Baler Movie sa 2008 Metro Manila Film Festival

Nung May 20, nilagay ko dito sa Batangbaler na may planong gumawa ng sine tungkol sa Baler. Medyo marebuk pa noon ang mga detalye pero sigurado ako sa source ko. Ngayon medyo malinaw na ang balita. Nitong nakaraang linggo ay lumabas ang balita tungkol sa mga napiling pelikula na ipapalabas sa taunang Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing kapaskuhan. May walong pelikula na-select sa festival. Isa dito ang Baler o “Siege of Baler”. Wala pang masyadong detalye sa pelikula maliban sa ito ay mala-Pearl Harbor o Titanic kung saan ang isang fictional love story ay magaganap sa isang non-fiction na historical setting. Si Mark Meily (Crying Ladies, La Vida Loca), ang direktor, Roy Iglesias ang writer at Anne Curtis ang bidang artista. Ito ay gagawin ng Viva Films. Narito ang balita mula sa Philippine Entertainment Portal:

Submitted as The Siege of Baler, Anne Curtis gets her biggest break in the movies as she stars in a war-time love story based on the siege of Baler, Quezon noong Spanish era. Hinahanapan pa ng leading man si Anne for the movie.

According to producer Veronique del Rosario-Corpuz, tulad ng mga Hollywood movies na Titanic and Pearl Harbor, fiction ang love story but the backdrop of war will be based on historical facts.

Ito naman ang balita mula sa The Journal Online:

Si Anne Curtis ang bida sa entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival na Baler, na ang original title ay The Siege of Baler. War-time love story ang tema nito sa script ni Roy Iglesias at direksyon ni Mark Meily.

Hinahanap pa ang makakapareha ni Anne sa kanyang biggest movie ever at kung susuwertehin sa takilya, simula na ng pagiging big-time movie actress niya. Nabanggit minsan ng actress na kahit gumagawa siya ng pelikula, mas kilala pa rin siyang TV star at hindi movie star, kaya kailangan niya ng big break sa movies at ito na nga ’yun.

Ang Metro Manila Film Festival ay taunang ginaganap tuwing kapaskuhan. Ang mga pelikulang kalahok dito ay pinipili ayon lamang sa “premise” o “synopsis” na ipinapasa ng mga producer. Ibig sabihin, hindi pa ginagawa ang mga pelikulang ito. Sa ngayon, di pa tayo sigurado kung dito sa Baler gagawin ang sineng ito. Gayunpaman, ay mag-ipon na tayo ng pambili ng tiket at paminsan-minsan lang mapa-showbiz ang ating mahal na bayan ng Baler. Mag prepare na rin ang mga gustung mag-ekstra at baka biglang mag casting call. Maigi na ang handa.

Update: ayon pa rin sa Philippine Entertainment Portatl (pep.ph), may ka-partner na si Anne Curtis sa sineng Baler.  Walang dili iba kundi si Jericho Rosales. At gaganap din sa pelikula sila Mark Bautista, Carlo Aquino ar Desiree Del Valle. Showbiz!!

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

5 thoughts on “Baler Movie sa 2008 Metro Manila Film Festival”

  1. Tama ka Akaw! dapat nga siguru kasama si John Arcilla anu? O sabi nga ni Sir Kid pati si Allan Valenzuela at si Ms. Ranillo na taga san luis. Isa pa na pwede mangyari ditu kung tutulung ang mga nasa tourism at administrasyon na maganap. Mabibigyan ng break ang mga artists natin sa baler. Magmula sa mga ilang background music or ilan sa mga musika ng pelikula ( pwede ang mga banda natin ), production designers/art directors ( pwede ang ilan nating talented na kababayan na asa ABS-CBN at GMA at syempre ang mga asa local na art/theatre group directors natin sa baler mismu ), researchers at iba pa. Baka may surf scene kaya si Echo ang napili anu?

    Peru yun nga de naman taga Baler ang producer kaya medyo mahirap maganap. Peru sabi nga, walang imposible kung magsasama sama at magbibigay ng kani kaniyang suhestyon/opinyon sa kung sinu mang nakatoka sa pelikula. Hehehe.

    Congrats sa Baler at buong Aurora.

  2. akaw ay bakit gan`un? ay bakit sa Tanay gaganapin iyun. akaw naman.. sayang. time to shine na ng baler tapus ganuun pa. akaw naman.

Leave a Reply