kwentong batch12 lang po..

Medyu inalipin ulit ng mouse at keyboard kaya nakabuu ng isang maiksing kwento. Sana may magtyagang magbasa, galing po sa batch12, para na rin sa batch12 …Napost na din sa blog namin, gustu ku lang i share..Unedited yung version sa aming blog.

High School Days Revisited (Edited version)

First Year: “what is essential is invisible to the eye”

Intro: June 1994 nuun nung una tayung nagkakilala. Galing tayu sa ibat-ibang paaralan. Mula Dipaculao hanggang San Luis. Sa Brgy. Buhangin (de pala Suklayin ang ANSHS) tayu lahat nagkatagpu. Syempre isnaban lang nuun, de pa halus lahat magkakakilala ay. Kumbaga nagsusukatan pa. Medyu madami din tayu nuun, 60+ yata, de ku na matandaan. Peru siguradu aku, 34 tayu na gumradweyt, 14 na lalaki at 20 na babai.

First Year: Si BETONG at mga kaklase ku lang sa Zubia ang mga kilala ku. Isang section tayu nuung first grading, dun sa Training Center ang ating room, sa may bandang stage. Sa likud natin ay yung mga 2nd Year. De baga makatuwa, ginawang multi-purpose yung training center, dun na din ang PE Subject. Sa training center tinuru ni Mam de Mesa ang kantang “Release Me” para sa subject natin na Speech. Maliban sa namemorize ku yung kanta, de ku alam kung anu ang kaugnayan nung kanta sa subject. Sa training center na din tayu natutung gumuhit ng pahaba, pahalang, patayu, pabilug at paoblong ng freehand gamit ang lapis at graphing paper courtesy of Mam Montes (Mam Mones). Pagkatapus ng mga pahaba, pahalang, patayu, pabilug at paoblong, Gothic Letters ang mga Isometric view naman ang kanyang tinuru. Ang alam ku si Ando ang matinik sa subject na iyan ay. Sa training center ku rin nalaman na obra palang makitaan ang teacher mu kahit de mu sinasadya.

Second grading na nung hinati tayu sa dalawang section. Itu ang makatuwa, Si Bay ang aming Section President (section B kami nuun, kami yung mga walang balun balunan ayun kay Elizabeth Espinosa), spokesperson niya si Jed. Pag may meeting, nakatayu lang si Bay, si Jed ang nagsasalita, nagsusulat, nagcocomment at nagdedesisyon na rin. May spokesperson na siya, may secretary at adviser pa. Multitasking. De na sa training center ang room natin, sa Dorm na at sa Library na (nagklase pa tayu nuun sa Dorm at Library bagu tayu lumipat sa Main Building). Nung nahati sa dalawang section, parang nagkaruun na ng faction, para bagang yung Liberal Party ni Drillon at Atienza. Peru dala lang siguru iyun ng ating kainosentehan.

Pinakasikat na love team nung First Year ay si JOE at SALVE (wag na kayung humirit wala pa akung muwang nuun), at ang pinakasikat naman na lovesong ay “Kanlungan”, dahil na rin sa kanilang dalawa. Kaya naman sila sumikat as loveteam, pareho silang myembro ng DRAMATIC GUILD, itu yung grupu ni Mam Querijero. Pag First Year ka at bagung sali, props ka lang, ikaw yung gagawing lamesa, upuan, side table, turntable, ref, washing machine o Venetian blind at iba pang mga gamit na pwede mung ganapan. Ang kagandahan lang pag props, obra kang mag “backing”. “Backing” ang most used term sa practice ng Dramatic Guild, itu yung pag tumalikud sa audience ang mga bida, kontrabida at muchacha sinisigawan ng mga supporting cast. Parang sinisigaw na rin nila iyun para malaman na member sila ng DG. Peru kahit neophyte si Joe at Salve, nagka break agad sila, nabigyan ng supporting roles as magsyota sa isang stage play.

Journal 101:

November 2-8, 1994

Dear Diary:

“Bumangun aku ng 5:30. Niligpit ku ang aking hinigaan, naligu, nagbihis at kumain saka nagtootbrush. Humingi ng baun kay mama at pumasuk. De aku na late dahil maaga akung pumasuk dahil maaga akung nagising. Naglinis aku ng room pagdating ku at aku ang bida sa PE Subject dahil nai-recite ku kay Sir Cabanayan ang ibat ibang paraan sa paghawak ng raketa ng table tennis (peru kat dalawa lang iyun). Umuwi na aku nung tingting na at de na naglakwatsa. Naglutu aku pagdating sa bahay. Kumain ulit, nanuud ng Villa Quintana at gumawa ng assignment. Saka natulug ulit.”

November 2-8, pareho ang ginawa araw-araw. Anung galing! Ganyan ang sinusulat ng karamihan sa boys sa Journal nila pag malapit ng magcheck si Mam Domingo. Cramming. Pag si Mam de Mesa naman ang magtsecheck, tinatranslate lang sa English, yung tipong ganitu baga:

Dear Diary:

“I woke up at 5:30. I arranged my bed, took a bath, get dressed, ate and brushed my teeth. (de ku alam itranslate ang pangalawang linya). I wasn’t late because I went to school early because I woke up early. I cleaned our room after arriving and I was the main character in our PE subject because I recited in front of Ezrep the different techniques on how to handle a table tennis racquet. I went home when it was time to go home and I never went were my classmate wanted to go because it’s bad for me and my studies. I cooked as soon as I arrived in our house. I ate and afterwards watch Villa Quintana and did my assignments. And sleep again.”

Parang nagbagu ang “thought” nung trinanslate sa English. Peru ok lang iyan, tsinecheck naman iyan ni Mam de Mesa ay kasama lahat ng grammatical errors at wrong spelling. Sa tutuung buhay, mahaba na ang ganyang entry sa journal ng mga boys. Ang nilalagay lang talaga ay yung bumangun, naligu at pumasuk, from November 2-8. Peru kung first year high school pa tayu ngayun, malamang ganitu ang nakalagay:

November 2-8, 1994

Dear Diary: (2:30 am)

“Gabi na aku natulug dahil nag chat aku habang habang dinadownload sa Limewire yung Taboo Part I, na matagal ku nang hinahanap at nag-u-upload aku sa yourfilehost.com ng Baler Scandal. Nung nagsawa na akung magchat, nagfriendster na lang aku at pagkatapus ay nag pa level-up sa MU. Pinalitan ku na rin ang mga kanta sa i-pod ku dahil makasawa na. Pag gising ku ng alas syete ng umaga, tinext ku si Sol dahil nasa kanya pa yung flashdrive ku na 4gig, sinabi ku na dalhin niya sa skul pati na rin yung digicam na hiniram niya. Pumick muna aku sa pick-one challenge ng NBA bagu naligu at pumasuk. Pagdating ku sa skul, late as usual. Nakatulug aku sa klase dahil sa sobrang antuk. Pinauwi na aki ni Mam Picart dahil akala niya may sakit aku. Paguwi ku, nireformat ku ang laptop ku at pinalitan ku ang Operating System ng Windows Vista Home Edition.”

More or less ganyan siguru ang laman ng journal natin kung first year pa tayu ngayun. Peru de na siguru tayu magpapasa ng notebook, sa blogsite na lang itsetsek ni Mam de Mesa atMam Domingo. Medyu high-tech na.

Kung mga girls naman, medyu iba ang laman ng diary. Masipag pati sila, araw araw magsulat dahil araw araw inspired. Example:

November 7, 1994

Dear Diary:

“Maaga akung pumasuk dahil maaga ding napasuk ang crush ku. Pagdating ku sa training center, nakita ku siyang nag lilinis kaya nagbunut aku ng sahig habang tinitingnan ku siya. Ang cute nya talaga!!! Hindi lang sya cute, matalino pa! Nirecite nya sa PE namin ang ibat-ibang paraan ng paghawak ng raketa ng table tennis. Kaya lalu ku tuluy syang naging crush. Gigising ulit aku ng maaga bukas para maglinis kahit de aku cleaners bukas.”

P.S.

Ang crush ku ay si DPG (8-7-7)

Ganyan pag mga girls, kilig na kilig pag nagsusulat sa journal. Pagkatapus magsulat, hinahalikan pa at niyayakap ang journal sabay tagu sa ilalim ng unan.

First year, ditu ku rin nalaman kung panu bigkasin ang salitang genre, bourgeoisie, bourgeois, depot, rendezvous at ang kantang “Release Me”. Nag swimming din tayu nuun sa PE. Unang tinuru ni Sir Cabanayan ay yung stretching, bubbles (20 times na lubug litaw sa tubig sa gilid ng pool), bagu yung ibat-ibang stroke. Madami ang natutung lumanguy, yung iba mas piniling de matutu, de na pumasuk.

Madami pang kwento. Medyu limut na yung iba ay. Magkwento din kayu da.

One Response to “kwentong batch12 lang po..”

  1. minato on 30 Apr 2008 at 2:53 pm

    “Gabi na aku natulug dahil nag chat aku habang habang dinadownload sa Limewire yung Taboo Part I, na matagal ku nang hinahanap at nag-u-upload aku sa yourfilehost.com ng Baler Scandal. Nung nagsawa na akung magchat, nagfriendster na lang aku at pagkatapus ay nag pa level-up sa MU. Pinalitan ku na rin ang mga kanta sa i-pod ku dahil makasawa na. Pag gising ku ng alas syete ng umaga, tinext ku si Sol dahil nasa kanya pa yung flashdrive ku na 4gig, sinabi ku na dalhin niya sa skul pati na rin yung digicam na hiniram niya. Pumick muna aku sa pick-one challenge ng NBA bagu naligu at pumasuk. Pagdating ku sa skul, late as usual. Nakatulug aku sa klase dahil sa sobrang antuk. Pinauwi na aki ni Mam Picart dahil akala niya may sakit aku. Paguwi ku, nireformat ku ang laptop ku at pinalitan ku ang Operating System ng Windows Vista Home Edition.”

    hahahahahaha…one word -

    CLASSIC….

Trackback this Post | Feed on comments to this Post

Leave your Comment