Remembering Aurora Aragon Quezon

Aurora Aragon Quezon

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

One thought on “Remembering Aurora Aragon Quezon”

  1. Aurora Quezon
    Aurora Antonia Aragón de Quezon (ipinanganak si Aurora Antonia Aragón y Molina noong February 19, 1888 – April 28, 1949), kadalasan tinatawag siyang Aurora Quezon, at minsan ay Aurora Aragón-Quezon, siya ay asawa ng Presidente ng Pilipinas na si Manuel Luis Quezon at Unang Ginang noong 1935 hanggang 1944. sa kabila na siya ay Unang Ginang ng Pilipinas ay kadalasang nakikisalamuha sa mga makataong Gawain ng mga mahihirap at kauna unahang tagapamahala ng Philippine National Red Cross.
    KAPANGANAKAN
    Si Aurota Quezon ay ipinanganak ng kanyang mga magulang na sina Pedro Aragón at Zeneida Molina, sa lugar ng Baler sa Tayabas province. Sa panahon ng Rebolusyon ng Pilipinas, ang kanyang ama ay nakulong noong pamamahalang kolonyal sa pag aakusang myembro ng Katipunan; at namatay sa kanyang pagkakakulong. Ang kanyang tagapagturo noong kabataan nya ay ang kanyang tiya na kapatid ng kanyang ina na si, María Dolores Molina, na kung saan ina ng kanyang pinsan at magiging asawa na si Manuel L. Quezon. Nang makulong ang kanyang ama, siya ay inalagaan ng kanyang tiya na si Maria Dolores at tiyo na si Lucio, kasama na namuhay ang kanyang magigigng asawa. Pagkatapos na mamatay ang mga magulang ni Manuel L. Quezon, siya ay nanirahan sa mga pamilyang Aragon noong sila ay nasa Baler.
    Pagkatapos na mamatay si Pedro Aragón, kasama ng mga pamilya, sila ay naghirap at namuhay lamang sa pagsasaka, at nahubog ang kanyang pagkatao sa kalagayan nila, at natuto syang makipag salamuha sa lahat ng tao, sa pantay na pagtingin, mahirap man o mayaman. Kalaunan sila ay lumipat sa Lucena kung saan si Manuel ay naglingkod bilang provincial fiscal ng Tayabas. Si Aurora, na gustong maging isang guro ng eskwelahan ay nag aral sa Philippine Normal College sa Manila para sa kanyang magiging asawa pero sa dahilan ng kanilang kahirapan pagkalipas ng dalawang taon, siya ay tumigil sa pag aaral.
    Pagkatapos ng limang taon ng mamatay ang kanyang asawa, siya at ang kanyang anak na babae ay pinatay habang papunta sa hospital na kabubukas lang para sa kanyang asawa. Ang probinsiya ng Aurora ay ipinangalan sa kanya.

Leave a Reply