Factual Errors

Mula sa Philippines Star, ni Manny Galvez :

65 nuns, mountaineers conquer, reforest Aurora’s 7,000-ft. high Mt. Balagbag

Sixty five nuns and mountaineers have successfully scaled and reforested  the peak of the 7,000-feet high Mt. Balagbag in Barangay Dimanayat in this town last week.

The recent two-day historic climb atop Mt. Balagbag established two mountaineering records the first documented successful climb and the first documented reforestation of the mountain which has also been christened Mt. England by local mountaineers.

Basahin ang kumpletong balita (Philstar),

Nandito ang cached page ng balita sa Google.

Kulang sa fact-checking ang balitang ito. Kung tiga Aurora ang makakabasa nito, may mga mapapansin tayo na mga kakaiba sa balita, pero kung hindi-tiga Aurora ay lalabas na totoo ang mga nakalagay dito. Ito ang mga napansin ko:

  • Ang Mt. Balagbag ay wala sa Brgy. Dimanayat sa San Luis Aurora. Ayon dito sa Multiply site ng UP Mountaineers: “Mt.Balagbag is situated along the boundary of Norzagaray, Bulacan and Montalban, Rizal. Water from its tributaries contributes to the water that passes through Ipo Dam which then goes to La Mesa Water Reservoir.”

  • Ikalawa, ang bundok daw ay 7,000 ft. high, samantalang ang pinakamataas na bundok sa Aurora ay 6,237 ft o 1,901 meters from sea level lamang. Ito ay ang Mt. Mingan sa pagitan ng San Luis at Dingalan. Kahit i-round-off natin ang elevation ng Mt. Mingan ay 6,000 ft lamang. Pero Mt. Mingan ang sinasabi ko, ang pinakamataas sa Aurora, at ang sinasabi sa balita ay isang Mt. Balagbag na mas mababa sa Mt. Mingan pero 7,000 ft daw.
  • Napansin ku na rin ito sa isa pang balita tungkol sa samahang ito na may 1.9 million members na itinatag ng isang “celebrated author and historian” at “internationally acclaimed historian and geographer” na tiga-San Luis. Basahin ang balitang ito na lumabas sa Manila Bulletin noong January 18, 2008:

Situated in L. Pimentel, San Luis, Aurora, Mt. Beatrice (aka. Mt. Kabulao, 3,929 meters above sea level) is famous for its rich mineral deposits and tropical rainforest and with spring waters believed to cure incurable sickness.

It was also the site of the 2007 National Mountaineering summit and the said mountain’s first documented climb.

  • Sinasabi dito na ang Mt. Beatrice daw sa L. Pimentel ay 3,929 meters o 11,787 ft. Samakatuwid, ang Mt. Beatrice o Mt. Kabulao ay mas mataas pa sa Mt. Apo na 9,689 ft lamang. Ibig sabihin, hindi Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito ay ang Mt. Beatrice na nasa L. Pimentel sa San Luis, Aurora! Bakit ngayun lang natin itu nalaman! Tinanong ku na pati ang aking kaibigang mountaineer kung may Mt. Beatrice nga sa L. Pimentel, ang sabi niya ay wala daw siyang alam. Sinasabi rin sa balita na dito sa bundok na ito ginanap ang 2007 National Mountaineering Summit. Kaunting research uli at pagtatanong ay nalaman kong walang summit na ganito na naganap sa San Luis nuung 2007. Ang kaunahang Mountaineering Federation of the Philippines Congress and Climb na ginanap sa probinsiya ay ginanap sa Baler nito lamang April 2008.

Magandang makabasa ng mga balitang ganito – maka-kalikasan at pinagdiriwang ang kagalingan ng ating mga kababayan. Pero sana naman ay maging mas mapanuri ang mga nagrereport nito at siguraduhin ng mga editor ng pahayagan na tama at may katotohanana ang mga binibigay sa kanilang mga balita bago nila ito payagang ipahayag. Lagi akong sumusubaybay sa mga balitang Baler at Aurora para maikalat ko sa mga kababayan, pero pag ganitung balita na sa titulo pa lamang ay parang may tatlu nang mali, ay nakaka-alinlangan ipagkalat.

Para lalo ninyong masuri ang mga sinasabi ko ay basahin ang mga ito:

65 nuns, mountaineers conquer, reforest Aurora’s 7,000-ft. high Mt. Balagbag

13 Mountaineers conquer Aurora side of Sierra Madre

Sixty vs. Mt. Beatrice

10 ECOLOGISTS HURDLE LONG TREK OFF PACIFIC COAST

Ito po’y obserbasyon ku lamang. Maaring ako ang mali.

Note: Comments Closed

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

5 thoughts on “Factual Errors”

  1. Katakut-takot na hirap siguro ang tiniis ng mga mountain climber. Biro mo kang ang Sierra Madre sa gawing Aurora ay napaka siksik ng mga puno at kung anu-anong bagin,halaman…hindi nga makita ang lupa o silahis ng araw kapag talagang nasa gitna ka ng kagubatan ng bundok. Ilang buwan kaya silang nagtabas para magkaroon ng lana at marating ang tuktok ng bundok?

  2. para ngang de tutuu itung balita. parang masyadu pati mataas yata yung 7,000 ft. (2,134 m.), ang alam ku na pinakamataas nating bunduk ay yung Mingan mountain sa gitna ng san luis na 1,900 meters. praise release nga itu.

  3. Maraming taga Aurorang nakalista sa member diyan , apelidong Baler, San Luis ang iba. Liwanagin kaya nila dito sa BB ang tunay na nangyari? Sana sa susunod may coordination sa mga local organizations at press people para maliwanag at saka siyempre mas maraming iba’t ibang kasama, mas masaya, parang picnic baga.

  4. mabuti naman at may nakapuna..hinde lang pala kami ang namomroblema sa mga ginagawang press releases ng grupong iyan…naturingang taga aurora..partikular sa san luis…. nililigaw naman nya ang mga tao…anung klase iyun?… akala ko b grupong maka-kalikasan yun… ang pag kaka alam ko.. sa isang akyat….. pinaka marami na ang 20 katao plus 3 guides upang masigurado na hinde masisira ang bundok….

  5. walang maniniwalang isang batidong mountaineer / trekker sa press release nila. kakakahiya laang sa mga professional climbers talaga.

    kaya laang, ay de naman lahat ng nagbbasa ng dyaryu ay climber, ay sa isang walang kamuang-muang, iyan ay lubus na kahanga hanga , o , ay ba’t gan-un sila?

Comments are closed.