Archive for the ‘Photos’ Category

Baler Fiesta 2008 - Program and Parade

Tuesday, August 19th, 2008

BubbleShare: Share photos - Create and Share Crafts

Ito ang mga pictures ng program at parada na naganap kanina. Ang panauhing padangal ngayong taon ay si Kgg. Gilbert C. Teodoro Jr., and Secretary of National Defense.

Nandito ang mga pictures

Sa mga di nakikita ang mga pictures, ay wag magsawang subukan ng pauli-uli at kasalukuyang may technical problem sa bubbleshare. Nagtitipid kasi tayu sa bandwidth kaya sa bubbleshare ko nilalagay ang mga pictures. Pag nirekta ko sa batangbaler ay baka kahapun pa tayo bandwidth exceeded.

Bb. Baler 2008 - Coronation Night Pictures

Monday, August 18th, 2008

BubbleShare: Share photos - Create and Share Crafts

O! Itu na ang sandamukal na mga pictures ng Bb. Baler 2008 na naganap nung isang gabi. Paki-click lang po ang slideshow sa itaas para makita.

Baler Fiesta 2008 - Day 3

Sunday, August 17th, 2008

BubbleShare: Share photos - Create and Share Crafts

Medyo hindi hectic ang schedule ng ikatlong araw na pagdiriwang ng pyesta ng Baler. Ayun sa aking listahan ay naganap ang ikalawang araw ng pyestang-barilan (shootfest) sa Camp Ravina, ang Drum and Lyre Competition sa municipal plaza at ang Auditorium o sayawang bayan sa plaza din. Medyo mahirap gumising kaninang umaga dahil pasado alas dos na ng madaling araw natapos ang Bb. Baler. Pero naabutan ku naman ng bahagya ang parada ng mga banda na lalahok sa Drum ang Lyre Competition. Yung mismong labanan ay sa TV ku na lang napanood (Interlink Cable TV, Channel 11). Ang nanalo sa elementary ay ang R. Zubia Elementary School (yata!) at sa high school ay ang Baler National High School. Napansin ko na walang CAT competition at Street Dancing Competition ngayung taon. Bat kaya?

I-click lamang ang slideshow sa itaas para sa mga larawan ng parada kaninang umaga. Bukas ay siksik na naman ang schedule. May Marathon, Bikathon, Araw ng Magsasaka at awarding ng Solid Waste Management Best Implementor at Arch & Street Decoration Judging. Ito ay sa umaga pa lamang. Sa gabi naman ay magkasabay na gaganapin ang Cultural Presentation sa Museo de Baler at ang SMB Night sa plaza.

Bb. Baler 2008 - Ms. Queenie J. De Luna

Sunday, August 17th, 2008

Baler Fiesta 2008

Si Ms. Queenie J. De Luna ng Brgy. Pingit ang nanalo ng Bb. Baler 2008. Si Queenie ay first year student sa Aurora State College of Technology.

Si Bb. Baler 2008 kasama si Russciedkey Catusalem (kaliwa) ng Reserva ang First Runner-Up at si Ms. Brgy. 2, ang 2nd Runner-up.

(more…)

Baler Fiesta 2008 - Day 2

Saturday, August 16th, 2008

Mga ilang pictures ng Day 2 ng Baler Fiesta 2008

Hitik sa mga pasinaya ang ikalawang araw ng Baler Fiesta 2008. Kaya namili lang ang inyong lingkod ng mga ilang okasyon para pityuran. Ang mga naganap nung umaga at malayo sa plaza ng Baler ay di ko napuntahan kagaya ng Tuklas Talino at ang Shootfest sa Camp Ravina. Di bali, ang mga nanalo naman sa Tuklas Talino na isang singing at dancing contest ay nagtanghal sa Ms. Baler kaya nakunan ku din sila.

Baler Fiesta 2008

Pasado alas tres ng hapon ay nagkaroon ng opening ng Gorhet at Guhit, isang painting exhibit na ginanap sa Museo de Baler. Si Mayor Arthur Angara ang nanguna sa ribbon-cutting ng exhibit. Ang mga paintings ay magtatagal sa Museo de Baler hanggang August 24.

Baler Fiesta 2008

Nagkaroon din ng painting contest na ginanap sa loob ng munisipyo ng Baler. Ang paligsahan ng galing sa pagpinta ay nilahukan ng mga elementary at high school students na galing sa ibat ibang paaralan ng Baler.

(more…)

Baler Fiesta 2008 - Day 1

Friday, August 15th, 2008

BubbleShare: Share photos - Create and Share Crafts

Unang araw ngayun ng limang araw na pagdiriwang ng Baler Fiesta. Kaninang umaga ay ginanap sa munisipyo ang Baler Historical Quiz Bee na taon-taon isinasagawa sa pakikipagtulungan ng DepEd. Walang masyadong audience sa okasyong ito maliban sa mga kasali at mga coach nila. Sana sa susunod ay sa plaza ito gawin para maraming makapanood.

Baler Fiesta 2008

Kaninang umaga din binuksan ang coco-sabutan festival. May mga booths sa harap ng munisipyo na itinatanghal ang mga lokal na produkto at pagkain ng Baler. Dumalo sa ribbon-cutting si Aurora Governor Bellaflor Angara Castillo, si Baler Mayor Arthur Angara, Vice Mayor Pilot Bihasa, mga konsehal ng Baler, si Ric Gutierrez na Chairman ng Festejos ng 2008 Baler Fiesta at mga kandidata ng bb. Baler.

Baler Fiesta 2008

(more…)

Maria Aurora Rang-ay Festival

Friday, August 15th, 2008

BubbleShare: Share photos - Create and Share Crafts

Matagal na ito. Ngayun lang ako nagka-oras para ayusin at i-upload ang mga pictures. Nuung July 20, kasabay sa pagdiriwang ng fiesta ng Ma. Aurora ay ginanap ang Rang-ay Festival, isang paligsahan sa street dancing. Ang Rang-ay ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay “progress” o kaunlaran. Ito ang ibig isabuhay sa pagdiriwang ng okasyong ito. Maraming elementary at high school na grupo ang sumali dito. Ang bisitang pandangal ay si Marc Loga ng ABS-CBN.

Pindutin lamang ang slideshow sa itaas para mapanood ang lahat na larawan. Ito naman ang mga larawan ng 2006 Rang-ay Festival.

Bb. Baler 2008

Friday, August 15th, 2008

Bb. Baler 2008

Inaanyayahan tayong lahat ng mga kandidata ng Bb. Baler 2008 na panoorin sila sa Coronation Night sa August 16, sa Baler Municipal Plaza. Sino sa tingin nyo ang mananalo?

Pindutin ang larawan para palakihin. Abangan ang mga karagdagang larawan ng mga kandidata.

(more…)

1968 Casiguran Earthquake

Sunday, August 3rd, 2008

1968 Casiguran Earthquake

Apatnapung taon na ang nakakaraan nang mangyari ang lindol sa Casiguran noong August 2, 1968. Bago sumapit ang 1991 Luzon Earthquake, ito ang pinakamasalantang lindol sa Pilipinas. 268 ang namatay at 261 naman ang nasugatan sanhi nito. Ito rin ang naging dahilan ng pagguho ng Ruby Tower sa Binondo Maynila.

Mula sa wikipedia:

1968 Casiguran earthquake occurred on August 2, 1968 with a 7.3 Richter scale magnitude. More than 270 people died and 261 were injured. The epicenter was located in Casiguran, Quezon (now part of Aurora province). This was the most destructive earthquake in the Philippines during the 20 years before the 1990 Luzon earthquake. In addition, the earthquake generated a tsunami that reached as far as Japan.

The hardest hit was the densely populated city of Manila killing 268 people and 261 more were injured. Majority of the buildings that suffered severe damages lies near at the mouth of Pasig River with huge alluvial deposits. Some of them were damaged beyond repair and others only suffered cosmetic damages. 260 people died when a 6-storey building Ruby Tower collapsed in the district of Binondo. Majority of the building collapsed except for a portion of the first and second floors at the northern end of the building. There was an allegation that the building was poorly built and used low-grade materials.[1] In District of Santa Ana, one person was injured from a damaged apartment building.

Two more people were killed from Aurora sub province and Pampanga. Around the town of Casiguran, there were several reports of landslides and the worst one happened near at Casiguran Bay.

Ito naman ang detalye ng lindol mula sa Phivolcs

At ito naman ang ilang mga larawan mula sa Phivolcs:

Tulay ng Casiguran

Daang Casiguran papunta sa Barrio Tabas

(more…)

Mga Larawan ng Inagurasyon ng UP School of Health Sciences - Baler Campus

Wednesday, July 30th, 2008

BubbleShare: Share photos - Powered by BubbleShare

I-click lang ang slideshow sa itaas para makita ang mga larawan ng inagurasyon ng UP Manila - School of Helth Sciences Baler Extension Campus noong July 21, 2008 na ginanap sa ASCOT. Ang permanenteng tahanan ng paaralang ito ay sa Reserva, malapit sa planong pagtatayuan ng bagong ospital ng Aurora. Sa kasalukuyan ay nasa ASCOT muna ang paaralan. May mahigit na 50 istudyante ang mga freshmen nila na galing sa Aurora, Quirino, Isabela, Nueva Viscaya at Nueva Ecija.

Bagong Street Signs

Saturday, July 12th, 2008

Street Sign

At hindi lang ang mukha ng Museo de Baler ang bagu. Bagu din ang mga street signs sa bayan. Ito ay yari pa sa kahoy na inukit ang mga pangalan ng kalsada. Anung say ninyu?

Bagong Museo De Baler

Friday, July 11th, 2008

Museo de Baler

“This mural I dedicate to the youth of Baler that they may always remember and strive to emulate the valor, self-reliance and quiet heroism of their ancestors who all lovingly cared for their children and aspired to give them a better life.”

Senator Edgardo J. Angara
Dedicated June 30 2008

***

Kasabay sa pagdiriwang ng Philippine-Spanish Friendship Day noong Ika-30 ng Hunyo ay ang pag-i-inagura at pagde-dedika ng bagong “Baler Historical Mural”. Ang mural na na ito ay makikita sa harap ng gusali ng Museo de Baler at inilalarawan ang mahigit apat na raang taon ng pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, mula sa kanilang pagdating hanggang sa pag-alis ng “Los Ultimos Filipinas”, ang mga Kastilang sundalong nagtanggol sa simbahan ng Baler sa loob ng halos isang taon matapos isuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Makikita rin sa mural ang ilang mga larawan ng kaunlaran sa Baler at sa bayan ng Aurora.

Museo de Baler

Ang bagong mural na ito ay ginawa ng tanyag na iskultor Toym Imao. Si Toym din ang gumawa ng rebulto ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Historical Shrine sa Maragondon, Cavite, at kamakailan lamang ay nabalita dahil sa kanyang disenyo sa E-jeepney, ang jeep na tumatakbo sa pamamagitan ng kuryente. Si Toym ay kinumisyon ni Sen. Edgardo J. Angara upang gawin ang mural na ito. Siya ay anak ng National Artist na si Abdulmari Imao.

Museo de Baler

Si Mrs. Ilovita Mesina, habang ipinapakita ang noon ay plano pa lamang ng mural sa Museo De Baler. Kuha ito noong June 30, 2007.

Toym Imao

So Toym Imao noon June 30, 2008 sa Museo de Baler.

Magandang pagmasdan ang likhang-sining na ito sa parke ng Baler. Kapag ganito ang pinagkakagastosan ng pera ng Gobyerno ay wala akong angal. Sana sa susunod ay bigyan naman nila ng pagkakataon ang mga local artists na makagawa rin ng mga ganitong klase ng public art. Ito’y isang hakbang pasulong sa eksenang sining ng lalawigan ng Aurora.

I-click ang slideshow sa ibaba para sa iba pang larawan ng bagong Museo de Baler.
BubbleShare: Share photos - Powered by BubbleShare


Page 1 of 2712345»NextLast »