Baler Fiesta 2008 – Day 3

BubbleShare: Share photosCreate and Share Crafts

Medyo hindi hectic ang schedule ng ikatlong araw na pagdiriwang ng pyesta ng Baler. Ayun sa aking listahan ay naganap ang ikalawang araw ng pyestang-barilan (shootfest) sa Camp Ravina, ang Drum and Lyre Competition sa municipal plaza at ang Auditorium o sayawang bayan sa plaza din. Medyo mahirap gumising kaninang umaga dahil pasado alas dos na ng madaling araw natapos ang Bb. Baler. Pero naabutan ku naman ng bahagya ang parada ng mga banda na lalahok sa Drum ang Lyre Competition. Yung mismong labanan ay sa TV ku na lang napanood (Interlink Cable TV, Channel 11). Ang nanalo sa elementary ay ang R. Zubia Elementary School (yata!) at sa high school ay ang Baler National High School. Napansin ko na walang CAT competition at Street Dancing Competition ngayung taon. Bat kaya?

I-click lamang ang slideshow sa itaas para sa mga larawan ng parada kaninang umaga. Bukas ay siksik na naman ang schedule. May Marathon, Bikathon, Araw ng Magsasaka at awarding ng Solid Waste Management Best Implementor at Arch & Street Decoration Judging. Ito ay sa umaga pa lamang. Sa gabi naman ay magkasabay na gaganapin ang Cultural Presentation sa Museo de Baler at ang SMB Night sa plaza.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

Leave a Reply