January 11 Alumni Meeting Update

8 tau ang umattend sa meeting representing 7 batches. Yung iba ay nag-paalam na di makakarating at ikwento na lang daw ang nangyari. Kaya itu at ikukwento ko.

Mga napagkasunduan:

Para sa 25th Foundation Anniversary Celebration. Kaunting info: ang celebration ay gaganapin ng February 6 - 9, 2008 sa ANSHS compound. Ang alumni ay inaanyayahang makisali sa tatlong araw na ito pero ang pinakamahalaga ay sa February 9 kung saan magkakaroon ng parade, motorcade, foundation program, fun games, at foundation night na ang alumni association ang mag-i-isponsor. Ito ang mga napagkasunduan sa meeting:

  1. Ambagan (Batch 1 to 17) - 1,000.00 pesos per batch MINIMUM. Ito ay gagamitin sa mga incidental expenses kagaya ng mga balloons, disposable plates ang cups and spoons and porks at kung anu pang kailanganin. Hindi na isinama ang batch 18-21 dahil mga istudyante pa lang itu sila. Sa mga graudates ma bulas palad na nais tumulong maliban sa quota ng batch nila, ay malugod naming tatanggapin ang donation ninyu (kayu iyun mga nasa abroad na medyu ayus ang bigayan ng sweldu at walang maisip na pagkakagastusan). Mas magandang makatulung tayu sa iba pang expenses ng celebration para hindi masyadung malaki ang hinging ambag sa mga istudyante. Nung nakaraang taon ay sinagut natin ang bayad sa sound system for 3 days saka sa 2 tarp streamers. Sana ngayun din may maitulung tayu.
  2. Sa February 9 ay may parada. Alas 7 ng umaga simula sa munisipyo. May mga tshirt na color coded na pwede nating orderin sa school. Ang napagkasunduang kulay ng alumni ay GRAY (pru kung pula na ang nabili nila ay di PULA tayu) dahil mayrun nang gagamit ng paborito nating black. Mayrun na ring pink. 180 pesos ang bawat tshirt. Mag inquire lang sa akin kung paanu makakaorder (09215413720). Pwede ring mag direct order sa science high.
  3. Pagkatapus ng parada ay may motorcade. Ang ruta ay science-dipaculao-maria-san luis-baler. Kailangan natin ng mga sasakyan. Yung may mga sasakyan diyan ay ihanda na at the more the merrier. Titingnan daw ni Mr. Samano kung pwede yung truck nila para sa mga walang masakyan. Mag-oorder tayu ng lobong bilug at lobong haba at bibili ng mga ihahagis na giveaways. Dun natin kukunin sa 1,000 per batch na ambagan. Mas magandang maraming alumni na sumali ditu. Pilitin nating makasama lalu na kung nanditu lang kayu sa Aurora. Minsan lang itu isang taun at ang 25th anniversary ay minsan lang mangyayari kaya ipagpalinggu na naiyu ang inyung mga labahin. Yung mga nasa Maynila at wala ditu sa Aurora ay pwede ring makisali. Kaya daw ginawang Sabado ang celebration ay baka gusto ninyung umuwi. Kung di kayu makakadalu ay padaluhin na lang ninyu ang pera ninyu at parang nandito na rin kayu. Sa mga nakakabasa nitu, pakiusap lang po na mag-akit ng maraming alumni.
  4. PAgkatapos ng motorcade ay may sama-samang tanghalian. Ang mga istudyante, magulang, guro, at alumni ay kanya kanyang dala ng foods. Ang gagawin natin dahil tamad tayu lahat maghanda ay mag-aambagan na lang, siguru habang nagpaparada at nagmomotorcade. Oks na ang 100 per person. Tapus ay oorder na lang tayu ng kanin at ulam sa ayus na restaurant kagaya ng Bays Inn o Gerry’s Place. Iyun ang iaambag natin sa kainan para sa lahat.
  5. Sa gabi ay may Foundation Night. Dating alumni night ang tawag nila pero sabi ko ay baguhin at de lang naman sa mga alumni ang celebration na itu. ang di nabagu ay yung tayo ang mag-i-sponsor. Ibig sabihin tayu ang bahala sa program at sa pag-kain. Wala pang napagkasunduang detalye sa gagawing program pero next week ay medyo lilinaw na itu. At dahil sagut natin ang pagkain para dito ay ganitu na lang ang napagkasunduan: Bawat batch ay magdadala ng foods and drinks. Itu ay de lang para sa batch ninyu. Iipunin natin sa isang hapag-kainan at iyun ang magiging handa para sa lahat. Kaya inaasahang ang dadalhin ninyu ay medyu marami-rami. Para de tayu magkapare-parehung spaghetti at pansit ang dadalhin ay may-usap tayu sa text, sa comment ditu, at sa iba pang paraan. Ang batch nila Mako at Ryan Soriao ay parang litson ang dadalhin. Yung gustung magdala ngisa pang litson at welcome laang. Kailangang medyu marangya itu at ditu nakasalalay ang reputasyon nating mga graduates. Kaya napagdesisyunang kanya-kanyang dala ay para maiwasan yung nangyari nung get-together nung November 2 na nagbigay lang ng ambag ang bawat batch nung mismung gabi kaya nuun lang naka-order ng fuds. Yung mga gagamiting plates, cups, spoons ant forks ay bibilhin na lang. kukunin ang pambili dun sa ambagang 1000 per batch. So, malinaw po ba na maliban sa tig-isang libo bawat batch ay magdadala pa rin ng kanya-kanyang foods and drinks sa February 9 ng gabi? Nakikiusap ang tropangspider (batch 12) na magdali rin ng inuming nakalalasing para masaya.

Maliban sa Foundation Anniversary ay napag-usapan din ang Souvenir Program. Kung natatandaan ninyung mga dumalo nung November 2 get-together, nag-commit tayu na tutulung sa solicitation para sa advertisement sa program. Ang final na price ay itu: 6,000 pesos per page, 3,000 sa 1/2 page at 1,500 sa 1/4. May solicitation letter na akong ibinigay para sa mga umattend kahapun. Yung ibang batch ay ihahatid ku na lang sa inyo at ipopost kun ring yung softcopy dito para ma download ninyo. Itong solicitation na ito ay para sa mga businesses, professionals, groups o individuals na gustong maglagay ng greeting sa souvenir program. Tulung-tulung na lang po tayung mag-soliocit sa mga kakilala natin para maging successful ito at para di tayu mapahiya sa ating ipinangakong tulong. Inaasahang makalikom tayu ng pera bagu mag February 6.

Mayruun pa - Bawat batch ay hinihing-an din ng donation kapalit ng isang page na greetings sa souvenir program. Lahat ay tig-iisang page. Walang 1/2 o 1/4. Itu ang mga presyu: Batches 1-8 Php15,000.00, Batches 9 - 16 Php 10,000 at Batches 17-21 Php6,000.00. Hindi po kailangang mai-raise ng bawat batch ang halagang itu bagu mag February 6 pero obra din. Ang napagkasunduang deadline ay katapusan ng March. Ang souvenir program ay April to June pa naman ilalabas. Binigay ku na rin ang letter sa mga umattend. Sa iba ay hintayin na lang ninyu.

Malinaw po ba? Sana po ay maraming maki-adaday sa pagdiriwang na ito. Kung may iba pa kayung katanungan ay mag post lang dito o itext aku sa 09215413720.

Salamat po.

One Response to “January 11 Alumni Meeting Update”

  1. else on 12 Jan 2008 at 12:58 pm

    akaw ang haba! hehe.. parang masaya ung motorcade! tsaka ang lechon..akaw dun ulit sana magpalechon para masarap. adyo boycott pa naman aku..peace!

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment