San Luis Fiesta 2007 – Street Decor

San Luis Fiesta 2007

Ito na ang mga larawan ng mga “street decoration” sa fiesta ng San Luis.

Unang ginawa noong isang taon, ito ay paligsahan ng mga arko at palamuti sa kalsada gamit ang sabutan para umayon sa temang Sabutan Festival tuwing Fiesta ng San Luis. Bawat Barangay at mga grupo o opisina sa bayan ay may mga isinaling piyesa. Mahigit isang kilometro ang haba mula sa Poblacion hanggang sa may NIA papuntang Nonong. Napalagay na din ito sa Batangbaler nung isang taon pero ngayun ko lang ito sinadya para piktyuran. Magandang tingnan. Makatuwa, ramdam na ramdam ang piyesta. Parang gustu ku na tuluy maging Batang San Luis na lamang he he. Sabagay aku’y lahing San Luis naman at ang aking nanay ay tiga San Luis at si misis ay tiga San Luis din. Kung pagkukumparahin itu sa dekorasyon sa fiesta ng Baler ay wala akung masasabi. Wala naman akung pagkukumparahin. Ngayung araw pa lang yata sasabihin ang nanalung design.

Naging inspirasyon itung pakulong ito ng Sining Kalye nuung Aurora Day 2007. Nagkaroon din ng contest na ganito.

Pindutin ang slideshow sa ibaba para makita ang mas malalaking larawan.

BubbleShare: Share photosFind great Clip Art Images.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

3 thoughts on “San Luis Fiesta 2007 – Street Decor”

  1. Hi salamat ang gaganda ng mga piks ng fiesta. Napakasaya siguro ninyo. Bakit noong kami ay mga hayskul o kapanahunan namin ay walang ganito. Kakainggit kumusta na lang sa mga apo in poppo Hono.

Leave a Reply