Lumapit-lapit Ka Ng Marinig Mu!

Watch Komedya de Baler tomorrow February 29, 2008 at the University of the Philippines Ampitheater, Diliman, Quezon City. Show will start at 6:00 pm. This is the last installment of the First National Komedya festival at UP. Komedya de Baler is unique among the other komedya groups elsewhere in the country in that they use real and sharp weapons in their performances. Their UP performance is just a 2-hour preview of the actual komedya that usually lasts for a week in the original shows. The last time I witnessed a komedya performed in it’s entirety was more than a decade ago at the provincial capitol during the Aurora Day celebration. Now they only do a shortened version of it and even rarely.

The video above is taken at SM Marilao in Bulacan on October 2, 2005 during the Best of Central Luzon festival. And here’s an article about Komedya de Baler. It seems like an introduction to a Komedya preview. I just found it on my hard disk and have no idea how it got there. Thanks to the author, whoever you are.

COMEDIA DE BALER

Ang comedia de Baler ay isang palabas tanghalan, na bahagi ng kultura ng Baler, Aurora, na ginaganap sa mga pista at iba pang mahahalagang okasyon.Ito ay paboritong panoorin ng yumaong pangulong Manuel Luis Quezon at ang kanyang mahal na may bahay Dona Aurora Aragon Quezon, na siyang pinaghanguan pangalan ng Aurora.

Sang ayon sa salaysay ng magkapatid na Timotea at Ladislao (Islaw) Tangson, Ang Comedia de Baler ay nagsimula noong Agosto18- 19, 1927, sa kapistahan ni San Luis Obispo, ang mahal na patron ng Baler.


Ang Comedia o Moro- Moro ay hinango ang kasysayan mula sa awit at Corido, tulad ng Florante at Laura,Don Juan Tenoso at marami pang iba. Kung susuriing mabuti, nakapaloob sa Comedia de Baler ang iba’t ibang sining tulad halimbawa ng Musika, na kinakanta ng maestro Alejandro Ferreras. May iba’t ibang tono para sa mga Moro at iba rin sa mga Cristiano. Naiiba rin ang caranza (sayaw) ng Moro at Cristiano.Makasining din ang kasootan, mula sa sombrero, damit, sapatos, sandata at mga pavorlas (decorasyon). Hindi basta basta modista at sastre ay pwedeng tumahi nito. Ito’y personal na pinangangasiwaan noon ni Timotea Tangson. Naiiba rin ang pagbigkas ng lo-wa. Ito nama’y akda o turo ng yumaong Fortunato Isosena, May pataas at pababang tono sa pagbigkas, ang tawag dito ay de Qintana dahil may apat at limang linya. Makasining din ang mga pananandata, na dapat kumpas sa tugtog at akma sa hakbang at ulos dahil sa bahagyang pagkakamali’y baka magkasugatan sapagkat ang mga gamit ay mga tunay na espada, daga, itak, sibat, at iba pa.

May mga pamahiin din na nakapaloob sa Comedia. Iniingatan na huwag malaglagan o maaalisan ng sombrero na kung tawagin ay mapupugayan. At sa Barangay Buhangin, na siyang tahanan ng Comedia de Baler, kapag binabaha at mahina ang ani, ang paniniwala sa pistang Barangay, kailangan magtanghal ng Comedia o moro – moro na karaniwan ay umaabot ng tatlong araw.

At sa pamamagitan ng isa ring Comediante na may dugong Tangson, Gng. Isabelita Tangson – Mejia, ang Comedia de Baler, ay sinisikap na mapaunlad, sapagkat ito’y bahagi ng kasaysayan, ng sariling kultura ng Aurora. Ang palabas tanghalang ito ay tunay, makabuluhan at larawan ng Bansang Pilipinas, na ang naninirahan dito maging Cristiano at Muslim ay dapat magkasundo at magkaisa.

At para sa kasiyahan ng mga manonood naririto ang ilang bahagi:

1- Caranza ng mga Moros, pagkatapos ng mga Cristiano
2- Rebista (Muslim at Cristiano )
3- Embahada
4- Digmaan at Torneo ng bidang Cristiano at Muslim
5- Paghahardin ( Palasintahan )
6- Nagwagi Setro at Korona opagkakasundo ng dalawang kaharian ( muslim at Cristiano )

Ang mga iyan ay ilan lamang sa mahahalagang bahagi ng Comedia de Baler na kung pagyayamanin lamang ng mga kinauukulan magkakaroon ng makabuluhang palabas – tanghalan at maging pangunahing atraksyon, at dapat ito ang pagtuunan sa mga street dancing competition, sapagkat ang Comedia de Baler, ay tunay na kultura sa Aurora at sana sa pagtatanghal ng Comedia de Baler ay alalahanin at magbigay pugay kay maestro Alejandro Ferreras, nasiyang naglapat ng musika, kay Fortunato Esosena, na siyang humango sa mga awit at Korido, sa magkapatid na Temotea at Ladislao Tangson, na bumuhay at nagpatuloy sa pagtatanghal ng Comedia de Baler at ipagpatawad sana ng iba na hindi nabanggit ang kanilang mga pangalan.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

One thought on “Lumapit-lapit Ka Ng Marinig Mu!”

Leave a Reply