Lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara

Ang ibig sabihin ng PDAF ay Priority Development Assistance Fund. Mas kilala ito sa tawag na Pork Barrel. Ang mga congressman ay may 35 milyong pisong PDAF taun-taon. May bagong website ang House of Representatives kung saan makikita ang lista kung saan napunta ang pork barrels ng mga congressman.

I-click ito para tingnan ang lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara. Piliin lang ang pangalan niya tapos ay pindutin ang GO.

Bilang summary, ito ang lista mula sa website:
Education: 8,530,000.00
Financial Assistance: 9,700,000.00
Health: 3,150,000.00
Public Works: 13,620,000.00
Total: 35,000,000

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

7 thoughts on “Lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara”

  1. Public Works: 13,620.00—>baka 13,620,000.00 kaya? wala ako masabi. de tukoy ang detalye kung saan napunta ay. baka naman may alam kayu?

    para de OT tutal may health diyan ay. paanu kaya ma-itataas ang antas ng kalagayan ng Aurora Provincial Hospital?

  2. anung public works?? farm-to-market road o road-to-my-farm na naman cgurado yan. Nueve milyones para sa financial assistance …… KANINU? divide….divide population of aurora(150 thousand) equals 60 pesos kada tolay. maski singkung duling wala yatang nakarating sa akin. hay….. para sa dalawang kilong bigas din sana iyun! kaya hindi na aku naniniwala sa mga politico. Politicians are elected by the people so that they can serve themselves?

  3. Ay mahirap ng magsalita talaga,baka mag-asal JOSON ng Nueva Ecija na itu sila,wag sana naman at pag iyun ginawa nila,that’s the begining of the end of Angara dynasty.

Leave a Reply