Akaw Invasion 2 – How to Get There

Paanu de maligaw sa pagpunta sa Purple Haze Bar (“Where Rock and
Roll Lives”), paggaganapan ng Akaw Invasion 2 sa September 8, isang tugtugan ng mga bandang galing Aurora, at may mga miyembrong tiga-Aurora.Ang eksaktong address ng Purple Haze Bar ay No. 37 T. Morato Avenue, cor E. Rodriguez Ave, Quezon City. Ito ang mapa:


View Larger Map

Kung may Google Earth ka naman, i-download ang .kmz file na ito (right click > save target as..) , buksan ang Google Earth at i-open o i-run ang file.

Sa mga magko-commute, basahin ang mga direksyon:

Kung galing Maynila: Sumakay ng jeep biyaheng Cubao via España. Liliko ang jeep sa E. Rodriguez pagdating sa Welcome Rotonda. Bumaba sa Tomas Morato. Landmark: Petron Gas station. Lumakad ng kaunti papasok sa T. Morato. Ang Purple Haze ay nasa kaliwa pagkatapos ng bakanteng lote.

Mula sa Quezon Avenue: Sumakay ng jeep byaheng Project 2-3 via Timog Avenue. Pwede ring magpunta sa dating Pantranco terminal, sa Roces Ave. May pilahan duun ng Jeep byaheng Project 2-3 sa tapat ng Jollibee at bagong Sogo Hotel. Dadaan ang jeep sa Timog at kakanan sa Tomas Morato. Pag-liliko na ang jeep pakaliwa sa Kamuning ay bumaba na. Maglakad ng mga 100 metro papuntang E. Rodriguez. Makikito mo ang Purple Haze sa bandang kanan.

Sa Edsa ay may dalawang pwedeng sakayan: Mula sa Cubao at sa Kamuning-Kamias. Mula sa Cubao, sa kanto ng Aurora Boulevard at Edsa, sumakay ng jeep byaheng Quiapo-España. Dadaan ang jeep sa E. Rodriguez. Bumaba sa kanto ng Tomas Morato sa may Petron gas station. Lumakad papasok sa T. Morato. Ang Purple Haze ay nasa kaliwa pagkatapos ng bakanteng lote.

Mula naman sa Edsa corner Kamuning/Kamias: Sumakay sa jeep na papuntang Quiapo via España. Dadaan ang jeep sa Kamuning at kakaliwa sa T. Morato. Bumaba bago kumanan sa E. Rodriguez ang jeep. Ang Purple Haze ay nasa kanan. Pwede rin sumakay sa byaheng Pantranco. Dadaan ang jeep sa Kamuning, at kakanan naman sa T. Morato. Bumaba bago kumanan ang jeep at lumakad sa kaliwa papuntang E. Rodriguez. Nasa kanan ang Purple Haze.

Pag galing Baler: pwedeng bumaba sa Muñoz, sumakay papuntang Pantranco at sumakay sa jeep byaheng Project 2-3 (basahin ang direksyon sa itaas). Pwede ring bumaba sa GMA, sa Kamuning bago tumaas ng overpass ang bus. Sumakay ng jeep byaheng Pantranco o Quiapo via España (basahing ang direksyon sa itaas). Pwede ring bumaba sa Cubao ibabaw corner Aurora Boulevard. Sumakay lang ng jeep byaheng Quiapo-España. (basahin ang direksyon sa itaas).

Pwede ring magtaxi. Sabihin lang Tomas Morato kanto ng E. Rodriguez.

Kung may kailangan pang impormasyon kung paano makakapunta sa Purple Haze mula sa inyong lugar, mag comment lang dito at sasagutin namin sa lalong madaling panahon.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

4 thoughts on “Akaw Invasion 2 – How to Get There”

  1. baka maubusan na tayo ng bala pagpopromote..best in promotion na tayu..hehehe..sabi natin.. ung sa may punu sa pinakacenter ang purple haze..pag de mazoom ng todo..tagal magdownload ng google earth ay.. sa ilalim nuun ang banner..dapat pala pandungan din ung punu para sa top view..

    ilang days na laang..yihi..

Leave a Reply