Ate Donna's Tribute to Baler – Part 3

This is the longest by far in Ate Donna’s trilogy of Encyclopedia Baleriana:

A TRIBYUT TO BALERYANOS
Akaw ay PART 3 na itu mga abay yehey
-apo ni ka ode-

Hindi kailanman kayang bayaran ang mga ngiti o tawa na nagmumula sa puso
Hindi kayang arukin ang yaman ng mga salita na tunay na hindi malilimutan…kakaiba…unique…amazing…kahanga-hanga..may sariling buhay…kumbaga sa pelikula…tumatabu sa takilya…kumbaga sa kanta…platinum hit..kumbaga sa alahas mataas ang uri…kumbaga sa pag-ibig..MTB(meant to be) adoy… at kumbaga sa concert…may REPEAT lan naman….o ay saan pa kayu?….at maski na saan ka pa makarating….babalik at babalik ka pa rin sa BALER.. de pedeng de..

hindi nauubusan ng energy…daig pa baga ang enervon saka pharmaton saka redbull?
hindi nawawala sa tyempo…swak na swak pa
laging nasa usu…de nahuhuli…de napapunta sa row 4 hehe
magaganda…mapopogi….mababait..marurunung
magagaling at maipagmamalaki…naks…ay baka deee haaa!!

de natatapus ang tribya…ituluy natin…tana da…

tumabsung sa puduk
magpendok sa ilug ng bayan
mag kes-sel ng but-ung pakwan at kalabasa
maglogkog ng niyug
mag e bulal-la…ay bakit naman rambutan na tawag ninyu…ay bulal-la iyan
magpungkit ng kidya(pag kalamansi tawag ninyu de kayu taga ritu hehe)
mag-ipon ng patoboan
magkayas ng palapa gawing walis ting-ting
mag e tistis na gagawing sinelas
mag-e bangyasan
mangalap ng kahoy pamalit sa ina-anay na haligi
magtanim ng bakawan
mag ulam ng ipun
mag antipara ng hipon
makinig sa huni ng tuwaw sa madaling araw
mag-ingat ang mga may anak na maliit at baka masingitan ng unga
magmura sa kek-kek… ay aswang daw iyun diumanu
magpilas ng maliit na papel at itapal sa nuu ng sinisin-uk na bata
ipasu-ut ang porselas na itim at pula sa bata pangkontra sa amas

magtanghalian sa banak house
mag isnak sa MOJ
mag XTJ
bumili ng pangregalu sa Lala…sa may parke o de kaya sa may carmel
bumili ng ulam sa rolling store…ng papaitan kala Ka Luis Poblete
mag order ng leche plan…rebosadu saka tikoy kay Ate Guy
ng tocino kay Ate Nory…ng halaya kay ate angge
ng donut ni Mang Zapanta
ng chiffon cake na may pineapple sa ibabaw kay Ka Cely na may tindahan sa may ospital
at ng creamy spaghetti ni Ka Willy sa sayans

ng walis ting-ting kay Maria na kapatid ni Andy na anak ni Anang Basa
bumili ng baguung ni Ka Nimeng sa Sabang..pampataba ng baboy
susutin si balagbag…lasing at boknoy
loko-lokohin si pitimini

makinig sa tunug akaw ni Eric F.
sa JO pinoy itu ni dobol Mike
mag request ng bryan adams songs kay DJ suzette
magitla sa balita ni jason de asis
at abangan ang komentaryo ni Ka Rodger

maglaru sa parke
magbadminton sa ascot
magpa hire ng bisikleta…karamihan sa mga bata maalam mag bike
manood ng district at provincial meet…palagi na laang maulan
pagkatapus na pagkatapus ng meet…bigla ng sasangit dyableg
magbaratilyu ng sangkaterbang naptalina
magpahingutu kay Ka Kikay kaysa maghiniksik maghapun

mag-sig-ang ng kitang o midyad at lahukan ng kabatiti
mag-abang ng tangi-gi, alguron,espada, usot..o edoy sa palengke
mamakyaw ng dorado para gawing fish fillet
maglumpiang ubud
maggata ng kalabasa na may lahuk na inihaw na salmuneti
magpitpit ng apayongan
magpalatok ng saging na talipan
magpakbit ng madaming hagud at ilutu sa palayok
mag-adobong kangkung o adobong sitaw pamparayoma
magpiritu ng talung
magpaksiw ng bangus
mag-ganga ng bunud
maggawa ng nasa long neck na suka na may sili na madaming paminta saka bawang
mag-ulam ng ubud (talbus ng uway) templahan ng baguung na ck saka sibuyas at kamatis
magginapgap…damihan ng talbus ng maragoso saka taba ng babuy
mag-asay ng piri-piri
alam na alam mu pa rin ang mga pangalan ng mga tinapay
putuk,binulaklak, pandilitu, pianono, abaw,pandi-coco,hopya, bakya, banana,tayinga,
monay, mamon,bibingka,pandilimon,dama-dama, kalihim saka hebok-hebok

mag arbor ng jacket saka sombrero sa division meet
mag-alkansiya ng kawayan bung-bung o de kaya pinagbasiyuhan ng
johnson na polbo o de kaya budda at pag malapit ng mapunu…
ay may magkakasakit na….tsk…tsk
mag-uwi ng pasalubung galing sa tapusan…tinapay, pansit, suman…putu at kutsinta
magpulut ng bunga ng talisay sa central
paramihan ng nabunut na balugdangan at ipakita kay Mr. Terry Lopez

makipagbabag sa panunuud ng championship sa laban ng….
bullets vs. parkenians…akaw kaninu ka kampi? sinu ang kras ninyu nuun?
dumayu sa paglalala sa pulu…makaka 10 sumbrero ka hanggang umaga
mag-alaga ng baboy..pag malaki na at ipagbibili na lahat na kayu sa
bahay nag-iiyakan…awang awa na kayu o ay talang magkakapera kayu
maging abay sa kasal….abay na laang ng abay yang batang iyan anu?
maghingi ng bukinggan saka amarillo o pakupak at gawing rama sa Mayo
mapasali sa flores de mayu…”payag ka laang nini maski de ikaw ang kareyna-reynahan?”

mag-iyakan sa kakapakinig ng dula sa radyo…nakapasakit kuya eddie!!saka itu ang palad ku
matakut ng hustu sa gab-i ng lagim…maski de mu nakikita nginig ka sa takut
makinig ng basketball sa radyo na pupugak-pugak na inaagaw pa ng intsik
magpaumaga sa kakapanuud ng stage show pag piyesta
magkanta ng mga hits ni eddie peregrina…lahat na kanta sa amateur iyon ang mga kanta
memoryahin ang mga kanta ni yoyoy villame…saka ni fred panopio (in every afternoon 3 o’clock..
i read your letter ahayy sa may bintana ahayy sabay ang luha)

maglista ng mga kras simula nun elementary…tanda pa ninyu?
umistambay sa dadaanan ng mga teacher para maamuy ang kanilang mga pabangu
maging ninong/ninang sa sankaterbang inaanak…sa puntian…munting gasang..tirung..digisit
o ay sa anu nga magawa mu ay gustu ka nilang kunin de ka naman nagpresenta….kaya…
pinagtataguan mu na sila pag pasku..
bumili ng papel de hapon, balutan ng yema, kartolina, art paper kala Inang Atta
bumili ng mga notebook na golden gate na kulay brown yung medyo maiitim ang pages
kala Inang Juling Lumasac…nagtitinda din siya ng siopo na may libring sauce
tuwang-tuwa ka na pag binigyan ka ng dalawang piso ng nanay mu sa bethday mu
at masayang-masaya ka pag kinantahan ka ng happy birthday “na usol” ng mga
kaklase mu hiyang-hiya ka pa sa pagsasabi ng…..thank you mam…thank you classmates!!

mag-ab-ab ng apatut…bandang huli de raw pala itu nakakaigi
magsangag ng kapeng bigas…pagkainum mu masakit na likud mu
mag order na lan daw ng Noni Juice kay Mam Guerrero
magtelegrama sa RCPI…isang linggong delay…nanditu na sa Baler yun tinelegramahan
de pa nadating yung telegrama niya dyaski
magpadeliver ng social telegram pag valentine at pasku
magpadamay ng pera…ulam…upuan.. damit.. sa mga luluwas…akaw ay mas marami ka pang padala kaysa dun sa pinagpapadamayan mu hehe
mag-karoling pag gab-i ng bagong taon at mag-uwi ng napakadaming..pinilag, patupat at tinapay na may ling-ga

manirador..magsulpak at balahan ng lase-lase, potat o madre kakaw
mag e pulew-pulew…asos ambilis ng ikot parang elesi
magsumpit at balahan ng but-u ng tagbak
magpatarayog ng sarapesap o boka-boka sa tubigan
maggawa ng trak-trakan na gawa sa poyung
maglaro ng jackstone…pick-up stick, domino, chinese checker…medyu maigi-igi kayu
o mag plastic balloon o de kaya bazooka
pagngatain ng bubblegum na tarzan ng iyung lola para ipandikit sa butas na palanggana
saka arinola
idang-dang sa gasera ang ballpen na BIC..bic orang-ge para sumulat pa raw
maski wala na tinta
mag-amit sa pagsakay sa ferris wheel sa peryahan at manginig sa takut dahil
ayaw ka na ibaba nung dyasking operator

magkulay ng lips na kendi sa mga bibig
maglagay ng but-u ng lukban sa may gilid ng mata para magmukhang mutain
bumili ng maskara ni zuma
makipagtaguan sa may monrio
makipagsiklut
makipagpitik bulag kay Pepsi
makipagbobulan kay Deo
mapabalinuknuk sa sobrang likut
mapaiput sa iskul sa sobrang daming kinaing mani
mabu-ris sa kakakain ng nangka…lukban at pinya..nagbabag na sila sa tyan
antakan ng sakit ng ngipin sa kakakain ng tira-tira saka bilug na ubi at sampaluk na bomba

makipanuud ng TV kala Ka Tering Rivera ng six million dollar man at saka flordeluna…
ay ariyo pag bigla ng pumula ang ilaw ng TV ibig sabihin wala ng kargang bateri at
kailangan ng ipakarga kala Puyat.
makisilip sa colored TV nila Ka Gita sa may long distance
sumali sa parisibi na 21 inches na black and white TV ni Ka Linda Avellano
maki atteg sa view master ng kaklase mu na pasalubung sa kanya ng tito nyang nasa abroad
maki-usyoso sa mga tindang ipit ni Mrs. Guerrero
maghatid agad ng bilao ni Ka Nesing sa canteen
magtinda ng pastilyas,mani saka yema
unanin ang libru sa pagtulug para madaling maisaulu ang niririview
ibilad ang baterya ng radyo lalu na kung mahina na itu para makapakinig pa rin ng zimatar
saka tagani..kaya kami laging nahuhuli sa pagpasuk sa hapun maski pa aku makurut ni Miss Julio
ay ayus laang

mangolekta ng cassette tapes…nagtitipid sa iskul.. de nabili ng pantalon…dilis lang ulam…pero nuknukan ng dami ng tapes…hehe
manghiram ng gown…ng barung…ng sombrero kaysa sa bumili pa anu
magpaturu ng sayaw kay Mrs. Belita Sinsay at Mr. Vener Ritual
magpaturung mag english kay Mrs. Diding B. Sindac
kuhaning Ninang at Ninong sa kasal si Mr. & Mrs. Angel & Raquel Palacios..pinapahiram
pa nila ang kanilang kotse para maging bridal car..may sabit pa saka regalu..
magpa bible service kay Kuya Danny Gonzales…kala ku nga ay pari siya nun una
magpa mass commentator kay Ate Iding Sotero
magpahatid ng komunyon kay Ka Teddy Dejoras

mag-order ng galyanera o cleopatra kay Ka Ledwin
o de kaya ng headboard kay Ate Liliosa
o kaya yung puru ukit na pintu kay Kapitan Ed Bihasa
magpagawa ng pinggan na yari sa tikiw kay Ka Emma at Ka Simon
magpagawa ng lapida sa buhangin
mangolekta ng koronang tinik at san francisco
mag cross-stitch maghapun magdamag para madaling matapus…pati mga lalaki maalam din
magpa frame kay mang carding
magpa-gapas kay Mang Basing
mag-utang ng tatiana na pabango o sabun na imported na dove kay Cha Nini Buenconsejo
o de kaya ng alahas kay Ka Nita Ruzol
mag-order ng mga panghaplas…epicasent oil o asete de mansanilla kay Mrs. Bautista
magpaanak kay Mrs. Rubio…kay Inang Senta o kay Ka Anding Mostoles

magtahip ng bigas ng may tunug(pag wala ka tunug de ka maalam) para
maalis ang at-ta saka binlid
sa pagkakayud ng niyug na panggata dapat may tunug din
magtuhug ng ilang-ilang at mag-aspili ng espimosa na may bulaklak na rose
o de kaya rosal (corsage) para sa iyung kababata na gagraduate
mag e sanga ng kape at balutan ng sangkaterbang bulak…aysos may krismas tree ka na
mag-ipon ng pinagbalatan ng kendi at lagyan ng batu….panggsabit sa krismas tree
magsindi ng king-ki saka ibat-ibang kulay ng gasera
medyu maigi kayu pag may de gasa
magtempla ng kape sa kop na may paknit
magdinoydoy…abokadu na dinukduk sa basu
magpala-oya ng baka kay Ka Dop-po o de kaya magpalutu ng lagyu
magpalutu ng pugita at bistik kay Ti-u

magkulador..wiwisikan ng tubig at bibilutin ang damit bagu plantsahin
bawal maghindas pagkatapus mamalantsa (kung ayaw mu madimonyu)
magpalpuk para maalis ang namuk…(lamok para sa mga depuntu na de naluwas)
maglagay ng langis sa pinggan na losa o plastik at ihaplit-haplit sa hangin para
makahuli ng madaming namuk
umistambay sa koprahan para kunyari tutulung sa pagtatapas…peru wag ka…de po kari
maghihingi laang pala ng tubu
maghihiyaw sa loob ng tapayan..akaw na echo ang boses mu
magbilad ng kalib-kib para gawing padikitan
tumapak sa mainit na buhangin tuwing umaga sa labasin pampaigi ng rayoma
magkarburu ng lakatan, tordan,ipit-ipit,senyorita,bungulan at saba sa garung
mag e-mura sa kalewan
mag garden sa likud ng bahay
de kompleto ang halaman sa bahay kung wala kang palmera o de kaya pasgak o dapu
de kompleto ang pasku mu pag wala kang mansanas na papasku ng mga amerikanong pari…
pagkatapos na pagkatapos ng misa sa mismong araw ng pasko ay pipila ang mga bata dahil
may papasko na toothbrush, mansanas at kendi
de kompleto ang pagkabata mu pag de mu natutuhan ang pagtula ng “all things bright and beautiful and saka “a tree by joyce kilmer”…o nakalimutan na?

kalugin ang niyug ng maalman kung luuy na
magpagas ng nilagang bayabas sa garut na de na naigi
magpurga ng tangulu
magtanim ng kolantro gamut sa kupu
mag e petal ng rose at itapal sa de na naiging ngewet (singaw)
o di kaya abangan ang bula ng sinaing at ipahid sa ngewet
uminum ng roya true orense saka kumain ng nilagang itlug para lumabas ang kupu…asos pa tigdas yung iba
maglaga ng dahun ng mangga o talbus ng maragoso gamut sa paus o ok-ok lugka ang plema
mag e lit-lit ila-ib at itapal sa nasakit na likud
mag-ipon ng mga sinaunang bariya at ipagawang sing-sing saka kwintas
magsimpan ng pera sa ilalim ng kumut sa kaban
magpagamut ng balkas kay Ka Soling
ng la-su kay Ka Magda at Ka Rolan Palispis

magpabasbas ng bagung biling Poppo, suub, almasiga sa gabi ng sabadu de glorya
mag novena kay San Roque para sa mga sakit…kay Poong Bato sa mga kalamidad
mag-alay ng itlug sa simbahan para humiling na humintu na ang dayiding ulan
o de kaya kung may napakaimportanteng okasyon..maghagkis ng malibag na
damit ng may paadhika sa bubung ng bahay para de raw umulan..subukan ninyu hala

mag-utang ng iyero kay Ka Poleng Cordial
ng samentu sa F Lega Enterprises
ng lawanit sa Banahaw
ng pintura sa Trans Aurora
ng tamsi o kawil sa JARPEL

makipagtawaran sa mga negosyanteng insik..
Ka Engga…tito nila Isa Tan
Mang Telon…tatay ni Gov. Luis S. Etcubañez
Teyam-in..asawa ni Ka Milya
Mang Orhe…asawa ni Ka Pining…bi-anan ni Dra Ma. Pura

sumaka sa bukid at sumakay sa kareta…pag biglang humintu ang kalabaw…ay tiyak makatai!!
manginig sa takut sa mga limatik
mag-ulam ng inadwasang gabi at inihaw na pakoy
magmeryenda ng binanging mais at kamuti
bumili sa panideriya ni Kinsing at Ka Jose
magpakabusug sa pansit ni Kodyang

umakyat sa bubung ng bahay at ipihit ang antena para makuha ang chan 7
para makapanuud ng knight rider
magtakaw ng sapak talaga saka lucy na kornik
mas masarap kumain sa saha sa kasalan kaysa sa pinggan
maghaplit-haplit ng dahun ng saging sa sahig para lalung kumintab

pag sinabing matalab….de iyun natimu o natalab
pag sinabing nag-ngi-ngisi si bambino…nag-iiyak iyun hinde patawa-tawa
pag tinanung kung sinu ang kataratu mu? ay sinu raw ang kausap mu
pag sinabihan ka ng hiduk o uris….utu ka o de kaya sira ulu ka
pag daretdet ka saka nililimbun-limbun ibig sabihin antuk-na antuk ka nuun
pag muyas-muyas para lan din iyun kaput-kaput saka kampat-kampat

mga de mu makalimutan nun bata ka:

ng muntik ka na makalumud ng holen
ng mabuli-buli ka
ng nakainum ka ng gaas
ng mapilayan at humanga ka kaya ka umigi ay dahil sa dahun ng saging
na de na napihit maski ubud ng daming langis na inilagay
saka papainumin ka laang ng seven-up na may hum-hum ay iigi ka na
magpapatawas ka laang at pagkasuub mu para ka ng nagdahilan ay samantalang
de ka na makagulapay

pag ang mga taga Baler ang nanunuud ng palabas na tahimik sila
saka de napalakpak ibig sabihin….hangang-hanga sila sa panuurin….peru pag maingay
saka nagwawawarang sa ingay….asos de ka nila type….umuwi ka na…atti-lauy..ansama
naman pala nyan….nag-aksaya lan tayu….pero ngay-un medyu iba na rin ang sep-ra
napalakpak na sila saka pinapakita na nila kung gaanu sila magpahalaga sa mga kakayahan
o talent ng mga tao sa paligid nila..

pede laang pong magdagdag mga abay…kasamahin…tsokaran…mga baet!!

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

29 thoughts on “Ate Donna's Tribute to Baler – Part 3”

  1. anong sense nyan wla pano makakarelate ang isang turista ng mga ganyan chop-chop n istoya napaka wlang kuwenta nyan

  2. akaw ai tama k jan kuya joseph!!! deh k cguru taga d2 kya gan-un comment mo!! deh mo bga nabsa ang nkalagay ha????? TRIBYUT PARA SA TAGA BALER hinde pra sa turista…tsk tsk!! halika at buntalan kata sa parke!!hahaha

  3. all4bad…i respect your opinion everyone is entitled to that but for you to say its WALANG KWENTA….tsk….tsk… as Kid puts it….sorry you’re on the wrong side of history baet!! hindi isinulat iyan to please the tourists or anyone or YOU for that matter….ang mga tunay na taga BALER laang ang makakaentendi nyan!!! malinaw po baga?

  4. akaw! paanu naman mawawalang saysay ang isang kultura na?????at saka wag mung maliitin ang mga turista, one could relate only if he wants to………

  5. ay naku, kahit turista man o hindi makakaintindi kung gugustohin. madali lang naman nakakatuwa pati. baka log – okin at mahirap makaintindi. tama ba un? hindi ko alam. hehehe. basta ako, mahal ko ang baler kahit hindi man ako taga dun. i’ve been coming back to baler for three years now.

  6. aysos tamtamin mu all4bad ikaw ta ay….tanu anun laban mu sa taga BALER?….at kun tutuu nga na taga BALER ka de mu dapat sinabi iyan.. itu nga ang nakakahanga sa mga taga BALER de sila naghahambug maski may ipaghahambug napapansin sila dahil magagaling talaga…ay attanut sabihin mu na walang kwenta iyan…sinu ka naman kumbaga?

  7. Ay at tano naman kung walang sense sa iyu All4bad. Ang mga chop chop na salita namin iyan ay bahagi ng isang kultura na mga taal na taga Baler at mga dayong inari ang Baler na sariling tahanan nila. Ako nga matagal nang di nakatira sa Aurora ay nakikita ko pa rin yung mga ala-ala sa kabataan ko sa mga chop chop na salitang iyan. Walang kuwenta sa yu dahil di mo maituloy sa damdamin mo isip ang mga kuwento na ipinaaalam ng mga salitang iyan kaya chop chop sa iyu walang karugtung na sariling karanasan mo. Sana matutu tayong rumispeto. Ang basura sa tingin ng walang pagpapahalaga ay kayamanang walang kapantay para sa nakakaunawa. Mabuhay ang may akda nito. Malawak ang pananaw mo kaibigan.

  8. makiadaday na nga po . . . palagay ko hindi nga tunay na taga-Baler yang sila Boy Baler at all4bad mga panggaperu! dapat sa mga iyan payapusin sa puno ng lagitik saka haplit haplitin ng tangkay ng bayabas at sakalsakalin ng baging ng tangulu!!

  9. Ate Donna hindi kita masyadong kilala pero saludo ako sa galing mong maipanumbalik ang mga gawain at salita nang taal na taga baler . . . tunay na naiipasaisip mo ang mga alaala ng Baleryanos . . idagdag mo na nga rin yung (Magtinda ng pandisal sa madaling araw sabay sigaw ng Tinapay!! tapos biglang may sasagot . . . Malamig pa sa bangkay!! ak-kaw ay diyableg laang iyan igan . . . magboti kay Mang Alvi Ang . . . Boti! . . Baluminum! . . Bangsu! . . Bakal! . . arre!! bakit naman nagkaganuun na! Hahaha!!!

  10. Anu baga ang paki-alam mu boy baler? So what kung “from d” kami? Mas banu ka pa sa amin ulul. Pakilala ka nga ng makilatisan ka. Kapal ng apug mu buy.

  11. Makainip anu at tanu ta-ay nakikiadaday pa iyun silang mga kuwan utu. Mga pakialamero de naman sila inaanu, arre ay bayaan na nga laang natin iyan sila, de laang yan sila tunay na taga ruun nakikiselpet laang sa baler. Meron po akung dadag diyan. Naalala ku nuun bata pa aku mahilig kami nung pinsanin ku na maglaru ng beb-bel-le (bahay-bahayan). Yung kapitbahay namin nakita ku are ay kagangin maraming galis nag nagnanak-nak at-tes ang bang-i.
    Masarap sa madaling araw yung tinapuy ng mga bata tsaka pot-pot na nilalaku.

  12. isama na rin ninyu yung pandesal at bunete na nilalaku ng mga taga buhangin at sabang galing kala mang kinsing at saka yung putu at kutsinta galing kala mang teban.

    peru ang maganda raw ay yung mga paniknik sa mga batang natutulug sa tabi ng pugon pag madaling araw bagu maglaku ng pandesal!

    ay iyung mga kutikut na palaman sa mga pandesal ng gawa ng mga tinderong bata kala momoy nalala ninyu?

    at saka yung buding na may puyu-puyu ni opon?

  13. hay-an nio n laang yang mga iyan mga pake,ai hindi yan mga taga baler,, baka gusto laang nilang ma demonyu… i agree na sikat ang baler at kilala ang baler kahit san k magpunta.. !! lahat ng balerians eh mgagaling pedeng pantapat khit kanino lalo na sa it department ntn.. akaw ang talgang mgaling..,, thnx sir prof kidlat… im proud to be balerian.. lagi kong pnagmamalaki na taga baler ako. .. araw2 babasa ako ng mga blog dito sa site at para makumpleto araw ko, lagi ko binbasa ang word of the day.ganda ng mga post nio “apo ni ka ode” at ate Dona.. more power..

Leave a Reply