Baler Movie Pictures

Mula sa Baler Movie thread ng pinoyexchange forums, ilang mga larawang kuha sa shooting ng sineng Baler. Ang mga larawan ay galing kay journeyman.

Picture by the journeyman

Si Anne Curtis ay gaganap bilang Feliza Reyes, isang tiga Baler na anak ng isang rebolusyonaryo at si Jericho Rosales naman ay gaganap na Celso Resurrecion, isang sundalong Spanish-Filipino na kasama sa mga magtatanggol sa simbahan ng Baler.

Picture by the journeyman

Mga tiga-Baler, nagbabakwet. Si Philip Salvador ay ang gaganap na tatay ni Anne Curtis.

Picture by the journeyman

Si Anne at Echo, nagde-date sa Labasin. Sa totoo, ito ay sa Tanay, Rizal at ang dagat ay ang Laguna de Bay.

Picture by the journeyman

Sila uli, nagbabadeyo papunta ng Castillo, para mag-e kibit sa munting gasang.

Paglilinaw: Ayun sa comment ng isang kasama sa shooting ng pelikulang ito, ang una, ikatlo at ikaapat na larawan ay kinunan sa Calatagan, Batangas at ang larawang kasama si Philip Salvador ay kinunan naman sa Bulacan. Lahat na lugar ay sa Luzon kung saan naroon din ang Baler. Kaya de rin nalalayu, he he.

At sa mga nagtatanong kung may magaganap na syuting sa Baler ang sagot ay oo. Ito ay gaganapin sa November at magtatagal ng dalawang araw. Ihanda na ang mga papel at pentel pen na pampa-autograph.

Pakaskasan Mamayang Gabi – September 27

Wag kaligtaan mamayang gabi ang Pakaskasan Live sa Freedom. Ito ay tugtugan ng mga bandang galing Baler o may mga miyembrong tiga Baler. Ang mga bandang tutugtog ay Pentavia, Akaw First Project, Ina ni Basilio, Blue Island, Mitochondria, Sandlady, Ohm Sapien, Kwak Kwak, Tanukaobra, Inri, Bubblegoo, Mandala, Libris Arcana, Lpstk, Everyday a Struggle at Arkanum.

Maliban sa tugtugan at rakrakan, pagkakataon na rin ito ng mga tiga Aurora sa Maynila na magkita kita at makapag-puntung Baler.

Ang Freedom Bar ay matatagpuan sa 2nd Level, Anonas Commercial Complex, Anonas St. cor. Aurora Blvd. Quezon City.