Archive for the ‘People’ Category

Update kay Okoy sa Indonesia

Tuesday, September 16th, 2008

Sa mga gustong malaman ang nangyayari sa pagdayu ni Rommel Rojo at ilan pang mga pinoy surfers sa Indonesia, may balita sa isang surfing competition na sinalihan nila, ang Oakley O ROKR Pro Indonesian Surfing Championship sa Kuta Beach, Bali noong August 16-17.

Ang ating kababayan na si Okoy ay ang kaisa-isang tiga labas ng bansa na nalampasan ang trial heats at nakasali sa Round 1. Kaya nga lang ay hindi na siya naka advance sa Round 2. Achievement ito para sa ating kababayan sa kanyang unang pagsabak sa international surfing competition sa labas ng bansa.

Nandito ang balita.

Gail Darwin Manalo from Ma. Aurora - 2008 Metallurgical Engineering Board Exam Topnotcher

Friday, September 12th, 2008

Medyo huli na ito pero bago pa rin.

Congratulations kay Gail Darwin Pranada Manalo mula sa Ma. Aurora sa pagiging No. 1 niya sa nakaraang Metallurgical Engineering Board Exam na ginanap nitong Agosto 2008. Si Darwin ay nagtapos sa university of the Philippines - Diliman. Siya ay produkto ng Mount Carmel High School - Maria Aurora. Isang standing ovation para kay Darwin!

Nandito ang balita mula sa Professional Regulation Commission website

Lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara

Thursday, September 11th, 2008

Ang ibig sabihin ng PDAF ay Priority Development Assistance Fund. Mas kilala ito sa tawag na Pork Barrel. Ang mga congressman ay may 35 milyong pisong PDAF taun-taon. May bagong website ang House of Representatives kung saan makikita ang lista kung saan napunta ang pork barrels ng mga congressman.

I-click ito para tingnan ang lista ng 2007 PDAF ni Cong. Sonny Angara. Piliin lang ang pangalan niya tapos ay pindutin ang GO.

Bilang summary, ito ang lista mula sa website:
Education: 8,530,000.00
Financial Assistance: 9,700,000.00
Health: 3,150,000.00
Public Works: 13,620,000.00
Total: 35,000,000

Jeho Bitancor - Of Milk Sweat and Honey Spit

Tuesday, September 9th, 2008

Jeho Bitancor

UTTERLY ART presents

MILK SWEAT AND HONEY SPIT
JEHO BITANCOR

GUEST-OF-HONOUR
GOVERNOR BELLAFLOR J. ANGARA-CASTILLO
AURORA PROVINCE, PHILIPPINES

Opening
THURSDAY 11th SEPT 2008 7 pm
Utterly Art Exhibition Space
(diagonally opposite the Sri Mariamman Temple, Pagoda St Exit)
229A South Bridge Road (2nd Level) Singapore 058778
Tel: 6226 2605 E-mail: utterlyart@pacific.net.sg
Mon-Sat 12 noon - 8 pm Sun 12 noon - 5.30 pm
The exhibition runs to SUNDAY 21st SEPT 2008 .

Jeho Bitancor

After residing in the United States of America for a year, Filipino artist Jeho Bitancor presents a contemplative exhibition based on his migrant experience. While a great deal of his countrymen regard the colonial power as “The Land of Milk and Honey”, Jeho as the artist and observer is more circumspect, but neither does he deny that detaching “oneself from his or her origin… is a form of salvation which renders the diasporic phenomenon a painful reality in itself”.

Relevant to Singaporeans engaged in the “Stayers” and “Quitters” debate, the show investigates the dilemma of individual emancipation over national deprivation. Jeho points at the foibles of both migrants and their adopted home, by examining the social landscape and condition it generates for migrants, to unravel the contradictions inherent in even the most sought-after dreamland. Marrying his social realist and symbolist genres, he muses on how migration might affect his artistic practice and posits “a crystallization of one’s essence… a re-contextualization of the self”.

Jeho Bitancor is a Cultural Centre of the Philippines Thirteen Artists Awardee of 2006, who has exhibited extensively in the Philippines, Singapore, USA, Malaysia, Thailand and Hong Kong. Trained in the University of the Philippines College of Fine Arts (1984-1992), and the New York City Art Student’s League (1997), Jeho has won several awards and distinctions, and is collected by the Singapore Art Museum, Ateneo Art Gallery, National Commission for Culture and the Arts, Aurora Provincial Government, Museo de Baler, as well as several private collections.

*****

O mga tiga Baler at Aurora, punta kayo dito at suportahan ang ating kabayan. PAgkakataun nyu na pating makipagkamay kay Gov. Bella. Ayus!

Tunog Akaw

Monday, September 8th, 2008

Panoorin ninyo ang showcase video na ito na gawa ng Roadrunner Network, isang pinoy na post-production company.

Kaya ko ito nilagay dito ay dahil tiga Baler ang Sound Designer at Supervisor dito - si Ronald De Asis. Si Ronald ay kilala na sa larangan ito sa bansa. Nung 2006 ay nanalo siya sa Urian Award at Cinemalaya Film Festival ng Best Sound para sa pelikulang Tulad ng Dati. Ilan sa mga pelikulang siya ang sound supervisor o sound engineer ay ang Pisay, Tiyanaks, Balahibong Pusa, Ligay ang Itawag mo sa Akin, at Magic Temple. Nandito ang kanyang imdb profile.

Isang bagsak para sa ating kababayan na si Ronald De Asis.

Jeho Bitancor - Singapore Exhibit

Saturday, August 23rd, 2008

Jeho Bitancor

Matapos ang kanyang one-man exhibit sa Mistlin Gallery sa Modesto, California, ang ating tanyag na kababayang si Jeho Bitancor ay magkakaroon naman ng isa pang one-man exhibit sa Utterly Art Exhibition Space sa Singapore. Ang eksibit ay may titulong Of Milk Sweat and Honey Spit at itatanghal mula September 11 hanggang 24, 2008. Ang Utterly Art Exhibition Space ay matatagpuan sa 229A South Bridge Road, Singapore.

Manuel L. Quezon

Tuesday, August 19th, 2008

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang ika-130 kaarawan ng Tala ng Baler, ang ating lolong si Manuel L. Quezon, antigung batang Baler. Ngayun din ang ika-399 na anibersaryo ng Baler. Sa susunod na taon ay quadcentennial ng Baler. Siguradong matending pagdiriwang ito. Para sa pagkakaalam ng wala pang may alam, ang pyesta ng Baler ay hindi itinapat sa kaarawan ni Pres. Quezon. Matagal nang pyesta ng Baler ang August 19. Nagkataon lang na pista siyang ipinanganak, kaya tipid sa handaan.

Narito ang wikipedia article tungkol kay Manuel L. Quezon
At narito naman ang tungkol sa Baler

Video ng Speech ni President Arroyo sa Baler

Tuesday, August 19th, 2008

May sariling channel pala ang RTVMalacañang sa Youtube. At isa sa mga naka post na videos ng mga pakikipagsapalaran ni pangulong Arroyo ay ang kanyang speech sa Museo de Baler noong nakaraang Philippine-Spanish Friendship Day na ginanap noong June 30, 2008. Panoorin ang video:

Ito ang part 2:

Sana may ganito din ang kapitolyo ng Aurora o kaya ay ang munisipyo ng Baler.

Bb. Baler 2008 - Ms. Queenie J. De Luna

Sunday, August 17th, 2008

Baler Fiesta 2008

Si Ms. Queenie J. De Luna ng Brgy. Pingit ang nanalo ng Bb. Baler 2008. Si Queenie ay first year student sa Aurora State College of Technology.

Si Bb. Baler 2008 kasama si Russciedkey Catusalem (kaliwa) ng Reserva ang First Runner-Up at si Ms. Brgy. 2, ang 2nd Runner-up.

(more…)

Rest in Peace - Ka Ending Bihasa

Friday, August 15th, 2008

Ending Bihasa

Ito po ay galing sa comment ng post tungkol kay Ka Ending Bihasa:

Ito po ay pagbibigay impormasyon na si ka ending bihasa ay pumanaw na po kahapon ika 14 ng Agosto ng umaga sa sa Veterans Memorial Medical Centre. Siya po ay iuuwi sa sabado at ibuburol sa kanyang tahanan sa bonifacio extension. Di pa po kumpirmado kung kelan siya ililibing. Basta ang sigurado pa lang ay ililbing siya sa kanyang sariling bakuran. Matatandaan po natin na siya ay isang mabuting mamamayan, ama , bayani, at ang LITTLE SERGEANT OF THE CROSS.

Gorhet at Ukit

Thursday, August 14th, 2008

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Baler, itinatampok ng Aurora Arts Council ang Gorhet at Ukit - a Statement Beyond the Canvas, Contemporary works on oil, acrylic and mixed media. Tampok dito ang mga gawa nila Ani Querijero, Ibu Querijero, Roy Buen at Mike Lester Carreon, lahat ay pawang mga tiga Baler.

Magsisimula ang eksibit sa August 16 at magtatagal hanggang August 24. Ito ay sa Museo De Baler.

Manatiling naka-antabay sa Batangbaler para sa mga kaganapan sa piyesta ng Baler.

Sineng “Baler” ni Anne Curtis at Jericho Rosales Gagawin sa Tanay, Rizal

Tuesday, August 5th, 2008

Showbiz uli tayo. Ito ang latest chikka tungkol sa pelikulang Baler. Mula dito sa pinoyshowbiztalk.com:

Thorough research daw ang ginawa nila, mula sa mga sunud-sunod na events na nangyari noong Spanish-American war, kung saan nagsagupa ang mga Spanish soldiers at ang puwersa ng mga Filipino, hanggang sa pagpapatayo nila ng set sa Tanay, Rizal kung saan gagayahin nila ang look ng Baler, now Aurora, in Quezon Province.

Samakatuwid ay hindi pala sa Baler gagawin ang sine. Dahil siguro sa malayo tayo sa kabihasnan at mahirap ang logistics pag dito ginawa. Pero ayon din sa balita ay pupunta din naman sila sa Baler. Siguro para sa flash-forward kung saan ipapakita ang kasalukuyang simbahan ng Baler. Kaya sa mga nag-aabang kay Anne Curtis at Jericho Rosales, manood na lang muna kayo ng TV.

Mas nainip ako dun sa nakalagay na “Baler, Now Aurora, in Quezon Province”. Parang sablay de baga?


Page 1 of 812345»NextLast »