Batang Baler Tumugtog sa Araneta Coliseum

Medyo huli na ito pero ihabul natin. Ang ating kababayang si Jonathan Urbano at ang kanyang bandang Mirahel (ang banda sa likod ng awiting Dampi sa PCSO commercial) at tumugtog bilang front act ng Spandau Ballet noong August 9 sa Araneta Coliseum. Dapat natin itong salubungin ng masigabong palakpakan dahil simula ng itayo ang Araneta Coliseum ay baka si Jonathan pa lamang ang tiga Baler na nakapag-perform dito. Kung may iba pa ay pakisabi lamang nang mapalakpakan din natin.

Maliban sa pagiging miyembro ng Mirahel (may album sila na mabibili sa inyong suking records store), si Jonathan, na tiga Suklayin, ay kasali rin sa banda ni Aiza Seguerra. Kasama niya ang magkakambal na sila Mike Villegas at Angelo Villegas, dalawang haligi ng musikang Pinoy. Si Aiza nga pala ay may bagong album na pinamagatang Open Arms. Ang album na ito ay kasalukuyang No. 1 sa Singapore.

Ito ang youtube video ng performance ng Mirahel sa Araneta Coliseum. Si Jonathan ay yung tumutugtog ng violin. Ang awit ay “Miss, Anong Pangalan Mo?”:

Ito pa, In Memory of Elizabeth Reed (part 1)

In Memory of Elizabeth Reed (Part 2)

At siyempre, ang walang kamatayang “Dampi”

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

One thought on “Batang Baler Tumugtog sa Araneta Coliseum”

Leave a Reply