Powered by Max Banner Ads 

Sineng "Baler" ni Anne Curtis at Jericho Rosales Gagawin sa Tanay, Rizal

Showbiz uli tayo. Ito ang latest chikka tungkol sa pelikulang Baler. Mula dito sa pinoyshowbiztalk.com:

Thorough research daw ang ginawa nila, mula sa mga sunud-sunod na events na nangyari noong Spanish-American war, kung saan nagsagupa ang mga Spanish soldiers at ang puwersa ng mga Filipino, hanggang sa pagpapatayo nila ng set sa Tanay, Rizal kung saan gagayahin nila ang look ng Baler, now Aurora, in Quezon Province.

Samakatuwid ay hindi pala sa Baler gagawin ang sine. Dahil siguro sa malayo tayo sa kabihasnan at mahirap ang logistics pag dito ginawa. Pero ayon din sa balita ay pupunta din naman sila sa Baler. Siguro para sa flash-forward kung saan ipapakita ang kasalukuyang simbahan ng Baler. Kaya sa mga nag-aabang kay Anne Curtis at Jericho Rosales, manood na lang muna kayo ng TV.

Mas nainip ako dun sa nakalagay na “Baler, Now Aurora, in Quezon Province”. Parang sablay de baga?

Related Posts with Thumbnails

Comments

comments

This entry was posted in Baler, Environment, Events, history, News, People, San Luis. Bookmark the permalink.

33 Responses to Sineng "Baler" ni Anne Curtis at Jericho Rosales Gagawin sa Tanay, Rizal

  1. Botyok says:

    Sablay nga.

  2. pepe says:

    dpat tlagang isaalang alang ang budget sa production na katulad nya…xempre pwedeng kumita o pwedeng hindi.. kya lamang, bilang isang binulbul na sa baler, makainip naman na sobrang proud ka, tapus yung makikita mu sa sine ay de pla tlaga sa baler…

  3. tsismoso says:

    sablay na sablay! de ku na laang panunuurin iyan! Sinu baga ang direktor at writer niyan?

  4. tsismoso rin says:

    ay, aku din, makatab-ang na iyan. excited pa naman aku sana. ay paanu maipagmalaki kung maaalman ng tau na de naman sa baler ginawa talaga. nag invest na rin laang sila de pa nilubus.

  5. bujons says:

    ai paltan nlang ng pamagat… rizal nla-ang at sa tanay rizal nmn pla gagagwin at de sa baler….de bga??? magagalit lng nyan si lolo manuel???

  6. Tsismoso #3 says:

    Talagang ganyan laang ang pelikula mga pake. At tanu yung “Apocalypse” ginawa sa Vietnam? At tanu mga tau duun Vietnamese? Marami duun taga Sabang. Kung saan maiging gaw-in ay di duun. Iba na pati ang hitsura ng simbahan, gustu baga ninyung baguhin itu at ang kapaligiran para maging lumang tingnan?

  7. Strider says:

    ayus din laang..ang publicity naman sa Baler mapupunta…hindi sa Rizal. mas makikilala ang Baler ngaun..de laang sa bagyo at lindol..hehe

  8. errol flynn says:

    sablay talaga. pero ok lang. pinapaliwanag ko na lang sa bawat taong makausap ko. one person at a time. lol. sana lang gamitin nila ang mga tunay na pangalan ng lugar at apelido ng tama

  9. governor ng munting gasang says:

    apocalypse now.. iyun ang original na title ng pelikula (fiction) pwedeng dayain ang location ng shooting (off limits ang movie maker sa vietnam during that time lalot gagamit ng maraming props na helikopter) yung title ng pelikula na lugar ang titulo na gaya ng MULANAY na talagang sa mulanay quezon ginawa, (ask boy arcilla).. dapat pag istorya na base sa kasaysayan, gaya ng “asiong salonga” n sa totoong lugar din s tondo ang shooting kung saan nag exist yung pangyayari.. kung sa bagay, wait natin kung anong comment ni senador Angara na sa aking pagkaunawa, sya ang nag encouraged sa producer to make movie na meron kaugnayan sa baler.. eto na!! “BALER” ang title, tanay ang location ng shooting.. para po sa akin, nauunawaan ko na local film ito, maliit ang budget pero magandang panoorin ang pelikula na ang main cast ay totoong artista, ang title ay BALER (dahil tiga doon ako) sablay nga lamang makita sa pinapanood ko n pelikulang BALER mga tau na ginamit na props ay tiga tanay.. DEHINS

  10. tan_ag says:

    ay parang nag-aatab laang iyang mga iyan! ang research nila sa mga de taga-aurora o taga baler. may nakausap akung taga-bulacan siya ang kinokonsulta ng viva films tungkul sa mga pangyayari sa baler?!?

    areee. . . ay paanu na baga nuun, ka hila! ay anung malay nungtaga bulacan sa labanan sa baler? tapus ang shooting sa tanay. at-tes ka celeb! ay mas malabu pa sa usapang carrasco iyan! maigi pa yung usapang bognoyas at maski paanu may kapirangut na tutuu…

    tapus sa dinami-rami ng mga artistang taga baler na mahuhusay at magaganda’t gwapu de man kinuha maski extra! may mga script writer at direktor at cinematographer at kung anu-anu pang may matinding kakayahan sa paggawa ng de-kalidad na pelikula de kinuha maski volunteer na laang.

    ay anung ka love-story pati ang naganap duun sa gerang iyun? fiction na nga laang yung istorya sa tanay pa gagaw-in. nasaan ang baler duun?

    yung pelikulang mulanay, sa mulanay din ginawa. de hamak na mas malayu at napaka-rural nuun peru mga de-kalidad na mga artista yung nagsiganap. umani pa ng mga award. anu ngay-un ang katwiran na kaya sa tanay gagaw-in ang pelikula ay dahil malayu ang baler?

    yun ngang apocalypse na-shooting sa baler nung 1975 na napahirap ng daan, pasilidad at gamit sa komunikasyon. ngay-un pa na halus katan-awan na laang natin ang maynila dahil sa modern communication saka transportation facilities. . .

  11. tan_ag says:

    ay parang nag-aatab laang iyang mga iyan! ang research nila sa mga de taga-aurora o taga baler. may nakausap akung taga-bulacan siya ang kinokonsulta ng viva films tungkul sa mga pangyayari sa baler?!?

    areee. . . ay paanu na baga nuun, ka hila! ay anung malay nung taga bulacan sa labanan sa baler? tapus ang shooting sa tanay. at-tes ka celeb! ay mas malabu pa sa usapang carrasco iyan! maigi pa yung usapang bognoyas at maski paanu may kapirangut na tutuu…

    tapus sa dinami-rami ng mga artistang taga baler na mahuhusay at magaganda’t gwapu de man laang kinuha maski extra! may mga script writer at direktor at cinematographer at kung anu-anu pang may matinding kakayahan sa paggawa ng de-kalidad na pelikula de kinuha maski volunteer na laang.

    ay anung ka love-story pati ang naganap duun sa gerang iyun? fiction na nga laang yung istorya sa tanay pa gagaw-in. nasaan ang baler duun?

    yung pelikulang mulanay, sa mulanay din ginawa. de hamak na mas malayu at napaka-rural nuun peru mga de-kalidad na mga artista yung nagsiganap. umani pa ng mga award. anu ngay-un ang katwiran na kaya sa tanay gagaw-in ang pelikula ay dahil malayu ang baler?

    yun ngang apocalypse na-shooting sa baler nung 1975 na napahirap ng daan, pasilidad at gamit sa komunikasyon. ngay-un pa na halus katan-awan na laang natin ang maynila dahil sa modern communication saka transportation facilities. . .

  12. ka celso!!! says:

    akkkawww, ay proud na proud pa naman ako sa pelikulang iyan at todo pagmamalaki ko d2 sa subic na makikita na nila ang baler a pelikula at pinaghahambug ku nga.ay anu naman na iyun.ay ayaw ni ka celso ng ganyan.ay maanu kung malayu ang baler, ay imbis na ipangalandakan ko ang “BALER” ay ccraan ko pa iyan at sasabihin ko na de 22ong baler iun.Ay ano nga naman alam ng mga taga tanay jan.ay bulastugan laang yaan mga taga sabang!!!

  13. kalahating dehin says:

    Kung gustu rin lamang ninyung maging tunay na “authentic” ang pelikula ay di gawaing parang nuung sinaunang panahun ang Baler. Gibain ang Carmel, ang munisipyu, aurora memorial hospital at baguhin ang parke pati mga bahay sa paligigd ng simbahan. Pinanakamahirap, buhayin na rin natin iyung mga Kastila at Katipunero.

    Pero hindi natin magagawa iyun, de baga? Kaya mag-intay na laang tayu ng resulta. May tiwala naman aku sa mga Pilipinong director at artista. Akaw ay galing ng mga Pilipinong gumawa pati ng “props”-malamang parang makatotohanan ang labas niyan.Tiyak namang isasama ang ibang native scenes sa Baler, malamang kasama ang dagat, ang Sierra Madre pati Dicaloyungan at Sabang.

    Ang love story- isa lang iyan sa palamuti ng sine, gaya ng ibang love story sa mga sikat na movies, “Pearl Harbor”, “Alamo”, ‘Gone with the Wind” at marami pang iba.

  14. tan_ag says:

    yung apocalypse maski sa baler ginawa ay authentic pa rin. karanasan ng mga amerikanu at vietnamese yun at sila-sila ang gumawa. istorya ng amerikanu, script ng amerikanu, director at lahat ng kailangan sa pag-gawa nung pelikula mga amerikanu at vietnamese ang andun. dinagdagan na laang ng mga taga buhangin at sabang at iba pang taga baler pampadami. walang pinoy na may major role dun.

    ay ditu sa pelikulang pinag-uusapan natin, may alam kayung major involvement ng taga-baler? maski nga de na artista, sa istorya man laang o consultant nila. kailan nagbabad sa baler yung gumawa ng istorya? kilala baga natin iyun?

    ang pinag-uusapan natin ay authenticity.

    wala namang nagsasabi na kailangang mag-giba ng mga building. hiduk o uris ang magpapanukala nuun o baka nagtatatsa laang.

    ang pelikulang DAVAO ay dun ginawa. ang PUERTO PRINCESA ay sa palawan mismu ginawa. ang CEBU dun din sa cebu nag-shooting. lalu na ang mga pelikulang boracay. may pelikula ring ZAMBOANGA na dun din mismu ginawa nung 1950′s o 60′s pa yata!

    wala akung nakikitang katanggap-tanggap na katwiran kung bakit ang pelikulang BALER ay sa tanay gagaw-in. . . maski sila pokwang at pekto pa ang gumanap ay maanu laang. maski si tadu at si ai-ai pa! ang mahalaga, sa baler gaw-in at may malaking involvement ang mga taga baler. maski fiction pa iyan dahil nga batay sa mga pangyayaring makasaysayan ay de lalung DAPAT AY SA BALER IYAN GAW-IN. . .

    de ka, ka gudyu?

  15. hari ng kalewan says:

    ang pelikulang “BALER” ay magiging opisyal na panlaban pala sa darating na Manila Filmfest sa December anu? ibig sabihin ay labanan or contest. Aku tuluy ay nag dududa.. ay HALA pake… de kaya involve ditu si Lolit Solis? o di kaya si Garcillano? biru mu pake, location pa lamang ng shooting nung pelikulang “BALER” kung saan gaganapin meron na dayaan, dapat pala malaman na kaagad ni meyor Lim iyan, tamang-tama sya na naman ang meyor ng maynila, tanda mupa Viveka Babajee (tama baga) hehehe.. jokin laang lolit, ikaw naman dena mabiru.. peace din tayu garci.. ang tutuu nyan ginugud taym ku lamang itu ay pake ku na tiga dehins pasu, para lalu nyang kontrahin ung mga comment, at ng lubos ng mag aklas ang mga tiga baler hahaha.. ay talagang kontra din aku sa tanay gagawin ang pelikula, DEHINS.

  16. hari ng kalewan says:

    d kaya nung panahun ng mga kastila baka wala pang dagat sa baler.. ang sabang beach na ating nakikita sa kasalukuyan ay isang LAWA lamang?

    kaya nag panukala ang producer ng pelikulang BALER na sa tanay na lamang gawin ang shooting dahil malapit at nandun din ang lawa ng laguna de bay na halos katulad na katulad ng LAWA ng baler nung panahon ng mga kastila na ngayun ay tinatawag na labasin.

    DEHINS din.. de obra talaga..

  17. hari ng kalewan says:

    iniisip ku rin na kung love story naman sa katauhan ni piryung pawikan (isang tiga baler) ang gaganapan ni Jericho..

    ay lalong DEHINS din.. de rin obra..

    dahil si piryu daw nuung araw, pag binabaril ng mga kastila (fiction na ito) pag sumisid sa tibag ang ultaw na nuun sa dibut.

    sayang Jericho, sayang ang mga tinuru sa iyu ni Olin sa pag sa surf.. tsaka mahirap sumisid sa dagat ng laguna de bay dyan sa tanay, isa pa de na magiging authentic ang pelikula dahil marebok ang tubig sa lawa ng tanay, daming germs de gaya ng lawa ng baler nung panahun nang mga kastila hehehe…

  18. apu ni ka tantul says:

    adyo. ai anu ng sasabihin ng lolo ku niyan? ay wag na nga laang baler am pamagat kung de rin laang ritu iyun ishu-shoot.. diyableg laang iyan. kun ung simbahan ang paguusapan ay de na kailangang mayruung baguhin duun o gibain man laang. ay kahit aku pagnapanuud ku iyan ay sasabihin ku laang na “de ku laang makita ang Baler riyan”.. tsk tsk tsk.. sayang naman.. proud pa naman na sana aku sa pelikula. sablay jud. ay anu laang kung sa Baler padin am publicity niung tinatawag kung de rin naman talaga ritu ginanap. mas makatotohanan kung ritu iyun gagawin kahit pa siya fictional laang..

    gustu ku pating maging extra. ahahahahaha…

  19. umang says:

    ay talagang malaking sablay yung phrase na iyun… “Baler, Now Aurora, in Quezon Province”…

  20. haragan says:

    sablay nga ang dyableg na mga writer!!!

  21. Nini says:

    Areh.. baka deh!!! Adjo ay matinding bulaanan itu! Ay sa makainip laang Oo, tungkul sa BAler de naman sa BAler gagaw-in…

  22. banunay says:

    areh ay makainip anu? ay wag nalang ngang panuurin at puro kabulaanan lang pala.

  23. war says:

    basta si anne maganda!!!

  24. mia says:

    ai samakatuwa mga comment ditu… mga taga baler nga… ai tignan niu nmn ang mga comments ngmga di akaw…
    http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=351809
    ibrowse niu yan at mga kaeklatan about sa movie ang comments… jableg nga… bow….

  25. galing kung san! says:

    hmmm..the location is okay. the actors are okay.. i just want to see something new from this film. not another imitation from old films or another hollywood in a filipino film – binago ang setting pero kapareho pa rin ikot at conflict ng kwento. wag magsayang ng pera sa mga ganitong pryekto na mauuwi lang din sa isang chummy film na walang kwenta. let the history be told in a way na mas innovative, mas makatotohanan, at mas may damdamin. pero feeling ko hindi ganoon ka reliable mga researcher nitong pelikula – pangalan pa lang sablay na! mga tao ngayon wala ng alam sa mapa!! parang hindi nag-elementary. (ang bitter ko, sorry) kung love story man to, sana naman iba ang pagka love story nya. may bagong approach. sayang lang ang effort na gawan ng pelikula ang baler kung sabog sabog lang din tong movie. sana mala-PLONING. hahahahaha. mas orihinal ang paghahatak ng kwento.

    ayos naman na na hindi sa baler gawin. basta ba makuha nila ng tama ang kung ano ba talaga ang baler non. iyon naman ang mahalaga. kaya dapat kalidad ang kwento.

    *
    wag sanang masayang ang effort dito. pag-igihin ang pangunguha ng datos, maging sa artisikong paglalapat ng script at sinematograpiya.

    bow. hindi ako taga baler. pero taga aurora ako. napadpad akong bigla dito. hehehehehehe.

  26. fansclub says:

    go jasmine pasion! tsaka go rambo.
    haha.. yun lang.

  27. galit ako sa mundo says:

    anne curtis at jericho..anu pa nirereklamo niyo? pano naman makakapunta si anne sa baler ay may taping pa ng dyosa..at si jericho dun sa palabas nya..

    magreklamu kayu kung pera ng baler ang ginamit tapos de naman pala sa baler isushoot.. pasalamat nga kayu at may nakaisip gumawa ng sine na baler ang title..ay bakit baga de nyu naisip na magagaling kayu ha?

    wag nyu panoorin kung ayaw nyo..at wag na ring pagusapan. dami tang magagaling ditu ay..wala namang magawa. hmp.

  28. biskwit says:

    leche laang iyan.ai bakit kung saang lugar pa nila gagawain??.de na laang ditu sa mismung baler?! leche naman ng mga taung iyan.niloloko lang nila ung mga manunuud nuung pelikula.ai dapat mag-aklas na taung mga tiga baler.

  29. ewan ko sainyo says:

    bakit ba nagagalit kayong mga taga baler? eh di naman porke baler pamagat, sa baler aurora na. maraming baler na lugar sa mundo noh. hello….!!!

  30. mooncake says:

    akala ko taay sa baler iyun dahil nagtenk u nga si anne curtis sa mga taga baler. akaw asa ku pa naman duun sa ermita hill ngshooting. dahil marami akong nakita piktyurs nila dun sa site. kumbaga naman bakit de pa sa baler ginawa para mas tunay… areh, ay sa makainip la ang….

  31. mooncake says:

    akaw pinagkakalat ko pa naman d2 sa saudi na sa baler iyan shinooting. yun pala ay hinde. sa baler quezon city pala. he he he. ay anu baga talaga ang tutu uh jan baga o sa ibang lugar at ginaya lang pati ung simbahan. ay de nga pala pwede duun dahil mgkadugsung na sa carmel anuh? maraming mgpapaleklek para makapanuod ng shooting… basta sana mapanuod ko kaagad…

  32. clarice says:

    hmNm….sana hindi nalang Baler ang ginawa nilang title!!
    dapat, TANAY nalang!!!, unfair sa side ng Tanay. ung lugar nila ang ginamit tapos sa iba naman ipinangalan!!! Haiyzzzt:)

  33. khian says:

    Attes! oo nga anuh! ang laki ng pagka_sablAy nyan ay mga pdoduction staff ng BAlER. dapat kumuha din sila ng mga actors o actress na galing ng bAler. Katulad ni John Arcilla. o kaya naman kumuha man laang sila ng mga extra sa film ng mga baleriano! Hay naku! Madami naman pwedeng makuhang extra. Sana nagpa-Audition man lang sila, para kaming mga taga MOUNT CARMEL COLLEGE na katabi ng simbahan ng Baler ay maka-join! Marami namang talents na pwedeng makuha mula sa MCC!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>