Tunog Akaw
Panoorin ninyo ang showcase video na ito na gawa ng Roadrunner Network, isang pinoy na post-production company.
Kaya ko ito nilagay dito ay dahil tiga Baler ang Sound Designer at Supervisor dito - si Ronald De Asis. Si Ronald ay kilala na sa larangan ito sa bansa. Nung 2006 ay nanalo siya sa Urian Award at Cinemalaya Film Festival ng Best Sound para sa pelikulang Tulad ng Dati. Ilan sa mga pelikulang siya ang sound supervisor o sound engineer ay ang Pisay, Tiyanaks, Balahibong Pusa, Ligay ang Itawag mo sa Akin, at Magic Temple. Nandito ang kanyang imdb profile.
Isang bagsak para sa ating kababayan na si Ronald De Asis.
September 9th, 2008 at 6:00 am
galing naman! hanga ako. mabuhay ka Ronald!!
September 9th, 2008 at 12:39 pm
Para sa hindi gaano nakakakilala kay Ronald De Asis. Anak siya ni Manolo De Asis at Milagros Bitong ang lumang bahay nila ay sa tapat ng mount carmel college at simbahan ng baler. Siya ay pamangkin ni Mr. Rannie De Asis na pinsan naman ni Jayson De Asis yan ay sa kanyang father side. samantalang sa side naman ng kanyang Ina (Bitong) Ung nakatira ngayon sa bahay nilang luma sa tapat ng simbahan mga pinsan din nya iyon..Kung kilala nyo si Alan Maniaol (ako iyon) pinsan nya iyon hehehe..ska Si Aris Maniaol at Andrew Maniaol… AYUS!!!!:D
September 25th, 2008 at 8:24 am
de ku siguradu.. kung sya din yung magaling nakalaru ku sa TABLE TENNIS.. mabait at talented nga ang lekat.. good luck and congrats DENSYO.