Balita sa Sineng "Baler"

May ginanap na grand press conference ang sineng “Baler” kahapon sa Hyatt Hotel. Hindi inimbitahan ang batangbaler. Pinalabas daw ang balita sa TV Patrol kagabi. Narito ang balita na lumabas sa Philippine entertainment Portal:

Jericho Rosales and Anne Curtis team up for the first time in period film “Baler”

Medyo nagkakalinawan na kung ano ang istorya nang sineng ito at kung sino-sino ang mga gaganap. Di lang natin sigurado kung magdidipuntung Baler sila. Malamang hinde. Sa buong balita, ito ang nakatawag sa aking pansin:

According to Viva chairman Vic del Rosario Jr., this historical film has a budget of approximately P70 to P100 million. With many hours spent in doing research and the elaborate costumes and props to be used in the film, Baler is surely one for the history books. Direk Mark Meily even pointed out, “We are rebuilding the whole church, both inside and out, in the vicinity of Baler. We are rebuilding the town of Baler as it was 110 years ago.”

Ako ang naghighlight nung isang sentence. nire-rebuild pala ang bayan ng Baler na mukhang 110 yarsa ago. At sa vicinity ng Baler daw ginagawa. Nanditu po ako sa Baler at wala pa akung nababalitaang nagaganap na rebuilding dito. Kung totong sa Tanay, Rizal ginagawa ang set ay napakalayo yatang vicinity nitu ng Baler. Gumaganda ang istorya.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

11 thoughts on “Balita sa Sineng "Baler"”

  1. de kaya naman sa baler, quezon city iyang ginagaw-an nila ng istorya? kung may nire rebuild na simbahan duun ay baka iyun nga

  2. Oo nga. Medyo paiba-iba. Pero ganyan talaga. Medyo costly kung sa Baler pa itatayo ‘yung replika. Travel expenses pa lang, magastos an talaga.

  3. kung tanay, rizal vicinity ng taytay kung san ako naruun ngaun..connect? wala. ay wag na lang pating magpuntung baler at mahihirapan sila. de magandang pakinggan ang aral na puntung baler.

  4. anin,hina naman nila.oo nga pala cguru d kau jan nagbabasa ng psn newspaper.ung article dun ni lolit solis.nag sorry siya ng sabihin niyang baler,quezon pero tinama nia at sinulat ulit na baler,aurora.sabi pa ni lolit jan daw gagawin sa baler ung shooting kasi 100 million ang fund.irerenovate nga daw ung church.ajo mga kababayan,ai sigi at bibigyan ko kayo ng dagdag impormasyon.
    ***********
    umattend c sen. ed nung presscon tapos lhat cla naka filipiniana,baler dw ang pnkamagastos na entry at cguradong hahakot da ng award.Bigatin ang mga cast na sila anne curtis,jericho rosales,joel torre,bernard palanca.michael de mesa ,carlo aquino,baron geisler,ryan eiginman at phillip salvador.ewan lang dw kung kukuha jan sa baler.basat ipagpray na lang natin.
    ******sa mga nagdududa jan, ai maniwala kayo at nasa media ako.
    cge.sana umunlad pa ang baler ng makilalatau., uy mas maganda ang baler sa subic promise!!.hehehe

  5. ay siguru naman diyan sa 100 milyon budget na iyan ay pupunta naman tiyak sila ditu sa baler, ay akaw ay kung anu naman na iyan sila kung sa tanay laang ang lokasyon, ay tanu sila manalo ng award kung de mismo sa baler kukunan, ay awan

  6. magandang exposure yan sa baler! para naman makilala tau at gumanda ang turismo dyan sa atin! kaya lang, kung matutuloy talaga…ay dapat gawin na nilang makakatotohan…ksi kung di rin lang at gagamit sila ng ibang location…wag na lang magsasayang lang sila ng pera!

  7. Nasa UP Baguio kasi ako kaya ‘di ako masyadong aware sa mga pangyayari d’yan. Ang sabi kasi, late August ang simula nu’ng shoot pero sabi nu’ng kakilala kong nasa Baler, wala pa naman daw itinatayong kung ano. At mukhang nakalimutan mong basahin na kasama du’n sa budget ‘yung pagre-research nila so uh, maaaring nabawasan na ‘yung budget kasi siguradong nakapag-research na sila (kasi may press co na). At hindi ire-renovate ‘yung simbahan kasi magpapatayo ng replika. Nabasa ko din ‘yan… ‘di nga lang sa Philippine Star.

  8. from freehand mario bautista’s article

    “Baler” is the first filmfest entry to hold a presscon in Hyatt Bayview Hotel no less, with the stars wearing Filipino costumes so they’d be in character. Also in the film are Joel Torre, Michael de Mesa, Bernard Palanca, Baron Geisler, Carlo Aquino, and Ryan Eigenmann. The film will be shot on location in Baler, but they will also build a special period set in Tanay.

    sa laki naman ng 100 M ay bakit de ditu lahat sa BALER debaga?

  9. wag daw kau nglalagay ng de mgandang pkinggan kc nakkahiya dun sa ibang nkakabasa..ay buti tau tau laang ang nkakabasa panu ung iba kaya hinay hinay lng mga tsong mga tsang peace tau..

Leave a Reply