485

485 – Iyan ang bilang ng liku sa Baler-Bongabong road simula sa Kalanan hanggang Ditumabo. Iyan ay binilang ni Isaac Israel G. Sindac nuung 2001. Labing dalawang taong gulang siya noon. Baka gusto ninyong i-double check, kung kaya ninyu.

Nabasa ko ito sa isang lumang article sa inquirer. Isa ito sa mga kaunti pa lamang na Google search result sa “Baler Aurora” noong 2001. Ibinalik ng Google ang kanilang 2001 search index bilang pagdiriwang ng ika-10 taong anibersayo nito.

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

10 thoughts on “485”

  1. i double checked ang liku para maka siguru? ates men, ay iyun ngang sumakay lamang sa bus rog-rog na aku pag sa baler nag umpisa ang biyahe kahit anung galing ku sa math de kuna kaya gaw-in iyun hehehe..

  2. kulang yun. ipinabilang ko yan dati sa planning staff ng dpwh head office. katuwaan lang nung unang beses na pumunta silang baler (kasama aku, siyempre). may gamit silang counting machine. mahigit 950 o halos isang libu ang nabilang nila. dalawa silang nagbilang kaya laang iyung isa naliyu na bagu siya maka-500.

  3. iyang bilang na iyan ay malaking kasinungalingan… nuung akuy umuwi nuung dalawang libu’t anim habang akuy namumuryut sa byahe…akuy nagbilang ng mga paliku pauwi… uminum muna aku ng tubig kanal ng para di aku mahilu sa byahe at ng cguradung di aku mgkamali sa pagbibilang….naman!!! sa aking pagninilay nilay sa pgbibilang ay aking natuklasan na ang bilang pala ng paliku ay 574 pirasu… inaprubahan na po iyan ng PAMET at ng DOH….
    HASTA LA VICTORIA CIEMPRE……

  4. o hala ay sigi patulan ninyu ung kaligayahan nung labing dalwang taong gulang na bata. ay sa iun nga yung bilang niya. sa dami na ng land slides at pagaayus ng daan adi malamang nadagdagan na ngayun o kaya nabawasan. o hala nga.

Leave a Reply