Baler Words of the Week #3

Martes na naman, at sumapit na naman tayu sa ating leksyon sa mga salitang Baler. Tayu ngay-un ay nasa ikatlung bahagi na ng ating pag-aaral. May kaunting pagbabagu tayung gagaw-in. Una ay magkakaruun tayu ng tema sa bawat linggu, at ikalawa ay dadagdagan ku ng kaunting leksyon kung paanu magsalita ng puntung Baler.

Sa mga salita muna tayu. Ang tema natin ngay-un ay ulan.

Tagiti – itu ay mahinang ulan. Drizzle kumbaga sa Ingglis. Sa pangungusap: Ikung, ay sumilung ka na at tumatagiti na, baka ka sipunin.

Puropur – itu naman ang ulan na may hangin. Maampiyas kumbaga. Gusty wind sa Inggles. Medyo malakas na itu sa tagiti. Sa pangungusap: Kadyo, ay isara mu nga iyang bintana at pumupuropur, baka mabasa ang luub ng bahay.

Dagasa – idagdag natin itu. Salamat sa nag-comment. Itu naman ang ulan sa pagitan ng tagiti at dayidi. Kumbaga ay matending ulan din peru de pa nakakalupek ng yero kagaya ng dayidi. Example: Ay parang de tuluy ang parada at dagasa ang ulan.

Dayidi – itu ang malakas na ulan. Heavy rain sa Ingglis. Sandali lang ng ulang ganitu ay apaw na ang Kinalapan. Sa pangungusap: Akaw ng dumayidi ka nga kanina, de tuluy kami nakatawid sa dibalo.

Sa atin namang leksyon kung paanu magsalita ng puntung Baler:

Galit ang mga taga Baler sa letrang O saka E. Kaya kung mapapansin ninyu sa pagbabasa ninyu ditu ay parang pinaltan ku ng U ang lahat ng O. Ang ninyo ay naging ninyu at ang ako ay nagiging aku. Ang E ay pinapalitan din ng I. Ang hinde ay nagiging hindi o ang kase ay nagiging kasi. Pero de talaga nagamit ng kasi ang mga taga-Baler. Ang kaparehu ng kasi ay ta-ay! Ikaw kase sa dipuntu, Ikaw ta-ay sa puntung Baler. Bihira ding gumamit ng hindi ang taga Baler. May mas madali tayung ginagamit na salita, ang pinaikling De! Tandaan din na pagpapalit ng O sa U at nang E sa I ay kadalasang ginagawa lamang sa huling pantig o syllable. Halimbawa ang kaldero ay magiging kalderu. Mapapansing ang E sa ikalawang pantig ay hindi ginawang I. Ang binagu lang ay yung O na nagin U. At hindi kagaya ng mga Bisaya na pinagpapalit nila ang mga bowels (de ku alam ang tagalog) halimbawa ang O ay nagiging U at ang U ay nagiging O, at ang E ay nagiging I at ang I ay nagiging E, sa puntung Baler ang O lamang ang nagiging U pero hindi ginagawang O ang U. Ang U ay U pa rin. At ang I ay I pa rin. E lamang ang nagiging I.

Pagsanayan ninyu iyan mga dipuntung high school sa Carmel at Science High at ilang hakbang na lamang kayu para muling maging antigung taga-Baler. Wag kayung mahiyang mag puntung Baler. Kultura natin itu na dapat ikarangal at pagyamanin.

[ad#Google Adsense-1]

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

18 thoughts on “Baler Words of the Week #3”

  1. Hala! Ay talagang ayus na ayus itu igan. Pag ganito ay di maipapasa natin yung mga nakakaligtaan nating bahagi ng kulturang Baler sa mga palahi natin maski na baga ipinanganak sila sa kung saan. Ay Pareng Kidlat pakidagdag mo nga itu mula sa tagahanga mong Kulug. Nasubsub yung dalaga ko nang magexercise nung isang umaga. Nagkapasa. Naalala ku tuluy ang salita nating “nasugaba”. Nung kumakain kami kinakagat ni Otoy yung pata ng babuy ay di naisip ku na “pinang-it” niya yung buto-buto. Ay ikaw na ang magpaliwanag niyan. Sige bok. Mabuhay ka!

  2. NAPAKAGANDA NG SECTION NA ITO.TALAGANG SAPUL NA SAPUL ANG MGA SALITA.MISS NA MISS KO NA ANG SALITAANG BALER.SYANG SIYA NG PUNTO NI PARENG MAR BULLOSO KO SA BARANGAY BUHANGIN

  3. ANG MGA MASARAP KAKWENTUHAN PARA LUMABAS ANG PUNTO AY ANG MGA SUMUSUNOD:
    KA JESSIE GONZALES-TAGA NIA
    KA SELEB
    KA FEDDIE RITUAL
    NOMBING ALCANTARA
    SONNY BOY SA TRANS
    TAPOS KAKAIN KA NG GINATAANG TULINGAN SA GABI NA MAY MARAMING PAKO (WHAT A LIFE) TAPOS MAGPETEK-PETEK KAHARAP SI KA ARTHUR (BUHAY PA KAYA) SA ALMUSAL NAMAN AY GINANGANG TULAKLAK PERO SA MADALAING ARAW AY KAKAIN NG GOTO KAY MOTHER SA HARAP NG HOSPITAL AT PAG-PALUWAS KA NA AY MAGMEMERYENDA KA NG SINUMAN SA GENESIS .BUO NA ANG PASYAL MO SA BALER.
    SALUDO AKO SA LAHAT NG TAGA-BALER.(YOU ARE NUMBER ONE)

  4. Sungaba- kapag tumama ang baba sa mga solidung bagay. hal: tumama ang baba sa lamesa, bangku, babahan, sa sahig pag napadapa; peru kung sa gilid o matalas na bahagi ng lamesa o bangku o babahan tumama ang baba at nasugatan, ang tawag na ditu ay “napatangkab”.

    Ngudngud- kapag bahagi ng mukha o ngusu ang sumayad. hal: napa-ngudngud sa karsada at hirikit sa kalasingan. dahil magaras ang karsada, pwede kng maguregisan pag napa-ngudngud.

    Guregis- mababaw na gasgas sa kahit anung parte ng kataw-an sanhi ng pagka-gisgis sa magaras na bagay. ak-kaw, ang matindi, pag “napa-godgod” ka. kailangan mu ng mag-ngata ng talbus ng bayabas abay, ang antak anu…

  5. MAIDAG-DAG KU LAANG ANU, TUNGKUL DUUN SA PAGPAPALIT NATIN SA “O” AT “U” SAKA “E” AT “I” SA HULING PANTIG NG ATING PAGSASALITA. ANG MAKATUWA SA ATING MGA TAGA BALER, AGAD NATIN ITUNG NAISUSULAT NG TAMA O AYUN SA KALAKARANG WIKANG FILIPINO LALU NA SA MGA PORMAL NA SULATIN. DE MASYADUNG APEKTADU NG ATING PUNTU ANG ATING PAG SULAT.

    HAL: PAG BINATI KATA NG “MALIGAYANG PASKU”, PAG ISINULAT KU ITU, “MALIGAYANG PASKO” PA DIN.

    DE KAGAYA SA IBANG LUGAR, KUNG ANUNG BIGKAS SIYANG BAYBAY.

    HAL: DE TAYU MAGSUSULAT SA PADER NG “BAWAL UMEHI” O KAYA NAMAN AY “BAWAL MAGTAPON NG BASORA, MOLTA 500”. PAG MAY NAKITA KANG NAKASULAT NA GANYAN SA BALER, PUSTAHAN KATA O, DE TAGA-BALER ANG KUMANA…

  6. akaw ay maraming salamat kid. minsan ta ay may kinakausap akung Filipino ditu ay napapapuntu aku tapus kukulitin aku kung paanu raw ang mga rules sa puntung baler. ay basta’t puntung baler lang aku minsan peru mahirap ipaliwanag, de naman aku linguist ay.

    gaya baga ‘pag kausap ku si mrs. na de taga baler. tapus tatawag si kuya galing sa east coast o di kaya yung mga nasa west, ay di otomatic baga, iba na ang puntu ku. sabi nga niya ay para daw akung ibang tau na, parang biglang nag-morph baga.

    una niyang napansin iyun sa hospital sa maynila, may sakit yung sister ku. adi dinalaw namin. puntung sepet kaming lahat sa cuarto. bigla baga namang dumating si tatay, akaw ay bigla raw kaming para nang ibang tau. tagalug nga peru iba. taka nga siya ay paanu raw iyun, otomatic na nagbabagu pag tag baler ang kausap.

  7. akaw ai dapat laang nmn matutunan nung mga bata n pa dipuntu ang puntung baler pra ma recognize cla n taga pag npdayu sa ibang lugar!!! wag sana mhiya gumamit ng puntung baler ung mga pupunta sa ibang lugar!!

  8. may napulut aku ditu sa isang columnist. Ang hawaii day ay pwedeng ispelingin ng karaniwang alam natin-HAWAII o HAWAI’I. ang tunay daw na ispeling ng mga hawai’iano ay HAWAI’I dahil kung bigkasin daw ito ay HAWAY’I na siyang tama sa mga ninuno nila at mga polynesians at ibang mga karatig lugar sa pacific. karaniwan daw ito sa LANGUAGE ng mga nasabing tao.

    naisip ko laang, siguro ang mga taga baler ay may bahid ng dugo ng mga polysnesians. halimbawa ang buwan ay BU’AN, ang bang-aw ay BANG’AW, ang akkaw ay AK’KAW at ang Kak-ka ay KAK’KA ang sud-dul ay SUD’DUL at marami pang ibang pinuputul natin ang huling pantig. de kaya?

  9. ay talagang dapat laang nating ipagmalaki ang ating salita at puntu….ang baler ay lugar na mayroong pinakamayaman sa salita…ang pangalan ng isda pag maliit pa lamang iba ang tawag..isang halimbawa na lamang yung LAGYU pag maliit, pero pag lumaki ,PATING na ang tawag..yung BATIG pag maliit,pag lumaki PANGALUAN na ang tawag..yung anak dalag pag lumaki-lakilaki NAGIGING PEYAK..SAKA PALANG NAGIGIING DALAG PAG MALAKI NA TALAGA..

  10. De lang po sa baler may ganiyang puntu. sa Quezon, Mindoro at iba Tagalog na probinsya at may kahawig din na puntu sa atin. Sa ganang akin ay parang sa isang puntu laang natin na-ikumpara ang puntu ng Baler, at iyun ay sa puntung Maynila.

    Proud to be taga-baler. =)

  11. Ay basta! Ang mahalaga ditu ay ang kakayahan ng ating salita na tumayung kaagapay ng ibang salita at wika. Kung mabilis tayong makaakma sa isang usapan na may ibang kausap bukod sa mga Ak-kaw at gayundin sa mga palitan ng kuru-kuru na tayu laang ang nag-uusap lasing man o hindi, ito ay patunay laang ng kakayahan ng mga taga Baler na maka-adopt sa anumang lugar, sa anumang sitwasyon maging sa mga krisis. Kaya nga pag taga-atin tibay bok. Parang kamagong. Kaya nating lahat maski na hirap. Subok tayong mga Ak-kaw. Mabuhay.

  12. Magands laang itung balikan ay biru mung halus 2 taun na pala itung post, pwede pang mag-reply uli at balik-balikan. Maganda itung blog mu Kid. Thanks.

Leave a Reply