyt ko diyan…10 years na akong di nakakauwi sa baler siguro dami ng pagbabago diyan anu’ Musta kina guy tuzon, irwin lombres, nancy novicio etc..etc… Rowelito B. Garcia po’

  42. ………………….sana lang naka upload lahat ng mga pic ng little miss baler from 2000 – 2007 kase ang gaganda ng mga ginagamit nila at iba iba ang mga costume na makikita every year competition…

Leave a Reply