Puntung Baler sa Panahon ng Internet

Isa sa mga maituturing nating kakaiba at natatangi dito sa atin sa Baler ay ang pagkakaroon natin ng sarili at kakaibang salita at puntu ng Tagalog na kung tawagin natin ay puntung Baler. Kakaiba ito sa ibang lugar dahil may mga sarili tayong salita na dito lamang ginagamit at tayo lamang ang nakakaintindi kagaya ng “sapuretret” at “sumarengkong”. May mga tawag din tayo sa mga bagay na iba ang tawag sa ibang lugar kagay ng “kidya” sa kalamansi at “bulal-la” sa rambutan. Marami din tayong ekspresyon na talagang atin lamang kagaya ng “Ak-kaw”, “At-tes” “Anin” at “Attilauy”. Ang mga ordinaryong salitang tagalog din ay iba kung bigkasin natin, ang “bigat” ay nagiging “big-at” ang “ganun” ay “gan-un”. Ang pagsasalita nating ito ay dapat nating angkinin na isang bahagi ng ating tradisyon at kultura. Nakakalungkot nga lamang at ang mga kabataan ngayun ay tila nalilimutan na ang puntung Baler at karamihan ay “dipuntu” o puntong Maynila na kung magsalita kahit di pa sila nakakaluwas. Sa isang banda naman ay magandang malaman na kahit sa panahon ng internet, cellphone at facebook ay marami pa ring nakaka-alala sa ating puntu. Marami pa ring nananabik na itoy marinig at mabigkas lalu na sa mga matagal nang wala sa ating bayan. Kamakailan ang Batangbaler ay nagbukas ng isang Facebook page para sa Puntung Baler, isang lugar sa internet kung saan bawal ang dipuntu. Ito rin ay magandang lugar para ang mga nakalimot ay magbalik-loob at muling aralin at bigkasin ang ating sariling salita. Marami nang nag “like” dito at marami na ring nagkikipag-oron at nakiki-donghe. Tara na sa Ak-kaw: Ang Facebook Page ng Puntung Baler. Ak-kaw!

PITIKIN PARA PUMUNTA SA FACEBOOK PAGE NG PUNTUNG BALER

About kidlat

Joseph T. Gonzales, aka Kidlat is the creator of Batangbaler, the website and online community of all the scattered Balereños and Aurorans on Earth. He is based in Baler.

One thought on “Puntung Baler sa Panahon ng Internet”

  1. ayus itung fb page naitu. matendi ang pag-ooronan. bawal talaga ritu ang dipuntu, babarilin ang mag-dipuntu. ayus!

Leave a Reply