profile

Galing Ansci

ANSHS Alumni Blog
There are 56 Posts and 110 Comments so far.

Subscribe to Posts or Comments

Wilbert C. Barret (1980-2008)

Ang ating kapatid na si Wilbert C. Barret, ng Batch 11, ay sumakabilang buhay na noong February 29, 2008. Siya ay nakaburol sa Samson Funeral sa Bayan Luma, Imus Cavite. Ang libing niya ay sa Sta. teresita Batangas at wala pang eksaktong araw. si Wilbert ay tiga San Luis, Aurora, isinilang noong May 17, 1980 at isang Production Supervisor/Engineer.

Nakikiramay ang pamilya ng Aurora National Science High School.

JS

Batch 88

Panahun na naman ng JS Prom. Peru sa ansci, walang ganitu. Ay awan kung bakit. Nung panahun namin (panahun ni Mahoma) ay may ganitu. Ang Junior Prom namin (Batch 88) ay ginanap sa gabaldon. Malamang sandwich at sunny orange ang handa. De aku umattend nuun at mahirap makiangkas sa BMX ni Rhameses Tosco na naka Amerikana. Baka matilamsikan ng putik pag hinabul kami ng asu nila Delio Malibago (Batch 89) sa may kabiran, ay makahiya pag nakita ng kras ku. Peru nung Senior prom na ay umattend aku. Si Erwin Esteban ang nagpahiram ng amerkanang sinuut ku. Na late kami ni Rhameses ng dating, nag-sisimula na ang “show” ng dumating kami. Mahirap magpidal ng bike galing Suklayin. Sa hall nung anshs building sa central ginanap yung JS Prom. Limut ku na ang nangyari. Dalawa na lang ang natatandaan ku. Ms. Liberty si Annalyn tapus napaupu aku sa gitna nung dalawa kung kras, si HG at MG, nakaupu lang sila habang nagsasayawan lahat. “Bat de kayu nasayaw?” tanung ku. “Ayaw namin ay!” sabay nilang sagut.

Iyang nasa picture ay yung styrofoam na cutout na ginamit namin nuun. Isa na namang work of art ni Rhameses. May black lights pa yata itu nung nilagay. Kami ang designer ng stage nuun pag may mga events. Magaling kaming mag-design. Wala pa ta si It-tad nuun ay. Kuha itung picture na itu nung college na kami, four years after yata. Nakatabi lang iyan kala Merlo sa Rizal St.

Itu yung picture namin na may sira nung gabing iyun. May magandang kwento kung bakit naka white si Eric nuun. Kaya lang de ku na tanda he he.

Itu yung peborit kung kanta nuun:

Kwentu naman kayu da!

Silver Jubilee Pictures

Akaw dami nitu. Mainggit ang mga de pumunta!

www.flickr.com

anscialumni's photos More of anscialumni’s photos

Itu pa yung iba:

www.flickr.com

Galing Ansci's photos More of Galing Ansci’s photos

Report

Ambagan Report:

Ayun sa napag-usapan ang Batch 1-17 ay mag-aambag ng 1,000.oo pesos per batch para sa mga gastusin sa Foundation Day. Ang total na nakolekta ay 14,000 pesos sa expected na 17,000 pesos. Ang hinde nagbigay ay:

Batch 12
Batch 16 (may ipapahabul daw na 450 at iyun lang ang nakolekta)
Bath 17

Fuds report:

Itu po ang final na dinalang foods ng bawat batch. Ang de nakalista ay de nagdala:

1 - fried chicken na madami
2 - lumpiang shanghai (tatlung kahun)
3 - biku (limang bilau)
4 - Maraming pansit
6 - lechong manok
7 - litson (natuluy - pangakong natupad!!)
8 - leche flans
9 - maraming BBQ
10 - sisig (peru de ni mang entoy)
11 - spaghetti
13 - sandwich (sandamukal nga)
15 - fruit salad (naka repack na)
16 - kilo-kilong ponkana

Salamat daw sabi ng mga students, mga teachers at parents. De nila natiba ang mga fuds sa dami. Sa uulitin daw.

Financial Report

itu yung lista kung saan nagastos yung 14,000 pesos na nasingil

3,000.00 - plates, cups, spoons, porks, saka mga candies na pinaraffle
2,400.00 - tun sa mga colored flags na nakakalat sa schools, magandang tingnan
3,300.00 - para dun sa mga tarps (yung nasa bubung ng stage, alumni tarp na kinuha ng taga Batch 1 at de na binalik nung motorcade kaya de nagamit nung parade, saka yung silver jubilee banner sa parade)
5,400.00 - para dun sa mga tshirts na binigay sa mga teachers, yung mga sobra ay ipina raffle.
1,500.00 - bamboo poles para dun sa mga flags
1,000 - share ng alumni sa sound system
300.00 - gift wrapper
200.00 - yelo
200.00 - bond paper, etc.

Total = 17,300.00

Salamat kay Jules Noveras para sa mga additional tarps at kila Gaius de Asis, at sa aking mga ka Batch 88 sa kanilang donation.

Saka sa Batch 2 at 10 para sa libreng ice cream nung February 9.

Some 25th Foundation Anniversary Pictures

Check here for some ANSHS Foundation Anniversary pictures. Flickr has a 200 picture only limit on free accounts so the rest of the 1 million pictures are still in the storage area. Standby for the full picture dump.

25th Foundation Anniversary Pictures

Punta lang kayu ditu para makita ang mga first set ng pictures ng mga naganap kaninang umaga sa pagdiriwang ang ANSHS 25th Foundation Anniversary.

Day 1 - Morning Pictures

Salamat nga pala sa mga alumni batch na nag-ambag na - 1,2,3,4,5,6,8,9,10,14. At sa mga de pa, bilis na at ibibili na iyan ng mga gagamitin sa 9 saka ibabayad sa mga utang - 7,11,12,13,15,16.

Foundation Raffle

Isa pong gimik na gagawin ng alumni sa Foundation Night sa February 9 ay pa raffle. Peru sa ngayun wala pa tayung ipapa-premyo sa raffle. Titingnan muna kung may matitita sa ambagan na 1,000 pesos at iyun ang ibibili ng mga kung anu -anung papremyu.

Kaya kami’y nananawagan sa mga gustung mag volunteer ng pa-premyo sa raffle na itu. Pwede kayung magbigay kahit anung gustu ninyu basta matutuwa yung mananalu. Pwedeng isang suput ng kendi, planstsa, electric fan, tinapay, notebook, ballpen etc, etc…

Dalhin mu na lang sa February 9. Salamat!

Silver Jubilee Alternative Tshirt

Magpapatatak po kami ng tshirt na ganitu ang design sa likud. Sa harap ay may maliit na ANSHS Silver Jubilee lang. Itatatak sa black or white tshirt na may collar at walang collar. Hindi po ito ang official tshirt ng ANSHS Silver Jubilee. Ang official tshirt ay pwedeng orderin sa school.

Kung gusto nyo ng tshirt na itu, mayruun kayung hanggang February 3 (Sunday) para mag-order. 180 din po ang price. Para mag order ay itext lang aku (09215413720) o si else (09194993163). Pakisabi kung may collar o wala, kung itim o puti at kung anung size.

Mas masaya kung oorder kayu nung official saka nitung unofficial. Order na!!!

Coordinators Needed

Salamat po sa mga batch coordinators na nakikipag-coordinate sa ating mga gawain. Ang mga batch pong sumusunud ay walang coordinators o nasa outer space ang mga coordinators.

Batch 14 (2000)
Batch 16 (2002)

Kung sinu pong gustong mag-volunteer ay itext lang si Joseph Gonzales sa 19215413720. Salamat.

Get Together Pictures Part 4

Itu pa yung mga ibang pictures nung get-together Nov. 2, 2007 na ginanap sa ANSHS Training Center:

Continue Reading »

« Prev - Next »