
Galing Ansci
ANSHS Alumni Blog
There are 56 Posts and 110 Comments so far.
Subscribe to Posts or Comments

ANSHS Alumni Blog
There are 56 Posts and 110 Comments so far.
Subscribe to Posts or Comments
Kumusta! Nag meeting po uli kanina. 7 ang umattend kaya may quorum na naman. Sa mga nagtatanung kung saan gagamitin ang tig 1 thousand na ambag per batch (1-17), itu iyun:
Mga event collaterals (streamers, banners, decorations)
Mga lagayan ng fuds (plates, cups, porks, spoons)
Mga gifts sa inimbitahang old teachers at current teachers
Mga papremyo sa contests at raffles sa February 9 ng gabi
Kulang pa talaga yung projected 17 thousand na pera pero may mga alumni at batches naman na mababait na sumasagut sa ibang gastos. Ilalagay natin sila ditu pag kumpleto na ang lista.
Ang mga pagkaing dadalhin sa February 9 Foundation Night (na patoro ng alumni) ay itinoka na lang sa mga batch. Walang tatanggi. Itu o:
Batch 1 - fried chickens (confirmed na daw sabi ni Lysander Q.)
Batch 2 - isang libung lumpiang shanghai (ayus parang pangalan ng banda - confirmed na itu courtesy of Ate Joan)
Batch 3 - maraming bilau ng biku (confirmed)
Batch 4 - maraming bilau ng pancit (confirmed na rin)
Batch 5 - limang bilaung kakanin na hinde biku (de na lechon)
Batch 6 - fried chickens uli (confirmed na itu, nag OK ay)
Batch 7 - anu na kaya ang dadalhin nitu sila?
Batch 8 - maraming leche flan/dessert (confirmed)
Batch 9 - bbq, mga 500 pieces (confirmed na rin at nag OK din)
Batch 10 - sisig ni mang entoy (siyempre para may pang pulutan - confirmed na rin itu, at balak nilang gawing isang lechon naman)
Batch 11 - walang kamatayang spaghetti (confirmed with special side dish pa, sana garlic bread)
Batch 12 - spaghetti na naman (sabi na ay walang kamatayan itu - confirmed)
Batch 13 - sandamukal na sandwich (na iba-iba daw ang palaman sabi ni Gigoy - confirmed na rin)
Batch 14 - dinuguan with puto (malabu na itu, wala daw iintindi at nasa abroad na lahat ngmembersd nitu
Batch 15 - fruit salad panghimagas (ayus na daw!)
Batch 16 - juice. (ayus na peru de sila ang magtitimpla.)
Batch 17 - ayaw yatang makiadaday
Batch 18-21. Ay dadalu lang sila at exempted sila sa ambag at fuds dahil mga nag-aaral pa itu sila.
Kanya kanyang dala daw ng inuming nakalalasing.
Sigi, kitakits tayu sa February 7-9, 2008.
Itu yung summary na magaganap:
February 7, 2008
Ecumenical Thanksgiving (8:00am)
Program
Motorcade —->>> sali tayo dito, dalhin ang mga sasakyan nyu!
Games (Afternoon)
Coronation Night, Mr. & Ms. Silver Jubilee (night)
February 8, 2008
Student Activities (whole day) —> invited din tayu ditu
booths, games, and other gimmicks
February 9, 2008 —-> itu na ang piliin mu kung isang araw ka lang obra.
Parade (7:00 AM from Municipal plaza to ANSHS. With tshirt ito, order kayu sa science o sa akin)
Program –> mga guest ang different government officials
Lunch —–> sama-samang pagkain (may ambagan tayung 100 pagkaparada, pambili ng fuds)
Parlor Games, Fun Games —-> volleyball, basketball, pingpong, chess, etc
Foundation Night —-> sponsored by the alumni. MAgdadala ng fuds bawat batch tapus magproproduction number tayu.
Punta kayu ha!!!!
Nung November 2 po, tayung lahat ay pumayag sa kahilingan ng GPTCA President at Principal ng ANSHS na tutulong tayo at mag-i-sponsor sa gagawing Silver Jubilee Book. Itu na po yung solicitation letters na gagamitin natin:
Para sa mga graduates. Kumuha ng isa bawat batch:
solicitation_alumni (Word Document)
solicitation_alumni (PDF)
Para sa mga businesses, professionals, o sinu man na gustung mag-sponsor ng greetings, ito ang ibibigay nating letter:
solicitation_ads (Word Document)
solicitation_ads (PDF)
Para ma download ang mga files –> right-click on the link and select Save Target As (Windows Explorer) or Save File As (Mozilla Firefox)
Kung gusto naman ninyon i-email ku sa inyo ay i-email lang aku sa batangbaler@gmail.com.
Salamat uli.
Kailangan po ang mga sumusunod. Pakitulung na lang:
Salamat nbg marami!
2005 pa itung ginawa. May mahigit 40 members na ngayun. Medyu nag lie-low ng ilang taun. I revive natin para mas maganda ang kwentuhan. Sumali kayu at mag-imbita ng iba na sumali. Itu ang address ng anshsgrads yahoogroup:
http://groups.yahoo.com/group/anshsgrads/
Tara na!
8 tau ang umattend sa meeting representing 7 batches. Yung iba ay nag-paalam na di makakarating at ikwento na lang daw ang nangyari. Kaya itu at ikukwento ko.
Mga napagkasunduan:
Para sa 25th Foundation Anniversary Celebration. Kaunting info: ang celebration ay gaganapin ng February 6 - 9, 2008 sa ANSHS compound. Ang alumni ay inaanyayahang makisali sa tatlong araw na ito pero ang pinakamahalaga ay sa February 9 kung saan magkakaroon ng parade, motorcade, foundation program, fun games, at foundation night na ang alumni association ang mag-i-isponsor. Ito ang mga napagkasunduan sa meeting:
Maliban sa Foundation Anniversary ay napag-usapan din ang Souvenir Program. Kung natatandaan ninyung mga dumalo nung November 2 get-together, nag-commit tayu na tutulung sa solicitation para sa advertisement sa program. Ang final na price ay itu: 6,000 pesos per page, 3,000 sa 1/2 page at 1,500 sa 1/4. May solicitation letter na akong ibinigay para sa mga umattend kahapun. Yung ibang batch ay ihahatid ku na lang sa inyo at ipopost kun ring yung softcopy dito para ma download ninyo. Itong solicitation na ito ay para sa mga businesses, professionals, groups o individuals na gustong maglagay ng greeting sa souvenir program. Tulung-tulung na lang po tayung mag-soliocit sa mga kakilala natin para maging successful ito at para di tayu mapahiya sa ating ipinangakong tulong. Inaasahang makalikom tayu ng pera bagu mag February 6.
Mayruun pa - Bawat batch ay hinihing-an din ng donation kapalit ng isang page na greetings sa souvenir program. Lahat ay tig-iisang page. Walang 1/2 o 1/4. Itu ang mga presyu: Batches 1-8 Php15,000.00, Batches 9 - 16 Php 10,000 at Batches 17-21 Php6,000.00. Hindi po kailangang mai-raise ng bawat batch ang halagang itu bagu mag February 6 pero obra din. Ang napagkasunduang deadline ay katapusan ng March. Ang souvenir program ay April to June pa naman ilalabas. Binigay ku na rin ang letter sa mga umattend. Sa iba ay hintayin na lang ninyu.
Malinaw po ba? Sana po ay maraming maki-adaday sa pagdiriwang na ito. Kung may iba pa kayung katanungan ay mag post lang dito o itext aku sa 09215413720.
Salamat po.
Wag kalilimutang dumalo sa pulong ng alumni bukas - January 11, 2008, alas 3:00 ng hapun sa ANSHS. Lahat na obra ay inaanyayahang dumalu. Kahit hindi mga coordinators. Importante lang na represented and lahat ng batch.
Ang pag-uusapan:
Ang celebration date ay gaganapin sa February 7-9, 2008.
All alumni especially those who are here in Central Aurora are invited to attend
If you have only 1 day to spare, the main event will be on February 9, Saturday. There will be a parade, a motorcade, games, booths, and a Foundation Night to be sponsored by the alumni. We are trying to contact all teachers who taught at ANSHS since the beginning.
To prepare for this there will be an alumni meeting on January 11, Friday 3:00 PM at the ANSHS. Please come if you can.
Ang mga coordinators ng bawat batch ay inaanyayahan sa isang pagpupulung na gaganapin sa January 11, 2008, Biyernes, alas 3:00 ng hapun sa ANSHS. Ang pag-uusapan ay ang nalalapit na 25th Foundation Anniversary ng ANSHS at ang ating gagawin sa sinang-ayunan nating lahat na tulong para sa gagawing souvenir program/yearbook. Para sa mga coordinators na wala sa Baler, kung maaari ay magpadala ng representative ang inyung batch na nanditu sa Baler. Inaasahan ang inyung kooperasyon sa pulong na itu. Ipina-aalala sa inyu ang inyong walang pasubali at walang pag-iimbot na pagsang-ayun at pagsumpa nuung get-together natin nung November 2 na kayu ay buung-pusong tutulung at makikiisa sa mga gawain at layunin ng ANSHS Alumni. Ngayun na ang pagkakataun na patunayan iyan.
Magkakaroon din ng planning/meeting ang mga guro-magulang-mag-aaral-alumni ng ASNSH tungkol sa 25th Foundation Anniversary sa Miyerkules January 8, 2007 alas 3 ng hapun. Lahat na interesadung alumni na makisali sa pulong ay welcome na umattend.
Ang 25th Foundation Anniversary ng ANSHS ay gaganapin sa February 7-9, 2008.