PGMA visits Baler to speak at 109th anniversary of Siege of Baler

Bibisita na naman si Pangulong Arroyo sa ating bayan para sa pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Day at sa Anniversary ng Siege of Baler. Dito rin niya pipirmahan ang Personal Equity and Retirement Account (PERA) Bill na ang nagpanukala sa Kongreso ay si Cong. Sonny Angara. Maliban kay Pangulong Manuel Quezon si Pangulong Arroyo ang pinakamadalas na dumalaw na pangulo ng Pilipinas sa bayan ng Baler at sa Aurora.

Ito ang balita mula sa Manila Times:

President Arroyo left for home Saturday night ending her 10-day visit to the United States. The President is expected to arrive in Manila at 5:50 a.m. today and will immediately proceed to Baler, Aurora, for the signing of the Personal Equity and Retirement Account (PERA) bill.

Ito naman ang balita mula sa Philippine Information Agency:

The President is expected to arrive in Manila from the U.S. at 2:30 tomorrow morning and not at 4:30 a.m. as earlier reported. Mrs Arroyo after resting from a long journey is expected to arrive in this capital town at around 10 a.m.

Ayun sa programang nakarating sa akin at sa mga imbitasyon, ang mga programa ng pagdiriwang ay magsisimula ng 7:30 mg umaga. Kung alas 10 dadating ang pangulo ay medyo mababago ang schedule ng ilang oras.

******

Update sa selebrasyon: Nagdatingan na ang mga bisita ng pagdiriwang dito sa Baler at katatapos lamang ng welcome party at cultural program na ginanap sa Baler Sports Complex sa halip na sa Ermita Hill na original na venue. Nilipat ang lugar dahil nagbabantang umulan ngayong gabi dahil masama ang panahon maghapon. Pero maganda naman ang panahon ngayong gabi. Walang ulan at napakaraming bituin sa langit. Sa Sports Complex na rin isinagawa ang fireworks display na napanood ko sa kalsada sa labas ng bahay. Wala akong litrato ng mga nangyari. Manghihingi na lang ako sa tabi-tabi.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

Leave a Reply