MUTYA ADVENTURES to the max

20

Posted on : 11-08-2009 | By : | In : anything BALER

MUTYA ADVENTURES TO THE MAX
Ni : Mutya ng Pinilag

salamat kay ymay sa pic na itu
ang mga nanalo sa kakatapos na timpalak kagandahan ng Mutya ng Pilipinas 2009 sa ika-apatnapu’t isang taon

De naman halata na sobrang FAN (o ay anu?) peru mukha yatang medyu kinakir ku na na mag-antabay sa MUTYA mula ng sila ay dumating sa ating makasaysayang bayan ng Baler. Nasaksihan natin ang taglay nilang ganda at kariktan sa kabila ng sobrang “banas, alinsangan, at init ng panahun” ay kailangan pa rin nilang ngumiti, at oras na mumungut ka at magsimangut ay “minus ganda points” talaga iyun baet.. Peru nasubukan na baga ninyu na maghapun ngumiti at magtawa? De baga ansakit sa panga at talaga namang mangangalay ka? Peru hanga aku sa kanila dahil maski na binabanas at nahuhulas na ang mga mek-up ay de pa rin nasisira ang poise, wala akung napansin na iipid-ipid, huhukut-hukut, kukuba-kubakub sa mga sexy single ladies.

IMG_1088

IMG_1091
Isang pambihirang pagkakataon ang naganap ng ang mga dilag ay salubungin ng sambayanan at isuot ang sumbrerong sabutan na ipinagmamalaki natin sa lahat ng bisita. Sandamakmak na mga photo op ang ating nasaksihan sa loob at labas ng Museo de Baler, natuwa ang marami dahil sa kanilang “souvenir shots” na maari nilang i-share sa kanilang mga magiging mga apo balang araw at maging sa Kapitolyo ay nagkaroon din ng isang maiksing programa kunsaan ipinakilala sa madla ang 34 candidates ng 2009 Mutya ng Pilipinas. Ngunit kung gaanu kaluwag at kalaya ka na magpiktyur-piktyur ng unang dalawang araw ay biglang naiba ang eksena sa mga susunud na araw.

Sa inaraw-araw na mga activities ng Mutya Pinas ay di ilang ulit na nagitla si Anene sa pagdaan ng “wang-wang” aka police patrol car…nasa unahan itu, mga abay ku, at umaapaw sa dami ng pulis na girls and some guys, may two cars na kasunud at may back-up pa sa likud ng dalawang Genesis Transpo na akaw ay anung panama nitu sa ispiritu na hinahabul ng sampung dimonyo sa bilis nan takbu, ay makimuka para naman na silang mga kikidnapin…ay hello…nasa Baler yata kayu…at sobrang sure kami na walang mga “abu” dito

super luvit talaga alfred at jackie

jane-banares

never mo masisilip si Ms. Jane Bañares na tinanghal na Mutya ng Pilipinas Intercontinental at pati na rin si Ms. Jackie Schubert na mukhang na krasan na yata ni Kapusu Hunk Alfred Vargas..asos…peru nakakaintendi naman kami na ders a protocol to it, kaya laang OA ang dating at pati yung mga pulis na nagpawap-wap sa akin at sa mga pinsan ku at frends na akala mu aagawin sa kanila ang Mutya at pati pag retratu mu na super ipopost mu naman at ishe-share sa pipol of the world ay sisitahin ka at sasabihan ka na “de ka opisyal” na photographer… de baga makapikon naman pag ganun… to think na …wala ka naman napupura ditu…and yet nakaka warm ng heart pag may nag comment sa blog mu na…thank you…I really admire you for your unselfishness…omg I’m so touched ever.

i soo love this bagay sila anu nga
uuuyyy ay hala bagay na bagay sila….i soo love Alfred and Jacqui yey

Nun may piktoryal ang Mutya sa Ditumabu Falls ay madaming gustong sumilip na mga frends, isa na nga ditu si Pareng Kek-kek na aking bff, ay ariyo nasa may tulay pa laang siya ng Ditumabu ay tinatanung na agad siya ng pulis kun saan siya pupunta at kung wala daw passes o sticker ay de raw pede pumasuk at pati na nga yung mga taga Ditumabu ay de man laang nila pinasilip maski pahapyaw. Nakaka sad talaga at lalu na akun nalugmuk nun sa mismung pageant sa short video clips ay wala an San Luis…ay dyaski sabi ni parekoy buburahin na yata kami sa mapa ng Aurora. Ay de naman iyun mangyayari baet dahil de pedeng de puntahan ng mga bisita ang Kaunayan at Ditumabu Falls..ikaw naman…kung anu ka na!!
posing ever talaga

Nakapanuud aku ng Pre-pageant Night kasama si Kapitana Gina, Ati Novs at pamangkin Nherdy kaya wala na sa planu ku na manuud ng Grand Coronation night peru ang iniisip ku ay panu na kaya pag de ikinober ni VM Pilot?…ay di mag-aantay pa aku ng palabas sa TV5 ay sa Linggo pa iyun Aug.16 pa at lutlut na saka panis na at baka hatinggabi na ipalabas ay baka de ku laang mapanuud dyaski…amproblema wala talaga tix…as in gintu… Peru de iyun naging balakid at nakakatuwa manuud sa labas sa malaking screen kun saan maririnig mu talaga mga super comments ng mga tao, during the gap na forever na yata sa tagal ay nakikita namin sa labas with close-up mode na banas na banas mga judges parang kinakati na si Alfred Vargas at paypay ng paypay ever dahil inum naman ng inum ng tubig…nun nagpapakilala ang mga candidates ay sobrang tagaktak ng mga pawis nila na nag-uunahan tumulu sa nuu sa sintidu at sa leeg ang pinaka sobra ay si candidate no.20 Christina McGarry at candidate 22 na si Rene McHugh na New Yorker…yun laang ang advantage namin na mga nasa labas kita namin ang mga pawis saka kun nandun ka naman sa luub at dress to the nines ka tapus dun ka lan naman papaupuin sa bubung read: gallery ay wag na… magwalk-out pa aku…(ay sinu naman tinakut ku kumbaga laang anu) nila pati pag e-emote ni Jericho at pagpapraktis kung anu tama pronunciation nun beauty queen na Polish ay nakikita namin.. nun kumanta si Echo ay biglang humiyaw ang mga bagets sa likud ku ng “lip-sing…lip-sing” dahil halata naman talaga ay de man laang nag live anu…de lan naman mahirap yung kanta nya kaya hanga talaga aku sa two tenors na nagharana sa may reigning queens na sina Jam Libatog at Jonavi Quiray.
swimsuit beauties

Napuna ku din na maraming mga tao na de taga ditu sa atin…may mga galing pa Nueva Ecija, Bicol, Maynila ay kun saan saan pa, nun nga tanghalin na Mutya ng Pilipinas InterContinental si Jane Bañares ay andaming humiyaw dahil madami pala kababayan niya dumayu talaga ditu saka may asosasyon nga pala ditu sa atin ang mga bikolano. Sa may corner ng building for the handicap ay may promo ang nestle na pipila ka para ka makakuha ng kapurit na sorbetes sa cap..kaya tuwan-tuwa ang mga kids peru may mga matatanda din na nakikiadaday at nakikidong-he…arehe ay de na laang nila..ipagpa-iya sa mga bata oo..katatandaaa

kwags and echo
De na aku nanghihinayang na de aku napapasuk sa luub maski na baga de ku nakita si Bianca Monica Gonzalez in person, na super peborit ku at miembro aku ng d pudgies ay okay laang dahil andaming ini-email sa akin na pics ng kanyang pinsan na si Kidlat ay de ku naman na maimagine pag de nakapasuk si Kiddy at asos naman andami malulungkut pag unabes na wala update sa batang baler talagang lugmuk na tayu dahil de tayu sanay na walang bagu sa ating super website de baga mga tsokaran?

athena in red
Natuwa din ang mga pipol ng Aurora ng pumasuk sa Top 12 si Athena Imperial pero sana pati si She-she ay nakasama din…naghalungkat aku ng mga blog naalman ku na kasama sa top 12 choices ni Ms. Joyce Ann Burton-Titular sina She at Thea…guys maski na de kayu nanalu….one thing na masasabi namin sa inyo you really made us proud….magaganda kayo…mababait at matatalino..at never na patatalo!!akaw ay oo naman!!

thea and sheshe

Sobrang hangang-hanga talaga ang mga tao sa mga gown nila…akaw ang gagaling ng mga designers anu…ay kitain mu nga laang iyan…pede na ding palang pang-party at pangsosyalan…sabi nga nun isang nagcomment sa adventures of the beauty queen ni ms. joyce..

The Sabutan Gown Competition is ultra special. What I heard is that they asked the candidates’ designers to create gowns using hand-woven banig material from Aurora
– THERE’S NOTHING LIKE A GOWN THAT YOU CAN SLEEP ON AFTER ALL THAT PARTYING!

ang gaganda ng gown
ang galing talaga….sooobrrraaa

Madami pa aku maikukwento peru mahaba na sobrang saya talaga ang maging kabahagi ng isang once in a lifetime event kunsaan maaring magbago ang lahat sa positibong paraan. Lagi nating ipagmalaki ang ating kamalayan at mga kaugalian na uniquely sa atin laang

IMG_0421
akkkaaawwww ay awan ku naman naaa ang de magsasabing maganda ditu….eng-eng….tu-ngeg at saka comatose naaa!!

IMG_0417
super wow

Maganda ang ating lalawigan/bayan at tunay na nararapat ipagmalaki kaninuman…yeba…talaga naman…super breathtaking ever!!

maraming salamat kay kidlat/batangbaler.com….mabuhay
thank you kay abay ymay yehey

Comments (20)

salamat miss donna sa super informative at entertaining mong blog about mutya 09..
ansayang basahin habang tinitingnan ang mga larawan…salamat dahil binabasa ko ng malakas ang write up mu kaharap ang mga officemates ko…kandahimatay sila sa ating “puntu”..he he he…funny but im sooo proud… taga diyan ako sa may gloria st…
ay titu nga at kulang na lang ay ibitin nila ako ng patiwarik para piliting makapunta na sila jan…
he he
sana makapunta ang buong school namin sa summer at ng maigala ko sila during our institutional outing.

salamat ulit!

Salamat sa inyu at maski de aku nkpanuud nkita nmin d2!

ay maraming salamat sa iyo, donnawhatto say, ang galing mong magsalaysay,kwela talaga, sa makatuwa
na yata,lumagpas tuloy ang oras ko sa katatawa hehe
salamat din ng maraming-marami sa pagpapagud ninyo para maishare sa madlang pipol di lang sa Baler
pati na sa ibat-ibang bansa, o dibaga sikat, pang international ka na, congrats! di ko nga alam ay na kandidata pala ang anak ng friend ko,more than 20 yrs na kaming di nagkikita. T.Y. din kay Kidlat

I finally got a chance to check out your web page, and I must say that I’m impressed. Hope everything is going well. Take care!

Just wanted to say hi, thanks and bye

You’ve done a great job!!!

Whenever we want to know recent news about our province, we usually visit Batang Baler. Sa totoo lang malaki ang tulong nyo lalo na sa promotion ng tourism.

Mabuhay Kayo! Maraming salamat!

makatuwa tlga ang punto ng baler! saludo ako sayo donnawhattosay!

ay naku! thanks ng marami donz. para na din akong nanood ng Mutya. updated din ako dito sa cayman becoz of the batangbaler. kakatawa ka talaga from the salitang baler hanggang dito sa mutya. kahit nga dito yung puntung baler dala dala ko. yung mga aree; akkaw; bakit daw ganun akong magsalita. salamat ng marami ulit. God Bless & more power to batangbaler.

hahaha..ay halika ate donna..areehe ay tuwang tuwa ung mga kasama ko dito sa subic (dj nga pala ako ditu),akoy native baler..nasunugan pa nga kami nung 1999 sa angara st. ay during my program ay pinagmamalaki ko ang baler.daig ko pa mga taga tourism. At sa sobrang galing kong magpromote ay andami na nag aakit sa aking igala ko cla jan..
are ay kako mahal ang pamasahe peru ang tutu-u ay wala lang clang tutuluyan hahaha..
someday gustu ku lumipat jan sa radyo natin baler kc mas masaya kung ang nakakarinig sa iyu ay kababayan mu talaga anu??sana makarating sa kanila ang wish ko..ipagpatuloy mu lang ati donna at marami kang napapasaya,,kahit malayu kami ay updated ako hehehe..GOD BLESS YOU

akaw ang galing mo, madaming salamat sa iyo.

thank you audrey :)

hi dj jan…salamat sana makarating ang mga frends mo ditu, ingat lagi :)

huy ati annie, akaw ay natuwa naman na aku at nag react ka, salamat at nagustuhan mo
nakakatuwa nga dahil madami talaga nag message sa akin, nun nga makita ku ang cayman
dun sa message board kung sinu mga na bisita sa webpage ay naisip kata agad.

Ingat kayu lagi, thanks and Godbless!!

thanks buc :) ingat lagi

thank you very much doc bern….take care and Godbless :)

thanks visit….visit ka lagi ha :)

salamat po sa inyo, kaya nga po pinipilit ko nga mai update ang webpage para
naman po may maishare sa inyo….take care and Godbless :)

thanks DM :)

thank you jayjay…sana makarating sila ditu sa atin…take care and Godbless :)

nice naman!!!!!!!!!!!daig ku p nagbasa ng nobela kc po makwela..anyway studjante po aq ng wup tag maria

Write a comment