San Luis Website

San Luis website

Ipinakikilala – ang bagung-bagung official website ng bayan ng San Luis. Makikita sa www.sanluisaurora.ph. Under development pa ito kaya marami pang kulang na info at kaunti pa lang ang laman, pero obra nang pasyalan. Magkakaroon sana ito ng engrandeng launching kagabi sa Bb. San Luis coronation night kaya lang umulan at napurnada ang projection system na ginagamit. Marami sanang live hits ang website. Para sa mga tiga-San Luis lalu na yung mga nasa malalayong lugar, magandang balita ito dahil magkakaroon na kayo lagi ng update tungkol sa inyong magandang bayan. Ito ang kaunahang official website ng isang bayan sa Aurora. Isang masigabong palakpakan kay Mayor Annabelle Tangson dahil nakakaintindi siya sa kahalagahan ng information technology. Sana ay mahawa ang ibang bayan dito lalu na ang Baler.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

Leave a Reply